Tinkerbell

15 4 0
                                    


"I can be your Tinkerbell until your Wendy comes."

Hindi siya nakapagsalita, tanging pagtitig lamang sa mukha ko ang nagawa niya.

Umamin akong gusto ko siya.

"But--"

But he doesn't like me. I don't care.

"Peter, I'm serious. I can be your temporary until your permanent comes."

Bumuntong hininga siya. "Okay."

--

Sa kabila ng pag-aming ginawa ko ay hindi niya ako iniwasan na kinatuwa ko.

Hindi man kami parehas ng nararamdaman para sa isa't isa, ang mahalaga nasa tabi ko siya.

"Bell, natatandaan mo yung babaeng sinabi ko sa'yo noon na nakilala ko sa simbahan? Nagkita ulit kami at nalaman ko ang pangalan niya." malaking ngiti ang nasa labi niya habang sinasabi ito. Kumikinang sa tuwa ang mga mata.

"What's her name?"

"Wendy. Funny, right? I am Peter and she's Wendy." masaya siyang tumawa.

And I'm Bell, Tinkerbell. Does that mean I am out of the story now that you've found your Wendy?

--

Madalas na silang magkita. Mas naging malapit sila sa isa't isa.

Sinasama ako ni Peter minsan kapag nagkikita sila because I am his best friend. Bestfriend, damn.

Ngunit kahit kasama ako, hindi ko maramdamang kabilang ako dahil parang may sarili silang mundo.

Hanggang sa dumating sa punto na mas madalas na silang magkasama.

At hindi na ako nagulat nang sabihin sa akin ni Peter na may nararamdaman na siya para kay Wendy.

Nagpatulong siya sa akin para mapormahan si Wendy.

And as his best friend, hindi ako tumanggi.

I set up a simple date for them.

Unang dumating si Wendy. Pinaupo ko siya.

"You're a good bestfriend, bell." she looks so happy while saying those words to me.

I smiled. Bitterly.

Stop saying that I am only his best friend, you bitch.

Nang dumating si Peter ay pinaupo ko siya sa upuang katapat ng kay Wendy.

"Thank you, bell. I owe you a lot."

I smiled.

Nagtungo ako sa tapat ni Wendy.

Tinignan niya akong nagtataka.

Dinampot ko ang kutsilyo sa lamesa at walang alinlangang tinarak ito sa dibdib ni Wendy. I smirked.

Now, you are out of the story. Our story.

Gulat na tumayo si Peter at nag-aalangang lumapit sa pwesto namin. "What the hell, bell! Why-- oh fuck this is insane."

"Why?" inosente kong tanong sa kanya matapos kong makumpirmang hindi na humihinga si Wendy.

"I though you were happy for us. Bell, you killed a person, you killed Wendy!" nagsisimula na siyang pagpawisan.

"Yeah, I told you that I could be your Tinkerbell until your Wendy comes. But I never said that I will let you go with this Wendy." tinuro ko ang babaeng katabi ko na ngayon ay wala ng buhay.

"W-what?"

"I'm done being the temporary, please let me be your permanent."

"N-no, bell stop."

"Peter, now it's only us. I'm tired of being Tinkerbell, now it's my turn to be Wendy, your Wendy." nginitian ko siya.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon