Mission 3

10 2 0
                                    

ghinbaekho21😂

Ang misyon kagabi ay tagumpay sa tulong na rin ng mga pulis at iba pang galing sa iba't ibang organisasyon. Kung tama ako, hindi alam ng grupong ito na may kasamahan silang nag leak ng information. Naging madali ang operasyon dahil kahit nabigyan sila ng antidote na sinasabi ni Zeile na hawak ng isa sa kanila ay hindi nito tuluyang natanggal ang epekto nito. Hindi sila nakalaban ng maayos sa amin.

Ngunit sa buong operasyon hindi ko nakita si Hya, o sadyang hindi lang sakop ng kinaroroonan ko para makita kung nasaan siya.

Aktong magtatanong na ako kung may nakakita sa kanya nang sumulpot siya.

"Nakatakas siya–I mean sila." wala sa sariling sabi niya.

Pinaubaya na namin sa awtoridad ang natapos namin. Agad kaming bumalik sa head quarters upang maghanda sa susunod na pagsabak namin bukas ng gabi.

Hindi ko alam kung paano nalaman ng mga taong iyon na bukas ng gabi ay naroon kaming lahat. Madalang lang na nasa head quarters kami kapag gabi, kapag may important and urgent missions lang na kailangang paghandaan tulad na lang ng mangyayari sana bukas dahil sa operasyon sa susunod na isang araw sa isang kilalang sabungan na may magaganap na transakyon ng droga.

I don't know but I have this feeling na may taksil sa amin na nagbibigay ng impormasyon sa mga kalaban.

"Ready ka na mamaya?" tanong ni Alex na tanging tango ang sinagot ko.

"Suplada." bulong nito at lumipat sa tabi ni Raver.

"Nakita mo na bang nagsuot ng takong at dress si Jackie? Kahit sa parte lang ng misyon?" tanong ni Raver na hindi ko alam kung saan naman niya nahugot.

"Hindi pa pero gusto ko." iniwas ko nalang ang atensyon ko sa kanilang dalawa.

I don't like girly stuffs. Pagsuotin mo na ako ng damit panglalaki 'wag lang dress o takong na pagkataas-taas. Basta in general I like boy stuffs more than girly stuffs. Kaya nga mas pinili kong maging agent, cool kaya bagay na bagay sa akin.

"Everyone be prepared nasa labas na sila." pagbigay alam ni Raver sa amin through some sort of wireless earphone specially designed for us to communicate to each everyone of us.

May nakapwesto sa labas ng head quarters, sa rooftop, sa gate at iba't ibang maaaring daanan. Sa gilid ng head quarters ako na assign, sa mapunong parte.

"Two down."

"3 here."

"5 shits fucking done."

Nagsimula na silang pumasok base sa naririnig ko sa mga kasama ko.

Agad kong pinaputukan ang lumitaw sa kaliwa. Paglingon ko sa kanan may lalaking nakatutok ang baril sa akin na agad kong pinaputukan kaya bago pa ako mabaril natumba na ito.

Muling may sumulpot sa kaliwa ngunit ngayon ay tatlo na. Tatlo lang, agad ko silang inasinta at lahat natumba.

Naagaw ang atensyon ko ng bala na tumama sa pader sa gilid ko. Hindi magaling umasinta kung sino man iyon.

Sunod-sunod ang mga lumabas at may mga pagkakataong sabay sabay pa silang nagpapaputok. May mga balang sa pader malapit sa akin tumatama.

Naghintay ako ngunit tila ubos na sila ngunit masyado pang maaga upang makampante dahil sa taas ng punong katapat ko ay may pigura ng tao akong natanaw. Sinuri ko itong mabuti at nang masiguro kong tao nga ito ay inasinta ko ito upang barilin. Ngunit bago pa siya tamaan ay nakatalon na ito. Binaril ko siya ngunit agad ding nakalipat ng pwesto.

Tumatakbo siya palapit sa akin at sa oras na barilin ko siya ay agad itong nakalilipat upang makaiwas. Sa isang iglap nasa harapan ko na siya at hawak na niya ang baril ko. Paano niya ito nakuha? He's fast.

"Yes, I am. We're known to be fast." ibinaba nito ang dalawang baril na hawak niya na ipinagtaka ko.

"Shoot me what are you waiting for?" tanong ko dito. Tila wala itong narinig at tanging pagtitig lang sa akin ang ginawa niya. Kinuha ko ang pagkakataong ito upang kuhanin ang baril sa likuran ko. Aktong itututok ko ito sa kanya ng naagaw niya ito mula sa akin ng walang kahirap hirap.

"Girl, don't cheat tinititigan pa kita 'wag muna magpaputok." mabilis kong kinuha ang isa pang baril, huling baril ko at agad itong pinaputok sa kanya. Naagaw niya ito pero natamaan muna siya sa kanang balikat. Hindi ko man lang siya nakitang dumaing sa akin. He should be paralyzed by now anong nangyari?

"As expected, you're too good with guns. Fuck! Jackie, I regret giving you to my brother. Kung ipinaglaban kita wala ka sana dito."

Alam niya ang pangalan ko. But how? Ano ang sinasabi niya?

"You should be living your life now with flowers not guns, baking not decoding codes, and taking care of our children instead of playing with bullets." nababasa ko ang sinseridad at kalungkutan sa mga mata niya sa bawat salitang binitawan niya. What is he talking about?

Mabilis siyang nakapunta sa likuran ko at naipunta ang mga kamay ko sa likuran ko. He's locking my hands.

"You owe me your life, ilang beses kong binaril ang mga balang dapat tatama sayo." bulong nito sa akin.

Binalik kong sipain siya patalikod ngunit patama palang ito ay nasipa na niya ang paa. "Girl, I said don't cheat, kapag ako ang nandaya hindi mo magugustuhan."

"Stop calling me girl!" naiirita na ako sa lalaking ito ano bang problema niya!

"What's wrong with calling you girl? I used to call you that and just like now you hate it and I like it when you're angry." natatawa pa siya na mas nagpainit ng ulo ko.

"Let go!" narinig kong tumawa siya ng marahan.

"Oh you're a fan of Elsa? Bago yan Jackie you're not the type to like those things."

"I said let go not Let it go. Makawala lang ako dito patay ka talaga." inuntog ko ang ulo ko sa kanya dahilan para mapamura siya. Hindi niya pa rin ako binitawan, ang lakas niya para makawala ako.

"Not my nose you know this is the only thing I have! Jackie naman!" napangisi ako sa pagreklamo niya hindi naman sobrang tangos.

"Kapag ako talaga nagalit lalabas yang pagkababae mo." halatang iritado na siya na ikinatuwa ko. Ilong lang pala niya should I try again?

Akmang iuuntog ko ulit ang ulo ko sa ilong niyang matangos daw nang mabilis niyang binitawan ang mga kamay ko at dinala ito sa ulo ko upang mapigilan ang pagtama nito sa kanya.

Natigilan ako sa ginawa niya hindi ko alam kung bakit.

"Enough with my nose." ginamit niya ang kanyang kanang paa upang sipain paitaas ang baril ko, agad ko itong nasalo.

"Babawiin kita, magbabayad ka pa ng utang mo sa akin, remember that." bulong nito, tuluyan siyang naglaho bago ko pa siya mabaril.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon