6

4.2K 151 15
                                    

D

"Good morning, dada!" bati sakin ni Dealan pagkakita sakin..

Nakaupo siyasa high chair dito sa bar counter sa kitchen.. Aga naman gumising ng anak ko.. Kumakain na..

Lumapit na ko sakanya..

"Good morning, son.. Kamusta na pakiramdam mo?"

"I'm good na, dada.. I can come to school na on monday po.."

Tinignan kong mabuti yung mukha niya..

"Let me check nga, anak.." hinawakan ko pa yung mukha niya..

"Is it all good na ba, da?"

"Hmmmm.. Magkamukha pa din naman tayo hehe.. Pogi ka pa din..."

"Da, here.. You must be hungry na. I'm more pogi kaya sayo.."

Inabot niya sakin ang isang clubhouse. Ayos to ah.. Marunong na mag ganito ganito si Dealan..

"Wow, marunong ka na pala nito ah.."

"Of course, Da.. Youtube is my teacher! Haha.."

Hmmmm teacher? Naalala ko yung sinabi ni Jema kagabi.. I should ask Dealan's opinion first.

Tama naman si Jema, dapat approve muna sa anak kong pogi na manang mana sa kapogian ko!

"Ah, Dealan, I have something to tell you pala.. Do you have a minute or two?"

"Of course, da.. Kahit 30 minutes pa yan.. Its our bond time today, right?"

"Yeah, right.. Pogi talaga ng anak ko ohh.."

Umupo na ko sa high chair sa tabi niya.. Kumuha na din ako ng juice na nasa counter..

"I know, I'm pogi dada.. Enough with that na.. Spill, da.. I'm all ears.."

Inikot niya pa yung inuupuan niyang high chair paharap sakin..

This is it, Wong! Go, tell your son..

"It's about you professor, Dealan.."

"I knew it, Da! You like her!"

What?! Dealan! Wala pa nga akong sinasabi eh..

"Calm down, Julio Dealan.. Wala pa nga akong sinasabi eh.."

"Dada! You know I hate that.. You sound like mom.." sumimangot siya konti..

Asar na hehe.. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siyang 'Julio'..

Si Julia kasi tinatawag siyang ganyan pag pinagsasabihin siya o pag sobrang kulit na niya..

Ewan ko ba sa bata na to ayaw tinatawag ng ganon, pangalan naman niya yun..

Nagtatampo nga minsan mommy niya pag ganun kasi ayaw ni Dealan tinatawag non.. Eh yun nga yung kinuha niyang name sa mom niya..

Gusto niya Dealan lang itawag sa kanya..

"Okay, okay, hindi na.. Smile na anak.." pinisil ko pa siya sa pisngi.

"Eh dada, ano na? You like my prof ba? You like ma'am sunget?"

Putek! Natawa ako! So, si Jema nga yung tinutukoy niyang ma'am sunget. Confirmed!

"Yes, I like her.. Siya pala yung ma'am sunget.. Ikaw Dealan ah.."

"Yieeehhhh! Si dada! Ma'am sunget pala ah!" ayyy naku ayan na nagsisimula ng mang asar to..

"Wait kasi.. Listen to me first.."

"Okay dada.. I'm listening.."

"Actually, matagal ko na siyang kilala.. Kaya nagulat talaga ako nung makita ko siya sa ospital non.."

"Really, da? You knew ma'am sunget na talaga?"

Consistent yung tawag ni Dealan kay Jema ah.. Naku, Jema..

"Yes, matagal na.. Nakilala ko siya non nung nag bakasyon ako sa Paris.. Sobrang sunget niya sakin non!"

"Well, masunget ata talaga siya sa mga pogi, da.. Masunget din sakin yun eh.."

Hahaha! Nakakatawa talaga to si Dealan! Manang mana sakin eh.. Kayanin kaya ni Jema na kasama kaming dalawa ni Dealan?

"Pogi problems, anak! Hehe.." nag apir pa kami..

"Eh ano na, da? Continue your kwento naaaa..."

"Yun nga, to cut the story short, we fell in love with each other in Paris.."

"And then, da? What happened? Bakit hindi siya nakatuluyan mo, da? Why si mom?"

"It's simple, Dealan.. It's because I love you more than her.."

Natigilan si Dealan.. Nagsalubong bigla ang kilay niya..

"What do you mean, da?"

"Your mom was pregnant na pala when I met Jema in Paris. You knew the story naman about sa amin ng mommy mo di ba?"

"Yes, da.. But I didn't know na you had someone pala non.."

"I was so decided to leave your mom na non, I was really in love with Jema that time.. But when your mom told me that she's pregnant with you.. I didn't think twice, Dealan.. I left Jema.."

"I don't know what to say, da.. I love you, dada!"

Niyakap niya pa ko.. Ang sweet talaga nito.. Sobrang affectionate niya samin ng mom niya. Di siya nahihiya ipakita yun kahit sa harap ng mga friends niya..

"I love you too, Dealan! You will always be my priority.."

"Da, I know you love her pa.. Kasi the way you looked at her sa hospital and how you talked about her... I can see it in your eyes.. You never looked at mom the way you looked at her.."

"I'm sorry, son.." napayuko ako..

Nahiya ako bigla sa anak ko.. Haaaaayyy..

"Da, hey.." inangat niya ang ulo ko..

"I understand, da.. You sacrificed a lot.. You stayed with mom, you stayed for me.. That's real love right there, da.. You left her for me.. And now, its time for me to show you how much I love you, da.."

"What do you mean, Dealan?"

"Let's go get your girl, da.. You've waited long enough na. Court her, da! Para di na din niya ko sungitan.. Malay mo taasan pa niya grades ko hahaha.."

Langhiyang bata to! Ginamit pa ko..

"Ikaw, Dealan.. Ginamit mo pa ko! Nag aaral ka bang mabuti sa subject mo dun?"

"Of course, da! Ako pa.. Pogi na, matalino pa! Good catch to, da!"

Anak ko nga to! Di mapag kakaila!

"Good catch tayong mga Wong!" nag high five ulit kami..

"So, what's the plan, dada?"

Ay oo nga no.. Ano bang plano ko?

"Hmmm.. Sabi niya kasi magpaalam muna ako sayo, eh okay naman na sayo ligawan ko siya di ba?"

"Oo naman, da! Okay na okay! If you want, I'll help you pa.."

"Sige.. Hmmm.. Pano ba? Kailan ba klase mo dun?"

"Monday, dada.. 8am.."

"Ayun, sige.. Isusurprise ko siya.. Hehe sabay tayo sa Adamson sa Monday!"

"That's the spirit, da! Dapat pogi ka nun, dada! Porma well on Monday!"

"Ako pa, basta help me with my manliligaw get-up ah?"

"Sure, dada! Back up mo ko! I'm excited na, da!"

Wooohh! All is well with my son.. Good to go na ko manligaw!

See you on Monday, Jema!!!

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon