Tuwing bakasyon pumupunta kami sa probinsiya kung saan ang hometown ni Papa. Nandoon ang mga kamag-anak namin sa father side.Mga pinsan ko ang lagi kong kalaro kapag nagbabakasyon kami doon. Though naglalaro naman kami sa Manila sa labas pero iba ang sayang nararamdaman ko kapag doon sa probinsiya.
At ngayong bakasyon, pumunta ulit kami.
Inutusan ako ni Mama na bumili ng tinapay. Habang naglalakad nakita ko ang dalawang lalaki na nakatingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin.
"Ate ano daw pangalan mo sabi netong katabi ko?!"
"Tumigil ka nga ang gago mo."
Nilampasan ko nalang sila. Nakakahiya kaya tsaka hindi ko sila kilala.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami ng kapatid ko para makipaglaro.
Naglaro kami ng tumbang preso, taya-tayaan, tagu-taguan, prikidam 123, at ngayon patintero. Ilang beses pa akong nadapa. 3 times if I'm not mistaken.
"Sali kami." tumigil kami nang may dalawang batang lalaki ang lumapit. Sila yung dalawa kanina.
Kaysa sa maggrupo na naman ng panibago, pinaghiwalay na lang namin sila. Yung lalaking tumawag sa akin kanina ang kagrupo namin at yung isa naman sa kabilang grupo.
Tao sa amin, sa kabilang grupo ibon. They tossed the coin at ibon ang pumaibabaw kaya kami ang taya kainis.
Dahil magaling ang diskarte ng grupo namin ay hindi sila makatakas. May kanya-kanya kaming binabantayan. Yung lalaki kanina ang binabantayan ko.
Tumigil siya sa kasusubok na lumusot.
"Anong pangalan mo? Bago ka lang?" tanong niya. Nag-aalinlangan pa akong sagutin siya. Mahiyain kasi talaga ako at ewan pero ayaw na ayaw kong binabanggit ko ang pangalan ko.
"Camille, hindi talaga ako taga rito. Nagbabakasyon lang." tumango siya.
"Ako si Rex." kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at tumingin sa ibang direksyon habang nakahawak sa batok ang isang kamay. Inabot niya ang kamay niya sa akin para yata shake hands. Awkward sa akin pero agad kong kinuha ang kamay niya para makipagshakehands at agad sinigaw na nataya siya.
Nagsigawan kami ng mga kagrupo ko sa tuwa.
Napaawang ang bibig niya sa ginawa ko. Nakalimutan niya yata kasing magkalaban kami HAHA.
"Nakuha mo ako don." natatawa niyang sabi. Nagkibit balikat ako tapos tumawa, tuwang tuwa ako kasi nakataya ako yhezz. Ilang beses man nadapa at least nakataya.
Sa mga sumunod na araw laging nasa labas kami naglalaro. Minsan inaabot pa nga kami ng gabi tapos sasaraduhan na ng pinto.
Medyo naging close rin kami ni Rex kasi lagi rin namin siyang kasama maglaro. Kapag naglalaro kami ng ice, ice, tubig siya lagi ang nagliligtas sa akin. Tapos noong naglaro kami ng langit lupa katabi ko siya sa mga nakapatong na mga halowblocks, mga tatlong patong yata yon tapos bigla niya akong tinulak kaya nasubsob ako sa lupa tapos nataya ako. Galit na galit ako sa kanya noon pero nagkabati rin naman.
"Anong grade mo na?" tanong niya.
"Grade 3, ikaw ba?"
"Grade 3 den."
Lumipas pa ang ilang linggo naging mas close ko na ang mga kalaro ko. Sa tuwing naiisip ko nga na malapit na kaming umalis parang naiiyak na lang ako. Isang linggo nalang kasi aalis na kami.
"Sayang naman Camille dito nalang kasi sana kayo nakatira." nakasimangot na sabi ni Em.
"Hay.. Sana nga. Pero babalik naman kami alam mo naman yon."