Too Late

18 2 0
                                    

"Hoy babae! Halika nga dito. Diba ilang beses ko nang sinabi na kapag nasa labas tayo huwag na huwag mo akong tatawaging ate. Umasta ka na hindi mo ako kilala. Anong katangahan ang ginawa mo kanina? Muntik nang malaman ng mga kaibigan ko na may kapatid akong tulad mo!" umuusok na naman sa galit ang ate ko.

"Don't ever dare na gawin 'yon sakin mapapatay talaga kita." dagdag ni Kuya Prime.

Tumango nalang ako sa kanila pagkatapos ay pumasok sa kwarto ko.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Sobrang pangit ko na ba na sarili kong mga kapatid kinakahiya ako? Lumaki si Kuya at Ate na laging nakakatanggap ng papuri mula sa iba't ibang tao.

Mahagip lang kasi sila ng mata mo talagang mapapalingon ka talaga. Nung nagpaulan ng kagandahan at kagwapuhan present na present sila, sinalo nila lahat.

At ako? Hindi pa yata naisisilang.

--

"Ma, hindi ba pwedeng ilipat mo na lang ng ibang school si Autumn?" tanong ni Ate habang kumakain kami.

"Bakit naman, Lovely? Mas maganda nga na magkasama kayo sa iisang school para mabantayan mo ang kapatid mo. At isa pa last year mo na rin naman sa school na 'yon diba kaya hindi na kailangan." sagot ni mama. Halatang hindi 'yon ang gustong sagot ni ate Lovely dahil mababakas mo sa mukha niya na medyo nainis siya.

"Bilisan niyo nang kumain, sabay-sabay na tayo male-late na rin ako sa trabaho ko. Ihahatid ko na kayo." kaya nagmadali na kami sa pagkain.

Mag-isa na lang si mama sa pagtataguyod sa amin matapos kaming iwan ni papa at sumama sa ibang babae.

Maaga siyang umaalis, tulog na kami minsan kung dumarating siya. Pero kahit konti lang ang naibibigay niyang oras para sa amin, kung may oras naman siya bawing bawi dahil lahat ginagawa niya para makabawi sa mga oras na hindi kami nagkakasama.

"Ma, nakita daw ni Autumn kaibigan niya. Bababa na daw siya para sabay na sila." saad ni ate kay mama kahit wala naman talaga akong sinabi. Natawa si Kuya.

"Pero malayo pa ang school dito seryoso ka, Autumn?" Tanong ni mama pero may magagawa pa ba ako? Pinanlisikan na ako ng mata ni ate kaya bumaba na ako.

Palusot na naman niya para hindi kami makita na bababa mula sa iisang sasakyan.

Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may humila sa akin mula sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Akin na assignment ko." walang emosyon na sabi ni Danica.

Agad kong nilabas ang notebook niya at binigay sa kanya. Bago siya umalis pinukpok niya muna sa ulo ko ng dalawang beses ang notebook. Mahina lang naman kaya hinayaan ko na. Nagmadali na ako dahil panigurado late na naman ako dahil sa ganitong gawain ni ate.

Malapit na ako sa gate nang humarang sa daanan ang limang lalaking kaklase ko.

"Autumn, ikaw na bahala magdala ng mga bag namin sa upuan namin. May dadaanan lang kami." sabay-sabay nilang binigay sa akin ang bag nila, muntik pang may mahulog.

Hindi naman masyadong mabigat ang bag nila kaya walang problema pero pinagtitinginan ako ng ibang estudyante, anim ba naman ang dala kong bag.

Nabigla ako nang may kumuha ng apat na bag na dala ko.

"Hindi ako na-inform na taga dala ka na pala ng mga bag ngayon." sabi ni Rank, kaklase ko. Hindi ko na inabala pang kunin ang mga bag sa kanya.

Matapos ang insidenting 'yon ay madalas nang nakabuntot si Rank sakin. Dahil madalas akong mabully sa school ay lagi na akong pinagtatanggol nito kaya tinanggap ko na rin siya nang inalok niya ako ng pakikipag kaibigan. Siya lang muli ang naging kaibigan ko matapos ang ilang taon.


One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon