"Sinabi ko sa'yo ayoko na! Paulit-ulit nalang ganito bwisit!" agad kong kinuha ang bag ko sa side table at nilampasan si mama na nakaharang sa pintuan sa kwarto ko. Hinawakan ng nanginginig niyang mga kamay ang braso ko dahilan para marahas ko itong iwakli.
"Anak makinig ka naman oh? Hindi ko pwedeng iwan si Ben. Magtiis ka nalang muna—"
"Magtiis?" bahagya akong natawa. "Apat na taon na akong nagtitiis! Ma, apat na taon! Lagi nalang lasing umuuwi ang lalaking 'yon at higit sa lahat sinasaktan niya tayong dalawa! Ma, hindi ko na kaya aalis na ako bahala ka kung sasama ka o hindi." tinalikuran ko na siya bago pa man siya magsalita ng kung ano.
Pagbukas ko ng pintuan palabas ng bahay bumungad si Tito Ben na lasing na naman. "Saan ka pupunta?" seryosong bungad niya.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nilampasan ko lang siya ngunit natigil ako nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Naiinis ko siyang tinapunan ng tingin.
"Ang sabi ko saan ka pupunta?" pag-uulit niya. Winakli ko ang braso ko kaya't nabitawan niya ang braso ko. Inayos ko ang pagkakadala ko ng bag. "Kung saan wala ka." malamig kong sagot at agad na tumalikod palakad palayo.
Wala akong pakialam kung madilim ang paligid. Nakakainis dahil patay-sindi pa ang mga street lights. Walang masyadong tao dahil hating-gabi na. Nagpatuloy ako sa paglalakad, niyakap ang sarili nang humampas ang malamig na hangin sa balat ko.
Tumigil ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Si Mina pala, kaibigan ko.
"Oh my god Thalia what's gotten into you?! Hating-gabi tapos lumayas ka—" bahagya kong nilayo sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya.
Nang masiguro kong kumalma na siya saka ko lang binalik sa tenga ko. "How did you know?" kalmado kong tanong.
Bumuntong-hininga siya. "Tita called me and asked me na pilitin kang umuwi—"
"I won't. Pagod na ako sa lalaking 'yon. Mina you know what I've been through because of the bastard. Kung sana iba nalang ang ipinalit ni mama kay Papa edi sana ayos ang lahat bwisit." tumingala ako sa street light na katapat ko dahil tuluyang nawala ang liwanag.
"Okay Thalia I understand but please bukas ka nalang maglayas utang na loob hating-gabi—" hindi ko na naintindihan pa ang kung anong sinasabi niya nang tinanaw ko sa di kalayuan ang isang van na sa tingin ko ay patungo sa direksyon ko. Gumilid ako para hindi ako harang sa daanan.
Tumigil ang van sa tapat ko at bigla akong nakaramdam ng kaba nang biglang bumukas ang pintuan nito at may lumabas na dalawang lalaki.
"Shit Mina—" bago pa ako makatakbo, tuluyan nang nakalapit sa akin ang dalawang lalaki. Hindi na ako nakapalag pa nang tinakip niya sa bibig ko ang panyong paniguradong may chloroform dahil nararamdam ko ang unti-unting pagbaba ng talukap ng mga mata ko.
---
"Tessa nagigising na siya.""Kumalma ka nga."
Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ng dalawang babae. Bumangon ako at nilibot ang paningin sa kwartong kinaroroonan ko. Hindi gaanong malaki, maraming double-deck na kama kung saan may mga babaeng nakatingin sa akin at iilang gamit.
"Uhm.. Hindi naman kita gustong takutin pero isa ka na sa amin." bungad sa akin ng babaeng blonde ang buhok.
"Ano ba kayo?" tanong kong binaba sa kama ang mga paa ko.
"Tayo." pagdidiinan ng babaeng kulay pula ang buhok. "Tulad mo, kinidnap kami at ngayon kahit labag sa loob namin nag-eentertain kami ng mga lalaki."