I have this friend the tinuring ko ng totoo kong kapatid. Magkaibigan na kami mula pa lang grade 1. Since the first day na nagkakilala kami ay naging magkaibigan na kami. Hindi na kami mapaghiwalay.
Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit mabilis kaming nagkasundo ay dahil sa mga gusto namin. Madalas na pareho kami ng gusto. Sa pagkain, damit, subject, hobby, personality ng tao. At dahil nga madalas ay pareho ang gusto namin ay dumarating sa pagkakataon na may isang kailangang magparaya kapag iisa na lang talaga ang pareho naming gusto.
Tulad na lamang nang minsan kaming pumunta sa mall para bumili ng mga gamit. Pareho naming nagustuhan ang isang sapatos na iisa nalang. Dahil alam kong gustong-gusto niya ito ay pinaubaya ko na. Kapag may mga ganitong pagkakataon ako lagi ang nagpapaubaya pero hindi naman ako nagtanim ng kung anong sama ng loob. Ang mahalaga sa akin ay makita ko ang ngiti niya. Na makita ko siyang masaya lalo na dahil sa akin.
Siguro dahil na rin sa sitwasyon niya sa pamilya niya. Hindi kasi siya masyadong naaasikaso dahil parehong laging busy ang magulang niya. Minsan nagbibiro nga siya na pera na daw ang pamilya niya ngayon dahil yon ang madalas niyang kasama, bigay ng parents niya.
Dahil sa ganito niyang kalagayan pinakilala ko siya sa parents ko. Kabaligtaran kasi sila ng parents niya. They are so caring, always. Wala na akong hihilingin pa sa mga magulang ko. They're so perfect for me.Minsan nakakaramdam ako ng selos kasi minsan parang mas natutuwa na sila sa kanya. Yung atensyon nila nasa kanya na lagi. Pero gaya ng sitwasyon noon ay pinabayaan ko nalang. I know na kailangan niya ng parents ko ngayon. Hindi naman niya kukunin ang parents ko diba? Why bother getting jealous?
"Heart, look at this. Maganda diba? I'll buy this." again, yung necklace na kanina ko pa tinititigan at balak bilhin ang siya ring nagustuhan niya. Napabuntong hininga ako.
"Hindi ka ba bibili?" tanong niya habang hindi matigil sa turo sa necklace.
Umiling ako, "Hindi na muna, marami pa naman akong necklace."
"Bahala ka, sayang magaganda pa naman accessories nila dito."
At isa pa sigurado naman na reregaluhan din ako nila Papa. Birthday ko na sa darating na Sabado. 2 days nalang.Kinabukasan lumabas kami nila Mama, Papa at Kuya. Holiday kasi kaya kinuha nila ang pagkakataong ito para makapagbonding kami. Balak pa nga nilang isama si Villane pero may gagawin daw siya kaya hindi siya makakasama.
Tinuro ko ang isang set ng necklace, bracelet at ring.
"Bagay siguro sakin 'yang mga yan. May magregalo sana." syempre nagparinig ako para iregalo nila sa birthday ko.
"Talaga? Mas bagay 'yan kay Villane kasi mas maputi siya sa'yo." sinamaan ko ng tingin si Kuya.
"Pa si Kuya oh."
"Kung gusto mo 'yan dapat pag-ipunan mo para mabili mo." palihim akong nangiti sa sinabi ni Papa. Sinabi niya 'yon para hindi ipahalata na ireregalo niya 'yon. Papa kilalang kilala kita sus.
Kinabukasan sa school nilapitan ako ni Villane na umiiyak.
"Heart, si Mommy at Daddy maghihiwalay na sila. Wala na akong ibang pupuntahan. May sarili silang pamilya kaya hindi nila ako pwedeng kunin. Pwede ba akong tumuloy muna sa inyo?" pumayag ako kahit medyo nag-alinlangan ako na alam kong hindi ko dapat naramdaman.
Kinahapunan kinuha namin ang mga gamit niya at tumuloy na sa bahay. Mainit siyang winelcome ng pamilya ko na kinatuwa ko naman pero may parte sa puso ko ang kumirot sa hindi ko alam na dahilan.
Kinabukasan masigla akong bumangon at pasikretong lumabas ng kwarto para tignan ang surprise party nila sa akin na lagi nilang ginagawa noon.
Sobrang tahimik kaya mas naexcite ako. Lalo na at ngayon ay nandito si Villane. May narinig akong nagsasalita sa sala kaya maingat akong naglakad para silipin sila.