I love you

13 3 2
                                    

Author: ≧∇≦

Kent from my other story entitled Her Heart, has nothing to do with this one shot's character named Kent . They are different persons.

---

Papunta na ako sa banyo para maligo nang makatanggap ako ng text message mula kay Kent.

8:34 am
Hi love, good morning, labas tayo?

Binaba ko itong muli sa lamesa. Akmang tatalikod na ako nang muli itong tumunog. It was from Kent again. I opened it.

8:34 am
Siguro naliligo ka ngayon, kapag nabasa mo 'to reply ka agad kung matutuloy tayo. Para alam ko kung i-cancel ko lahat ng lakad ko ngayon. I badly want to see you :>

Napabuntong hininga ako.

8:35 am
Okay, tuloy tayo.

Ibinaba ko ang cellphone ko at nagtungo sa banyo para maligo.

Matapos ang isang oras dumating si Kent sa bahay upang sunduin ako.

"You look great! Girlfriend ba talaga kita?" kunwari nagulat siya, hinawakan ang magkabilang pisngi niya na siyang kinatawa ko.

"'Yan, napatawa kita. Let's go."

Sumakay na kami sa dala niyang kotse. Habang nagmamaneho ay hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. He smiled, a genuine one.

Ngumiti rin ako.

Buong oras kong tinitigan ang lalaking kasama ko ngayon na nagmamaneho.

Ilang ulit tinanong ang sarili kung bakit hindi ko siya magawang mahalin sa kabila ng lahat ng kabutihang ipinakita niya sa akin.

Yes, he's my boyfriend.

Nanligaw siya sa akin ng almost 1 year. Kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanya na hindi ko siya sasagutin ay hindi pa rin siya tumitigil.

Nang mag-iisang taon na ay nakaramdam ako ng guilt. Sobra na ang effort niya sa akin kaya kahit wala akong nararamdaman para sa kanya ay sinagot ko.

Sinasabi sa sariling matututo ko rin siyang mahalin balang araw.

Ngunit bakit hanggang ngayon hindi pa rin? Tatlong taon na kami, tatlong taon ko na pinapaniwala sa sarili kong minahal ko na nga siya. Nagpapanggap akong masaya kasama siya, sweet sa kanya, mahal siya, umaktong isang mabuting kasintahan na mahal siya.

Pero kanina hindi ko na kinaya.

Parang gusto ko nang tumigil dahil alam kong alam niyang hindi ko siya mahal na mahal tulad ng nararamdaman niya para sakin. Alam kong nasasaktan na siya sa ginagawa ko kaya parang gusto ko nang tumigil.

Aware siya sa totoong nararamdaman ko sa kanya dahil ang gagong ako, sinasabi sa kanya. Sinasabi kong hindi ko pa siya mahal na mahal. At ang lagi niyang sagot?

Maghihintay siya sa panahong magawa ko na rin siyang mahalin tulad ng pagmamahal niya sa akin.

Takot akong masaktan at alam kong kapag nagmahal ka, siguradong masasaktan ka.

'Yun siguro ang dahilan kaya hindi ko siya magawang mahalin. Dahil pinipigilan ko ang sarili ko sa takot na kapag minahal ko siya ay matatapos din kami, iiwan niya rin ako, masasaktan ako.

"Hey, mahal mo na ba ako? Kanina mo pa tinititigan mukha ko. Ikaw ha.." natatawang turan niya na may halong panunukso.

mahal mo na ba ako?

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon