Hindi Pinahintulutan (part 1)

52 5 0
                                    


Note: \( ^Δ^)/

Hey! This is just one of my kaartehan na gusto kong ilabas hihi you don't have to read it especially if you don't like cheesy and cringe things. I wrote this back when I thought death was coming for me.

You can proceed to the next story bye mwua!

---

Napasulyap ako sa grupo ng magkakaibigan na malakas na tumatawa sa katapat kong mesa.

Biglang may luhang tumulo mula sa magkabilang mata ko. Tanging pagyuko at pagkuha ng phone ko ang tanging nagawa ko.

Binuksan ko ang mensaheng pinorward ng nanay ng kaibigan ko. Mensaheng hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nabasa.

.
.
.

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko. Pamilya man kita, kaibigan, classmate, naging classmate, teacher, o sino ka man sa buhay ko. Sa pagbibigay ng kulay sa mundo ko. Sa pagtulong sa akin, sa pagdamay kapag may problema, sa pagpapasaya sa akin.

Isa sa pinaka ayaw ko ay ang malayo ako sa mga taong mahalaga sa akin. Masakit. Isa 'yon sa mga bagay na ayaw na ayaw kong gawin. Kapag naiisip kong may iiwan akong mahal ko, sobrang sakit. Sobrang sikip.

Pero lahat naman dadating sa bagay na 'yan. May iba ibang klase ng pag-iwan.
May pag-iwan dahil pupunta sa ibang bansa upang magtrabaho,
May pag-iwan dahil sa ibang school na mag-aaral,
May pag-iwan na lilipat ng tirahan,
May pag-iwan na maghihiwalay kayo pero magkikita pa rin,
At may pag-iwan na hindi mo na siya kailan man makikita.

Masakit man pero ito ang totoo,
Lahat ng taong mahal natin ay iiwan tayo.
Walang permanente.
Kapag nasaktan ka, magpakatatag ka.
Kasi hindi lang siya ang taong iiwan ka,
Hindi lang isa, kaya kapag nasaktan, palakasin mo nalang ang loob mo.

At gusto ko, kapag may una nang nakabasa nito,
Gusto ko hindi na kayo nasasaktan sa pag-alis ko.
Gusto ko, wala nang sakit. Hindi na masikip.
Kasi kahit ako, natatakot akong umalis.
Natatakot akong iwan kayo.

Pero anong magagawa ko?
Wala akong kakayahan na kontrolin ang buhay ko.
Matatapos at matatapos ito.
Hindi naman ako katulad ng mga karakter na binabasa ko sa Wattpad about sa fantasy,
Na nabubuhay ng matagal,
Na hindi mamamatay,
Na hindi maiiwan ang mga mahal sa buhay.

Isa lang akong simpleng tao.
Simpleng tao na ang hiniling lang ay makasama ng matagal ang mga mahal sa buhay.
Pero bakit pinagkait sa akin?
Bakit sa ganitong edad?
Bakit ganito kaaga?
Bakit hindi man lang pinaranas ang buhay na lagpas lang sa teenager?
Bakit hanggang teenager lang?
Bakit sa murang edad may ganito na ako?
Ano bang kasalanan ang nagawa ko para bigyan ako ng ganitong parusa?

Lagi kong nae-encounter ang sakit na 'to.
Naririnig, nababasa, nagiging topic na ipapaliwang sa klase,
At ngayon, taglay ko na.
Hindi ko inakalang magkakaroon ako nito.
Oo, nung una, kinukutuban na ako.
Pero hindi ko nalang pinansin.
Kasi akala ko hindi magkakaroon ang taong ganito pa lang ang edad.

Hanggang sa nabanggit ni mama ang isang symptom,
Nang nabanggit ni mama, biglang nanikip sa sakit ang dibdib ko,
Biglang kinabahan,
Bakit? Kasi meron ako.
Nakita ko sa akin ang symptom na sinabi ni mama.

Sobrang sakit. Bakit ako pa? Ano bang nagawa ko?
Kahit hindi ko na tanungin si mama,
Alam kong itong sign sa katawan ko ang sinabi niya.
Kahit alam ko na, gusto ko pa ring tanungin.
Kasi hindi ko kayang tanggapin,
Kasi ayokong paniwalaan.
Ayoko kahit masyado nang halata,
Ayoko kahit masyado nang pinapamukha sa akin ng nakikita ko.
Gusto kong tanungin kasi baka nagkakamali lang ako.
Gusto kong tanungin kasi baka napa-praning lang ako.
Pero hindi. Sa nakikita ko totoo talaga.
At ang hirap tanggapin.

Sigurado akong mababasa ito ng isa sa mga nakakaalam ng password ko.
Kapag wala na ako.
Gusto ko hindi ka umiiyak ngayon ha?
Masasaktan ako kapag nakita kitang umiiyak.
Sige ka, dadalawin kita tsar.
Basta huwag iiyak ha. Huwag mo akong iiyakan.
Masakit okay? Umiyak na ako huwag ka lang.
Ayokong nakikitang umiiyak ang mga mahal ko. Masyadong masakit.

Masakit na hindi na kita mapapatahan,
Masakit na hindi ko na mapupunasan ang luha mo,
Masakit na hindi na kita mayayakap,
Masakit na hindi ko na mapapagaan ang loob mo.
Kaya please smile ka na. Kahit gaano pa kasakit. Hindi ko talaga gustong umiiyak ka kaya tahan na.

Sorry Ma, Pa, mga kapatid ko kung hindi ko na kayo matutulungan tulad ng pinangako ko.
Hindi ko na masusuklian ang paghihirap niyo sa akin, hindi na kasi ako makakapagtrabaho.
Sa mga kapatid ko naman, sorry kung hindi ko matutupad ang sinabi kong si Ate ang magpapaaral sa inyo.
Basta mag-aral kayo ng mabuti.

Sa lahat ng mga naging parte ng maiksi ngunit masayang buhay ko,
Maraming salamat sa lahat.
Sa lahat ng memories na babaunin ko.
Dapat maging successful kayong lahat ha?
Last wish ko na 'yan.
Huwag kayong tutulad sa akin.
Pahabain niyo ang buhay niyo.
Alalahanin niyo, maraming masasaktan kapag tinularan niyo ako.
Isa na ako do'n.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sinabi sa inyo ang natuklasan ko sa sarili ko.
Natatakot lang kasi ako na mag-iba ang trato niyo sa akin.
Natatakot ako na baka layuan niyo ako.
Ayokong masaktan. Gusto ko kapag nawala kasi ako may mga tao pang nasa paligid ko. Sorry ha? Sorry kung naging selfish ako. Huwag niyo akong kakamuhian. Minsan lang naman ako maging selfish at maglihim sa inyo. Halos buong nangyari nga sa buhay ko nakwento ko na sa iba't ibang tao. Ito lang naman ang tinago ko.

Tandaan niyong may nakilala kayong
taong mahal na mahal kayo na ginustong makasama kayo ng matagal subalit hindi pinahintulutan.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon