"Until when are you planning to stay there?" tanong ni Elton habang di maalis ang atensyon sa mga isdang nasa aquarium."Malapit na matapos ang misyon ko sa impyernong 'yon. Konti na lang magtatagumpay na tayo." tumayo ako para kumuha ng libro.
"Sinong mag-aakalang madali kong makukuha ang loob ng lalaking iyon? Ginawa pa akong isa sa mga namumuno." bumalik ako sa aking upuan matapos makapili ng libro.
"Just focus on your mission. Pagod na akong tanawin si Zeile mula sa malayo." nilukot ni Gazer ang papel na kanina pa niyang hawak.
Natawa ako. "Patience bro, konting tulog nalang mayayakap mo na siya, 'wag atat."
"Sana nga Alex, because it hurts that my girl don't even recognize me." seryosong sabi ni Andrei habang nakatitig sa phone niya– sa litrato nila ni Hya na magkasama.
"Buti ka pa nakikita mo sila araw-araw. Alam niyo bang nang magkita kami ni Jackie muntik na niyang sirain ang ilong ko? Sobrang galing niya pa rin sa paggamit ng baril, at nagagalit pa rin siya kapag tinatawag ko siyang girl." umupo na si Elton, iniwan ang mga isdang halos isang oras na niyang tinititigan.
Hindi ko mapigilang isipin ang plano namin at kung paano ito magtatapos. Nagsimula ito sa pagkuha niya sa mga babaeng mahalaga sa buhay namin, sa puso namin. We're all agent. Bumuo kami ng sikretong organisasyon na tanging kami lamang walo ang nakaaalam. Sikretong lumalaban para sa katotohanan at kaligtasan ng bawat mamamayan. Masaya kaming lahat sa ginagawa namin hanggang sa makita ng lalaking iyon ang pambihirang kakayahan namin. Kinuha niya ang apat na babaeng kasama namin sa gawaing ito na siya ring laman ng aming puso upang idagdag sa kanyang mga agent.
Dahil sa kanyang advance technology equipments ay madali niya silang na-brain wash at natanggal ang alaala nila sa amin. Ngunit nagkaroon ng problema sa isang machine na ginamit niya. Si Lesley, ang babaeng nagmamay-ari ng puso ko ay namatay dahil sa maliit na pagkakamali ng lalaking iyon.
Gumawa kami ng plano upang mabawi ang tatlo pang babae. Plinano naming sumali ako sa organisasyon ng lalaki, inakala kong makikilala niya ako ngunit nagkamali ako. Dahil sa kakayahan ko ay madali kong nakuha ang kanyang loob at napabilang sa mga lubos niyang pinagkakatiwalaan. Dahil dito madali kong nalalaman ang mga importanteng impormasyon na magagamit namin. Idagdag pa na madalas kong makikita sila Jackie, Hya at Zeile. Isa rin sa dahilan kung bakit ako ang pumunta dito ay dahil kapag isa sa kanila, maaaring pangunahan sila ng kanilang damdamin at masira ang lahat ng pinaghirapan namin.
Silang tatlo ay sa pangunahing sindikatong kalaban ng organisasyong ito pumunta. Ngunit siniguro namin na sa pagsali sa sindikatong iyon ay wala kaming madadamay na inosenteng buhay. Tulad na lamang nang ibigay nila ang impormasyon kung kailan kami kumpleto sa head quarters upang mas tumatag ang kapit nila sa mga ito. Ibinigay ni Gazer kay Zeile ang ilang impormasyong makasisira sa sindikatong kinabibilangan nila at ang mangyayaring pagsugod sa susunod na gabi. Siniguro namin na walang masasaktan.
Sa araw ng operasyon sa sabungan, nagpaalam akong may mas importanteng akong pupuntahan na may nagaganap na bilihan ng droga sa pagitan ng mga politiko. Pumayag siya ngunit syempre palusot ko lamang ito.
Nagtungo sila Elton sa sabungan at tinulungan sila Raver na matunton ang lugar ng transakyon.
Samantalang ako ay nagtungo sa mansion ng lalaking puno't dulo nitong lahat upang itama na lahat ng kanyang maling ginawa. Hanggang ngayon walang nakaalam ng kanyang tunay na pangalan, kahit kami, kahit anong paghahanap namin ay wala kaming makalap na impormasyon tungkol sa kanya.
Hindi ko kabisado ang mansion na ito dahil ito ang unang pagkakataong nakarating ako dito dahilan upang mahirapan ako kung paano ako makakapasok.
Dumaan ako sa nakabukas na bintana sa second floor. Hahakbang palang ako para hanapin siya nang magulat ako dahil nasa harapan ko na siya na tila alam niyang darating ako at dito ako dadaanan.