J
"Love, nag enjoy ka ba sa mga activities natin kanina?" tanong sakin ni Deanna.
Naglalakad lakad kami dito sa tabing dagat. Dito ako inaya ni Deanna after namin mag dinner kanina.
"Yes, love.. Sobrang nag enjoy ako.. Ngayon na lang ulit ako nakapag bakasyon ng ganito eh. Thank you, love." yumakap ako lalo sa braso niya.
After namin mag lunch kanina, dumiretso na agad kami sa dagat para sa iba't ibang activities namin. Nag surf kami, kahit di kami marunong.. Nag jetski kami kahit medyo mabagal kami.
At yung pinaka nagustuhan at na enjoy ko ay yung parasailing namin.. Ang sarap ng pakiramdam habang nasa taas kami at paikot ikot sa dagat.
Di ko inexpect na ganito pala yung mga activities na gagawin namin. Nasurprise talaga ako sa mga pinrepare ni Deanna para sa bakasyon namin.
Si Dealan naman iba yung mga ginawa niyang activities. Pinili niya yung cliff jumping, reverse bungee at wakeboarding.
Mga extreme activities yung ginawa niya kaya nakahiwalay kami sa kanya, di na namin kaya ni Deanna yun.
And speaking of Dealan, nasaan na kaya yun.. Nauna kami matapos mag dinner sa kanya eh. Niyaya agad ako ni Deanna dito sa tabing dagat mag lakad..
"Love, nasaan na si Dealan?"
"Hindi mawawala yun, love. Let him enjoy Bora. Hehe.." napakunot ang noo ko.
Naku to si Deanna talaga.. Baka kung saan mapunta si Dealan.
"Love, wag ka na mag alala kay Dealan, malaki na yun. Kaya na niya sarili niya. Sa US nga hinayaan lang namin siya eh. Responsible naman yun. Tara dun love.." dagdag pa niya.
Inaya niya ako mag lakad pa sa dulo, medyo secluded na to. Wala ng tao. Kami na lang ata ang naglalakad dito.
"Tayo na lang nandito, Deanna.. Ayaw mo pa ba bumalik sa hotel natin?"
"Isn't it romantic, Jema? Look oh ang daming stars..." nakatingin na siya sa taas.
Napatingin din tuloy ako sa langit. Oo nga, ang daming stars ngayon, kitang kita at ang ningning nila ngayong gabi..
"Wow! Oo nga, love.. Ang daming stars ngayon. Ang ganda nilang tignan.." nakatingala pa din ako.
Ang ganda kasi talaga.. Sa Manila kasi bihira mo na makita yung mga stars..
"Ang ganda nila.. Parang ikaw Jema.. And just like the stars, I wanna stare at you forever, Jema.." napatingin ako sa kanya..
And owww myyy!
Deanna is giving me her most beautiful smile..
Her eyes is shining, and smiling too..
She's looking into my eyes... I can see sincerity in her eyes.
And she's holding a box of ring...
"Love, what is this?" I wanna make sure kung tama ba ang nasa isip ko.
Lumuhod na siya sa harap ko..
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naiiyak, masaya, kinakabahan..
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito..
Tumingala siya sakin..
"Jema, I never stopped loving you since I met you in Paris. We made painful sacrifices before, we've waited long, but isn't all worth it now?
... Jema, I love you! And I will love you for the rest of my life. Be with me for the rest of my life, love. Make me the happiest person tonight. Will you marry me, Jema?"
I don't know what to react..
She's just looking into my eyes.. Waiting for my answer..
Sobrang na-overwhelm ako..
I just can't believe it na dadating kami sa point na to..
Dati pinangarap ko lang na makita lang siya sa coffee shop ko non, gaya ng sinabi niya nung nasa Paris kami.
Masaya na ko non kahit patago lang kaming nagkikita.
Madami siyang pinangako sakin non pero hindi nangyari yun dahil dumating si Dealan sa buhay niya, and she had no choice but to leave me.
Hindi ko na naisip na makikita ko pa siya ulit. Pero nakita ko ulit siya. Naghiwalay kami non dahil sa anak niya. Nakita ko ulit siya dahil sa anak niya din.
And now, here she is.. Asking me to be with her for the rest of her life..
We've waited long enough..
And tonight, the long wait is over..
"How could I say no, Deanna.. I've waited for so long.. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito.. And yes! I will marry you, Deanna! I love you!" hinila ko na siya patayo..
Niyakap niya ko ng mahigpit..
Hindi siya nagsasalita.. Niyakap niya lang ako..
Matagal bago siya nagsalita ulit. Hindi siya bumibitiw sa yakap niya sakin..
"Jema, I love you! I can finally say that I'm complete now.. That I'm genuinely happy... Thank you, Jema.. Akala ko di na mangyayari to.. Sobrang saya ko, Jema.."
Pag bitiw niya sa yakap niya sakin.. Nakita kong puro luha na ang mukha niya. Umiiyak siya habang nakangiti sakin..
Umiiyak na din ako.. Sobrang saya namin, iyak na lang ang nagawa namin.
No words can explain how happy we are right now.
Yung pakiramdam na may kulang sa buhay ko, yung matagal ko ng hinahanap, nandito na sa harap ko. Hawak ko na. Hawak na namin ang isa't isa. Buo na ulit kami, na para bang hindi kami nawasak noon.
"Mahal na mahal kita, Deanna. Sobra pa sa sobra.. Walang katumbas.."
Isinuot na niya sa kamay ko ang singsing..
Sobrang iba sa pakiramdam. Lalo na nung suot ko na ang singsing.
Alam kong eto na.. Malapit na kaming maging isa ni Deanna. Eto na yung matagal ko ng pinapangarap..
Ang makasama siya habang buhay..
"I love you, Jessica Margarett, always and forever.. And soon I will marry you.."