J
"Doc, kamusta po ang asawa ko? Yung baby po namin?"
"She's okay. Due to stress lang pero maselan ang pregnancy niya, with her age and condition dapat di siya na sstress o napapagod, baka sa susunod mag swimming na palabas yang baby niyo."
"Okay po, doc.. May need bang gamot o ano po?
"Wala naman.. Rest lang, if she's working, need na niya magpahinga muna until delivery."
"Noted po, doc."
"Yung bilin ko ah? Wag babalewalain.."
"Opo, doc. Salamat po."
Hinang hina ako.. Di ako alam kung anong nangyari, bigla na lang sumakit ang tyan ko. Di ko alam na nag bleed na pala ako. Takot na takot ako. Ayokong mawala ang baby namin ni Deanna.
"Love, narinig mo ba yung sabi ni doc, bawal ka na mastress, bawal ka na mag work.. Ako na kakausap sa school para sa leave mo ah?" kitang kita sa mga mata ni Deanna ang pag aalala.
"Opo, love. Kamusta ang baby natin?"
"Okay ang baby natin. Pero you need to rest love. Please hanggang delivery mo. Para sayo at kay baby ha?"
"Okay love. Let's go home na please. I want to rest na."
"We will, love.. Aayusin ko na discharge form niyo ni Dealan. Wait here. Higa ka muna.."
.
.
.
.
"Dada, I'm sorry po.. It's my fault po.""Alam mo Dealan, bumalik ka na sa mommy mo. Di ka nakakatulong dito eh! Ilang beses na kita sinabihan!"
Ano ba naman to si Deanna hanggang dito sa bahay ang init init pa din ng ulo niya kay Dealan. Buong byahe pauwi na nga niya sinesermunan yung bata hanggang pag uwi di pa rin siya tapos.
"Deanna, please tama na yan. Magpahinga muna tayo."
"Oh, love, bakit ka bumangon? Bawal ka mastress love.. Higa ka na ulit sa room, halika na.."
"Love, tama na. Wag mo na pagalitan si Dealan. Wala namang may gusto mangyari to, please love."
"Sige na, sige.. Hindi na, love.. Pahinga ka na ulit sa room natin. Ako na mag pprepare ng food natin.."
"Okay.. Tama na yan, love ha? Please?"
"Opo.. Sige na, ako ng bahala.. Pahinga na kayo ni baby sa room."
Inalalayan na ako ni Deanna pabalik sa kwarto namin at pahiga sa kama. Hinang hina pa din ako hanggang ngayon.
"Sleep ka muna, love. Gisingin kita pag kakain na.. I love you!"
"I love you too! Wag na init ulo ha?"
"Opo, wifey.. Rest well."
.
.
.
.
"Love, wake up na... Let's eat na.. Nalipasan ka na ng gutom oh..""Dito na lang ako kakain love? Nahihilo pa ko eh."
"Okay ka lang ba love? Nag aalala ako. Dadalhin kita sa ospital, love."
"I'm okay.. Napagod lang siguro ako."
"Okay, kunin ko lang food mo, love."
Hay, ano bang nangyayari.. Nakatulog na ko lahat ganon pa din ang pakiramdam ko, hinang hina pa din ako. Sana naman walang maging problema sa baby namin. Di ko kakayanin.
"Love, here's your food na. Kain ka na.. Sabay tayo dito."
"Si Dealan nasaan love?"
"Nasa room niya."
"Kumain na ba siya?"
"Hayaan mo siya. Kumain siya kung gusto niya. Lalabas naman yun pag nagutom."