Louder

10 4 0
                                    


AN:  >_<

Kairo from my other story entitled Her Heart, has nothing to do with this one shot's character named Kairo. They are different persons, just same names.

---

10:03 am
Lumabas ako ng bahay upang magtungo sa hindi kalayuang parke mula rito tulad ng lagi kong ginagawa.

Dahil malapit lang naman ay nilalakad ko na.

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang muli kong masilayan ang mga batang naghahabulan sa kalsada na masayang nagtatawanan, mga ibong humuhuni na tila isang klase ng musika na hinding-hindi ko pagsasawaang pakinggan, ingay mula sa mga sasakyan at iba pang nakasanayan ko nang makita tuwing naglalakad ako patungo sa parke.

Halos labing-limang minuto ang paglalakad ko bago ako nakarating sa destinasyon ko. Umupo ako sa bangko na palagi kong inuupuan. Katapat nito ang isang ilog na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang ganda. Malinaw ang tubig na naaninag mula rito ang mga bato sa ilalim nito. May ilang mga bata rin ang masayang nagtatampisaw sa malinis na tubig at iba ay nanghuhuli ng mga isda.

Ipinikit ko ang aking mga mata upang lasapin ang malamig na simoy ng hangin na  dumadampi sa aking balat.

Ang lugar na ito ang pangalawang lugar na nagpaparamdam na ako'y ligtas at nagbibigay ng kaginhawaan sa aking pakiramdam, una ang aking silid.

Natigil ako nang maramdaman kong may tao sa aking tabi. Nang imulat ko ang aking mga mata, isang lalaking sa tingin ko ay matanda lamang ng ilang taon sa akin ang ngayo'y kasalukuyang nakatingin sa akin.

May dumi ba ako sa mukha?

Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa ako na ang umiwas at ibinalik ang tingin sa ilog.

"Ang ganda mong pagmasdan, napakapayapa at tila napakasaya mo base sa nakikita ko sa iyong mukhang napakaamo." binalik ko ang aking tingin sa lalaki.

Ngumiti siya bago nilipat ang tingin sa ilog. Ngayon ay ako naman ang nakatingin sa kanya.

Muli siyang nagsalita. "Matagal na kitang napapansin sa lugar na ito, sa mismong bangkong ito ka laging nakaupo. Ngayon ko lang naisipang lapitan at kausapin ka." bahagya siyang natawa.

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Nandito ka ulit bukas diba? Magkita nalang tayo bukas kailangan ko na kasing umalis may usapan kami ng mga kaibigan ko." tumayo siya, bago tumalikod at tuluyang maglakad palayo ay nginitan niya ako. Tipid na ngiti ang isinukli ko.

Kinabukasan muli akong nagtungo sa parke. Nakita ko ang lalaking kumausap sa akin kahapon na nauna nang nakaupo sa bangko. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at kinawayan ako.

Umupo ako at sumunod naman siya.

"Inagahan ko talaga para mas matagal kitang makausap." naiilang na ngumiti ako. Bakit gusto niya akong kausapin?

"Actually kalilipat lang namin dito, isang buwan pa lang. Unang araw ko dito nagjogging ako, nakita kita noon dito mismo sa bangkong ito. Sunod-sunod na 'yon. Paborito mo ang lugar na ito?" tumango ako.

"Nakita mo na ba ako dati?" inalala ko kung nakita ko na nga ba siya noon pero hindi siya mukhang pamilyar kaya umiling ako.

"Alam mo bang nang una kitang makita dito parang nakita na kita sa kung saan dati? Parang ang gaan ng pakiramdam ko sayo na gusto kitang lapitan at kausapin. Weird diba?" natatawang sabi niya. Hindi ako sumagot. Nilipat ko nalang ang tingin ko sa ilog.

Napakadaldal niya, feeling close lang. Naiilang na talaga ako. Hindi ko sanay na may taong kumakausap sa akin ng ganito.

"Ilang taon ka na?"

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon