Mission 1

10 2 0
                                    


Patuloy ang pagmasid ko sa lugar na inatas sa akin upang bantayan ang pagdaan ng mga kargong may lamang milyon-milyong tonelada ng ipinagbabawal na gamot, matataas na kalidad na mga baril at mga batang ibebenta sa iba't ibang organisasyon.

Inalay ko na ang buhay ko sa gawaing ito at kahit alam kong delikado ang mga taong inatas sa akin ay hindi ko naisipang tanggihan ito. Isa pa hindi niya ito ibibigay sa akin kung alam niyang hindi ko kaya. Babae ako ngunit hindi ito naging hadlang upang maging isa ako sa mga tinitingala sa buong ahensiya.

Mas nagtago ako sa batong pinagtataguan ko nang makarinig ako ng mga yabag ng mga kabayo at makina ng mga sasakyang palapit.

Tatlong malalaking track at mga nagbabantay na nakasakay sa mga kabayo sa paligid ng mga track. Inasahan ko simula pa lang na marami ang kanilang bilang ngunit hindi ko inakalang ganito karami. Sabagay malaking transaksyon kaya hindi na nakapagtataka na ganito karami ang pinadala. Isa pa hindi maghihinala ang mga tao dahil ang rutang dadaanan nila ay walang mga taong napapadpad. Walang makakakita sa kanila.

Mabagal ang usad ng mga ito na advantage ko upang mas madali ko silang maasinta.

Inayos ko ang equipment na ahensiya mismo namin ang gumawa, baril na ang bala ay karayom na may kakayahang magparalisado ng buong katawan sa loob ng 24 hours sa oras na matamaan ka nito, una kong pinatamaan ang nasa hulihan upang hindi agad mahalata. Wala pang isang minuto nalaglag ito sa kanyang kabayo. Nang lumampas ang track lumitaw ang isa pang nakasakay sa kabayo na nasa kabila. Agad ko itong pinatamaan bago pa nito maisigaw ang nakitang kasama. Tumba.

Naalarma ang iba pa nang marinig ang pagtumba ng dalawa kaya tumigil sila at kanya-kanyang tutok ng baril sa iba't ibang direksyon.

Kinuha ko ang pagkakataong ito upang patamaan sila, wala pang isang minuto tumba lahat.

Lumapit ako sa mga track at isa isang binuksan. Unang track ay droga,  pangalawang bukas, iba't ibang klase ng baril, pangatlong bukas, mga batang nakabusal ang mga bibig at parehong nakatili ang kamay at paa.

Aktong papasok ako sa track nang may brasong pumulupot sa leeg ko at kamay na nakatutok sa akin ang hawak ko lang na baril kanina. Paano niya nakuha yon? Hindi ko man lang naramdaman na hindi ko na pala ito hawak.

Ginamit niya ang kanyang paa upang isara ang pinto ng track. Pagtingin ko dito naka lock na ito, paano niya ito nagawang i-lock ng hindi ginagamit ang kamay niya?

Ilang beses siyang umatras, lumayo kami sa mga track at kasamahan niya.

"Don't act foolish lady, one wrong move, this gun of yours will paralyze you." malamig na tinig ng lalaking may hawak sa buhay ko ngayon. Bakit hindi ko siya napansin kanina?

Dahil malaya ang mga kamay ko, hinawan ko ang kamay niyang may hawak ng baril at agad itong kinuha sa kanya. Mabilis akong umikot upang makawala sa kanya. Dumistansiya ako sa kanya at tinutukan siya ng baril, laking gulat ko nang tinututukan na rin pala niya ako ng baril. He's so fast.

"I underestimated you lady. Ngayon sisiguraduhin kong hindi ka na muling makakatakas pa. Put your gun down." tinaasan ko siya ng kilay na kinangisi niya.

"Anong tingin mo sa akin tanga? Once I put this gun down it's game over for me." pero hindi ako nakasisiguro kung sapat pa ang bala nito sa pakikipaglaban ko sa lalaking ito, masyadong marami na akong nagamit kanina at sa oras na maglalagay ako ng mga bala siguradong nabaril na niya ako sa sobrang bilis niya fuck! Halatang wala akong laban sa isang ito.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Binitawan niya ang baril na hawak niya.

"Now put the gun down. Wala na akong hawak, play fair." humakbang siya kaya umatras ako na hindi pa rin inaalis ang pagtutok sa kanya ng baril.

"Bakit kita susundin? Sigurado akong may baril ka pang reserba. Don't try to fool me Mr., hindi ako magpapaloko sayo." mas hinigpitan ko ang hawak sa baril na kahit anong oras maaari ko na siyang paputukan.

"You got me." marahan siyang tumawa bago yumuko upang damputin ang kanyang baril.

Nagulat ako nang bigla siyang sumugod sa akin shit hindi ko naisip yon. Huli na nang makapaghanda ako, nasa likuran ko na siya, tinutok niya ang baril sa ulo ko samantalang ang isa niyang kamay ay hawak ang dalawa kong kamay na nasa likod ko na. Masyado siyang mabilis.

"I won't make the same mistake again." pilit akong kumawala ngunit hinigpitan niya ang hawak niya sa mga kamay ko na siyang dahilan upang dumaing ako sa sakit.

"Let me–"

"I will if you promise you won't attact me!" nagulat ako sa pagtaas ng boses niya at sa sinabi niya.

"Promise first." mahinahong saad niya, hindi na rin gaanong mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.

"P-promise." sa isang salitang binigkas ko agad niya akong pinakawalan. Humarap ako sa kanya na punong puno ng pagtataka.

"Makakarating ang mga ito sa pinag-usapang oras, may hawak akong antidote kaya tuloy kami. 10:00 o'clock mamayang gabi sa sea port sa kalapit na bayan magaganap ang transaction sa pagitan ng organisasyon namin at Black Primrose, ang pinakamalaking organisasyon ng mga sindikato." bakit siya nagbibigay ng ganitong impormasyon? Ikasisira nila ito.

"Anong kapalit?" seryosong tanong ko. Hindi ako dapat magtiwala sa lalaking ito. Imposibleng magbigay siya ng ganitong impormasyon ng walang kapalit.

Napansin kong kumuyom ang mga kamao niya na agad ding natigil. Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya na ngayon ay seryoso na.

Tumalikod siya at nagtungo sa kung saan. Pagbalik niya ay may dala siyang kulay itim na kabayo.

Paglapit niya sa akin binuhat niya ako at isinakay sa kabayo ng walang kahirap-hirap.

"Lulusubin namin ang head quarters niyo bukas ng gabi. Wala kaming ititira." aktong bababa ako nang pigilan niya ako.

"Bakit mo sinasabi sa akin ang mga ito? Wala kang balak buhayin ako tama ba? Kayang-kaya mo akong tapusin bakit hindi mo gawin?" sa halip na sagot tanging pagtitig lang ang natanggap ko mula sa kanya.

"Umalis ka na." walang emosyong saad niya. Mariin ko siyang tinitigan at pilit naghanap ng kung anong pwede kong mabasa sa ekspresyon niya lalo sa kanyang mga mata ngunit wala akong mabasa.

"Wala ka naman sigurong kinabit na bomba sa kabayong ito?" nabigla ako nang sumakay siya sa kabayo at naupo sa likuran ko. Bahagya akong nakalingon sa kanya. Isinumping niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng tainga ko.

Ilang segundo niyang hindi inalis ang tingin sa akin at ngayon, nababasa ko ang kalungkutan sa mga mata niya.
Tila hinihila at nilulunod ako nito kaya ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya.

Hindi ko maintindihan ngunit may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan.

Hinawakan niya ang pisngi ko at sa sandaling dumampi ang kamay niya sa pisngi ko pakiramdam ko pamilyar ito at hindi ito ang unang pagkakataon.

"Zeile.." natigilan ako. Kilala niya ako?

Naputol lang ito nang matauhan siya at bumaba sa kabayo.

"The horse is safe, I won't put my wife in danger."

Bago ko pa siya matanong tungkol sa sinabi niya at kung bakit niya ako kilala ay pinalo na niya ang kabayo at mabilis na itong tumakbo. Ilang beses kong pinahinto ang kabayo ngunit hindi ito humihinto kahit anong gawin ko.

Nakalayo na kami nang sa wakas huminto ito. Bumalik ako ngunit wala na sila, hindi ko rin sila nakasalubong kaya wala akong nagawa kundi bumalik sa head quarters at i-report ang impormasyong nalaman ko.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon