Pagkakamali

34 5 0
                                    

Nanonood kami ni Sky nang sinandal ko sa balikat niya ang aking ulo.

"Sky, totoo ba? Yung sa inyo ni Sofia?" sa sandali natigilan siya.

"'Wag mo kaming gawan ng kwento ng kaibigan mo Xyn." Damn, it freaking hurts.

"Wala nga ba Sky? Sigurado kang walang nangyari sa inyo?" mahinahong tanong ko.

Humarap siya sakin ngunit dahil nag-iba siya ng posisyon ay sa sofa ko nalang sinandal ang ulo ko. Hindi ako tumingin sa kanya.

"Fuck Xyn! Ano na naman ba 'to? Gumagawa ka na naman ng pag-aawayan natin!"

Why are shouting at me? Sky masakit, sobra.

This time humarap na ako sa kanya.

"Gumagawa lang ba talaga ako o tinatanggi mo lang? Tangina naman Sky wag ka na magsinungaling kasi huling huli ka na. Of all people bestfriend ko pa talaga?" Shit may tumutulo na sa mata ko.

"Xyn let me explain-"

"Explain? Tangina mo Sky tapos ano? Tatanggapin na naman kita? Akala ko ayos lang sayo na walang nangyayari satin dahil sa kahilingan ko pero ano? Sa iba mo ginamot yang kalandian mo! Gago ka!" ang sakit kaya ko pa ba?

"Lasing ako non Xyn hindi ko alam ang ginagawa ko ng mga oras na 'yon. Hanggang don lang yon ikaw ang mahal ko, alam mo yan. Kalimutan na natin yon." kinuha niya ang kamay ko ngunit agad ko itong binawi.

"Kalimutan? Naririnig mo ba ang sarili mo? Sky nagbunga ang pagkakamali niyo! Buntis si Sofia 2 months." hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulhol na ako.

Halata sa kanyang mukha na gulat na gulat siya.

"A-ano? Buntis siya?"

"Sky alam mong lumaki ako ng walang tatay sa tabi ko. Alam mong sobrang nahirapan ako at ayokong may batang makaranas ng naranasan ko dahil sakin. Wala tayong magagawa, sa ayaw o gusto mo papanagutan mo si Sofia."

"What the hell Xyn!"

"Kasalanan mo 'to Sky!"

"Xyn don't do this to me." hinalikan niya ako. An aggressive but passionate kiss, tumugon ako ngunit pilit akong lumayo nang mapansin ko na sa iba na ito papunta.

"Sky please panagutan mo siya nagmamakaawa ako sayo. Don't worry alam ko naman na mahal na mahal mo ako and I won't forget that. Ang mahalaga ngayon panagutan mo si Sofia, magkaroon ng ama ang anak niyo." Fuck! Bakit parang bawat salitang binitawan ko tinik sa puso ko? Ito nga ba ang gusto ko?

"Xyn I'm so sorry. I promise I'll be a good dad sa magiging anak namin. I love you."

"I love you too." at sa huling pagkakataon, naglapat ang aming mga labi.

~Years later~

Naisipan kong pumunta sa mall upang bumili ng regalo para sa kapatid ko dahil birthday na niya sa linggo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Sky kasama si Sofia.. at ang dalawa nilang anak. Isang 10 years old na lalaki at isang sa tingin ko ay 5 years old na babae. Masayang masaya sila.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

Napatigil sila nang makita nila ako.

"Oh Xyn! Kamusta ka na? Maganda ka pa rin ah." bati ni Sofia.

"Ilan na anak mo?" tanong niya ulit.

"Wala pa, nangibang bansa muna ako para makatulong sa pamilya ko. Kababalik ko lang actually."

"Asawa? Pakilala mo naman ako."

Marahan akong natawa sa muling tanong niya.

"Wala rin." kay Sofia lang ako tumitingin sa takot na baka kapag tumingin ako kay Sky baka..

"Imposible naman sa ganda mong yan. Alam mo Xyn may rereto ako sayo gwapo 'yon."

"Hindi na salamat nalang." ngumiti nalang ako at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Seryoso ba talaga siya?

" Anong pangalan niya?" turo ko sa anak nilang lalaki.

"Skyler" si Sky ang sumagot. Damn I missed his voice.

"Punta muna kami don I think you two need a talk." seriously Sofia?

"Xyn maraming salamat sa pagpilit sakin noon na panagutan si Sofia. I'm so happy right now lalo na at nadagdagan na naman kami. Mahal na mahal ko na siya. Invited ka rin pala sa 5th birthday ni Sofie sa sunday. Sana makapunta ka and mag-asawa ka na rin. Hindi ka bumabata kailangan mo rin ng taong makakasama mo habang buhay."

Bakit masakit pa rin? Akala ko kapag pumunta akong ibang bansa at hindi kita nakita ng sampung taon mawawala na pero hindi pa rin pala.

"Darating din ako don pero hindi pa ngayon. At hindi ko mapapangako na makakadalo ako dahil birthday din ng kapatid ko non. But I'm so happy for the both of you."

"Thank you. Sige alis na kami." ngumiti nalang ako.

"Daddy sino 'yon?"

"A friend of mine."

Friend. Shit it hurts.

Hindi ko alam pero selfish na ba kung isipin ko na dapat ako ang nasa posisyon ni Sofia ngayon kung hindi ko tinulak sa kanya si Sky noon?

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon