Closed Eyes and Ears

18 5 0
                                    


"Patayin silang lahat! Walang ititira!"

Rinig namin mula sa labas.

"Dito muna kayo. 'Wag kayong lalabas hangga't hindi namin sinasabi. Laurent kapag hindi kami nakabalik alam mo na ang gagawin mo sa kapatid mo." bilin ni Ina habang si Ama ay walang tigil sa pagtingin sa pinto.

"Opo, mag-iingat kayo." hinalikan ni Ina ang noo namin ni Kuya bago sinarado ang aparador kung saan kami magtatago.

Mula sa butas sa gitna ng aparador ay nakita ko kung gaano karami ang pumasok sa bahay namin at kinalaban ng mga magulang namin.

Nakita ko kung paano nila walang awang paslangin ang mga magulang ko. Kung hindi ako yakap at hindi nakabusal ang bibig ni Kuya sa akin malamang sumigaw na ako at lumabas para ipaghiganti sila Ina.

Kinabahan ako nang makita ko ang isang lalaki na patungo sa direksyon namin. Nakita niya ba kami? Aktong bubuksan na niya ang aparador nang tawagin siya ng mga kasamahan niya kaya umalis na lang siya.

Hindi ako maawat sa pag-iyak, hindi pa kami lumabas sa aparador ni Kuya hangga't may naririnig pa kaming mga tao sa labas. Matapos ang ilang oras nang masiguro naming wala na ay agad kaming lumabas upang puntahan ang mga walang buhay na katawan ng mga magulang namin.

"I-ina... A-ama.. Bakit nangyari ito? Wala naman tayong ginagawang masama. Kasalanan bang mabuhay tayong ganito? Bakit napakasama ng mga tao sa atin? Pinapangako ko, ipaghihiganti ko ang pagkamatay ninyo." hinawakan ni Kuya Laurent ang ulo ko.

"Tazanna, nakalimutan mo na ba ang turo sa atin ni Ina at Ama? 'Wag tayong mananakit ng tao lalo na ang maghiganti."

"Bakit sila ba ganyan ang iniisip sa atin? Kuya pinatay nila si Ina at Ama! Walang awa nilang pinaslang tapos ganyan pa rin ang nasa isip mo? Hindi ako Kuya, ibabalik ko lang kung anong ginawa nila sa atin. I hate them, I hate every single human." inalis ko ang kamay niya sa ulo ko.

"Sa ganyang pag-iisip mo magiging tulad ka ng mga masasamang ghoul." tumayo ako at dumungaw sa salamin. Tinanaw ang magulong labas, ang mga nasusunog na bahay at bangkay ng iba pang ghoul na nakahandusay sa lupa.

"Wala akong pakialam."

Ghouls
: an evil creature in frightening stories that robs graves and eats dead bodies
: some also says they eat flesh of an alive human because it tastes much better than the dead one

Ilang taon kaming nagtago kasama ang ilan sa mga ghoul na nakaligtas. Ang pamayanan namin na inatake nila ay grupo ng mga ghoul na hindi pumapatay ng tao upang gawing pagkain.

Hindi namin kayang kumain ng pagkain na kinakain ng mga tao dahil nagkakasakit kami at tanging tao lang ang maaari naming kainin at kami ang klase ng mga ghoul na ayaw pumatay ng tao ay bangkay ng tao ang kinakain namin.

Mga taong nagsuicude sa bundok, bangkay sa gubat, ilog at kahit sa mga libingan. Kahit kami sawa na sa ganitong buhay, kung pwede lang pumili ng klase ng buhay hinding hindi ko pipiliin ang mabuhay na ganito.

Sa mga lumipas na taon mas naging makabago ang paraan ng panghuhuli nila sa mga kagaya namin dahil sa advance technology.

At dahil laging nalulusob ang pamayanan namin ay minabuti namin ni Kuya na manirahan sa siyudad kung saan naninirahan ang mga tao. Alam naming delikado pero wala na kaming choice.

Sinubukan namin ni Kuya na makibagay sa mga tao. Nagtrabaho siya at pumasok ako sa paaralan.

Noong una nahirapan ako pero nang tumagal nasanay din. Nagkaroon din ako ng dalawang kaibigang tao. Iniiwasan kong kumain ng pagkaing tao kapag kasama ko sila. Sinasabi ko nalang na diet ako. Nang minsan ko kasing subukang kumain halos tatlong araw akong nagkasakit.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon