28

3.7K 146 54
                                    

D

"Love, kailan ka ba magleleave sa school? Nag aalala na ako sayo, love.." ilang beses ko ng kinukulit si Jema na mag leave na sa school.

My wife is 5 months pregnant na.. Nag aalala na ko sa kanya lalo na pag nasa school na siya. Di naman niya laging kasama si Dealan. Saka ang laki laki na ng tyan niya parang di normal sa 5 months na buntis.

"I'm okay pa naman, love. Kaya ko pa.. Gusto ko sana tapusin na yung semester eh."

"Love? Tapusin yung semester? Love, 3 months pa yun.."

"Sige na, love.. Mamaya na natin pag usapan. Hatid mo na lang ako sa loob ng school para di ka na nag aalala dyan."

Nakapagpark na ko dito sa may simbahan sa Adamson. Hinatid ko si Jema papasok. Wala si Dealan eh, nag overnight sa condo ng kaklase niya kagabi.

Lumakad na kami patawid sa ST Gate.

"Good morning po, ma'am.. Ang laki na po ng tyan niyo.." nakangiting bati ng ladyguard kay Jema.

"Good morning din ate.. Hatid lang ako ng asawa ko sa loob ha?" sagot ni Jema.

"Sure po, ma'am.. Ingat po kayo.."

"Saan ba room mo, love? Hatid na kita hanggang dun."

"Sa kabilang building pa, love.. Sa CS. Dadaan lang muna ako saglit sa faculty."

"Okay, love.."

Sa labas na lang ako ng faculty nila Jema nag antay.. Di na niya ko pinapasok, saglit lang daw siya.

"Dada!" nakita ko si Dealan na palapit sakin.

"Dealan, may pasok ka na?"

"Yes po, dada.. Dito lang po room ko."

"Uwi ka na ba mamaya o bukas pa?"

"Bukas pa po, dada.. Okay lang po ba?"

"Sige, okay lang.. Susunduin ko na lang ulit mama mo mamaya. Check mo siya ah? Alam mo naman malaki na ang tyan niya."

"Yes po, dada. Daanan ko po siya mamayang lunch."

"Sige na, pumasok ka na.."

"Bye po, dada. Ingat.."

Pag alis ni Dealan, siya namang labas ni Jema..

"Let's go, love.." aya ni Jema sakin.

Puro hagdan naman tong Adamson. Ang kikitid pa ng mga hagdan, di naman child-friendly. Baka bigla pang madulas si Jema dito.

"Love, mag reklamo ka nga dito sa Adamson. Ang kikitid ng mga hagdan nila tapos ang dulas pa. Mamaya madulas ka dito eh.."

"Sanayan lang yan, love.."

"Yung aksidente, love walang pinipili yun. Kahit sanay ka o hindi pwede kang maaksidente."

Ano ba naman to si Jema di man lang nag aalala para sa sarili niya.. Pano na lang ang baby namin pag bigla siyang madulas dito? 😞

"Di ako madudulas, love.. Mag iingat ako."

Nakakaloko sa 4th floor pala yung room niya tapos walang elevator? Ako nga hingal na hingal paakyat eh. Pano pa siya? Inaalalayan ko siya sa likod niya habang umaakyat.

Nakakasalubong pa kami ng mga students at mga kilala niyang professors. Pati yung mga yun nag aalala para sa kanya. Jema naman kasi ehhh...

"Love, antayin na kaya kita? Pano ka bababa mamaya? Di ka nagsasabi ganito pala kataas room mo."

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon