48

3.6K 140 6
                                    

J

Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng emergency room.

Hindi ko alam kung ano bang nagyayari kay Deanna? Ang bilis ng mga pangyayari..

"Jemaaa..." napaangat ako ng tingin, its Deanna's sister, ate Nicole.

Tinawagan ko agad siya kanina pagdating namin dito sa  ospital.

Tumayo na ako at yumakap kay ate Nicole.. Di ko na napigilang maiyak..

"Shhhhh, Jema... Nandito na lang ako.." hinagod hagod niya ang likod ko..

Kanina ko pa gustong ilabas to.. Kanina ko pa gustong umiyak pero ako lang ang nandito kanina..

"Its okay, Jema.. Magiging okay din si Deanna.."

Nang kumalma na ko, umupo na kami ni ate Nicole..

"Tell me what happened, Jema?"

Kinuwento ko lahat sa kanya ang nangyari. Simula dun sa napansin ko nung dumating si Deanna galing sa trabaho..

"Deanna will be fine, Jema.. Magpakatatag ka. Siya nga pala, pinadiretso ko na si Nico sa bahay niyo ah, para may kasama dun si Dealan. I called mom and dad too.."

"Thank you, ate Nicole.." yun na lang ang nasabi ko.

Buti naman at may kasama na si Dealan sa bahay. Minessage ko din kanina si Mafe para samahan si Dealan sa bahay. For sure, papunta na yun.

Tahimik lang kaming nag aantay ni ate Nicole. Alam kong pareho kaming nag aalala para kay Deanna.
.
.
.
.
.
Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming naghihintay ng bumukas na ang pinto ng emergency room..

Sabay pa kaming napatayo ni ate Nicole at lumapit sa doctor.

"Hi, I'm Nicole.. Deanna's sister and this is Jema, her wife.. Kamusta na siya doc?"

"All right, I just have some question... Wala ba kayong napansin na symptoms? Like, dizziness, pagkirot ng dibdib, headache.."

Tumingin sakin si ate Nicole, signaling me to answer the question. Well, ako ang asawa at kasama sa bahay, ako ang dapat nakapansin nito.

"Pag uwi niya kanina doc, matamlay na siya at pawis na pawis kahit may aircon naman. Para siyang pagod na pagod at namumutla."

May sinulat yung doctor sa hawak niyang clipboard.

"Ganito, Deanna had a mild heart attack.."

Mild heart attack? Heart attack?

Teka.. Para akong biglang nabingi sa sinabi ng doctor..

Bakit ba di ako na-alarma sa mga napansin ko kanina sa asawa ko.. Parang ang pabaya ko namang asawa.. Hinayaan ko pang umabot sa ganito..

"Hey, Jema.." tapik sakin ni ate Nicole..

"May tinatanong si doc.." dagdag pa niya.

"Highblood ba si Deanna?" tanong ng doctor.

"Yes po, doc pero may maintenance naman siya. And I see to it na naiinom niya po lagi yun."

"Okay.. Maya maya ililipat na namin siya sa room. She needs to stay here muna for observation."

"Magiging okay naman siya doc di ba?" tanong ko.

"Of course, mild heart attack lang naman pero dapat pa din nating bantayan yun. We will check pa for other possible reason bakit siya inatake para hindi na maulit to."

"Thank you po doc.." sagot ko.

"Thank you doc." ate Nicole.

Umalis na ang doctor at umupo kami ulit ni ate Nicole.

"Don't worry na, Jema.. Okay na si Deanna."

"Pakiramdam ko napabayaan ko si Deanna. Ni hindi ko man lang napansin yung mga symptoms."

"Wala kang kasalanan, Jema, okay? Mabuti kang asawa. Lahat sila naaalagaan mo. Nandito lang kami para tulungan ka."

"Salamat, ate Nicole."
.
.
.
.
.
.
----------

D

Where am I?

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko..

Ang bigat ng pakiramdam ko.. Para akong binugbog..

"Love..." si Jema ang bumungad sa akin..

Halata sa mga mata niya ang pag aalala..

Inikot ko ang tingin ko.. Nasa ospital ako..

"Anong nangyari, love?"

"Wag ka muna magsalita, love.. Magpahinga ka muna.."

"What happened muna, love? Bakit ako nandito?" sinubukan kong bumangon..

But, shoot! Ang sakit sa dibdib..

"Love.. Oh my god! Wag ka munang babangon.. Anong masakit? Saan?" natatarantang tanong ni Jema.

Anong bang nangyari kasi.. Bakit ganito???

"Tell me what happened, Jema.."

"You wanna know what happened, Deanna?" oh, ate Nicole is here.

Bigla na lang siyang sumulpot sa likod ni Jema at may ibinaba na mga paper bag sa couch sa side.

"Don't overwork yourself, Deanna.. Masyado pang bata ang mga pamangkin ko para iwan mo agad. You just had a mild heart attack."

What?! Heart attack???

No! This is not happenening!

"Nagulat ka? Di ka na makapagsalita dyan? Magpahinga ka na muna dyan. Kakain na muna kami ni Jema.." kung di lang siguro ako nakahiga dito at nanghina, pinagalitan na ko nito ni ate.

Inaya na niya si Jema na kumain muna.. Ngayon ko lang din napansin na yung suot ni Jema eh yung pantulog pa niya, pinatungan lang niya ng jacket ko.

Pero teka nga.. Heart attack?!

Bakit? Paano? I need to know..

Habang kumakain sila Jema, may kumatok sa pinto at pumasok..

Its Mafe, may dala dala tong bag..

"Mafe, pasok.. Halika dito, kumain ka muna.." aya ni ate Nicole sa kanya..

"Lika muna, Mafe.. Kain ka muna.."

"Hindi na mga ate.. Dinala ko lang tong gamit mo, ate Jema. Babalik pa ko sa inyo, walang kasama sila Dealan dun.." sagot ni Mafe.

Oo nga pala.. Yung mga anak ko, sinong kasama sa bahay..

"Kain ka muna, nandun naman si Nico.." sagot ni ate Nicole.

"Sige na nga.." sagot ni Mafe.

Pagdaan ni Mafe sakin, nagulat ata siya na makitang gising ako..

"Ate Deannaaaa! Kamusta ka na? Okay ka na ba? Ano?" sunud sunod niyang tanong..

Di ako nakapagsalita agad..

"Lika na, Mafe.. Hayaan mo muna si Deanna magpahinga.." pagpapatigil ni Jema sa kapatid niya.

"Sige, ate Deanna.. Pahinga ka na muna. Ako bahala sa mga pamangkin ko dun.." yun lang at umupo na siya sa tabi nila Jema..

Kahit papaano nawala ang pag aalala ko sa mga anak ko, may kasama naman pala sila.

Pero gusto kong malaman talaga kung bakit nagkaganito ako. Ayokong lumala pa to, I need to be healthy for my family.

Magpapagaling agad ako, miss na miss ko na ang mga anak ko agad.. Ayoko magtagal dito sa ospital.

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon