J
"Good morning po, ma'am Jema, boss Deans.."
"Good morning, Lei. Kamusta na?" nakakamiss dito sa coffee shop.
Namiss ko lumabas ng bahay. Ngayon na lang ulit bumuti buti ang pakiramdam ko. Buti nga pumayag si Deanna na isama ako sa coffee shop ngayon eh. Wala din maiiwan sa bahay, may pasok si Dealan.
"Okay lang po, ma'am Jema.. Ang ganda niyo po ma'am Jema.. Mukhang baby girl ang baby niyo po ahh.."
"Actually, hindi pa namin alam ang gender ng baby namin, Lei.. Anong oras dadating sila ate Jia?" si Deanna na ang sumagot kay Lei.
We decided na surprise na lang ang gender ng baby namin. Ngayon din ang scheduled food tasting nila Deanna ng pastries and cakes nila Jia.
"Tumawag po kanina lang medyo traffic daw po."
"Sige, Lei.. Dun muna kami, dalhan mo kami ng food ah. The usual pa din sakin, anong gusto mo, love?"
"Pesto, chocolate truffle and orange juice na lang sakin, love."
"Sige po, ako na po bahala. Dalhin ko na lang po sa table niyo."
Inalalayan na ko ni Deanna umupo. Ang ganda talaga dito sa usual spot namin. Window side and perfectly lit, kitang kita pa yung busy street sa labas. Maganda dito pag gabi eh, kitang kita yung ilaw sa labas.
"Okay ka lang ba, love? Sabihin mo lang pag sumama pakiramdam mo ah?"
"I'm okay, love. Namiss ko lumabas, ngayon ko na lang ulit nakita tong coffee shop."
"Help me decide later, love ha?"
"Syempre nama, love. Help ka namin ni baby hehe."
"Hello, baby.. Labas ka na hehe, excited na ko ma-meet ka, baby.." lumapit pa si Deanna sa tyan ko.
"Hey, love.. Wag mo madaliin si baby, mag 6 months palang siya.."
"Ano kayang gender ng baby natin, love?"
Kahit ako naeexcite na ko malaman kung boy o girl ba ang baby namin..
"You wanna know na ba, love? Pwede naman sa next check up ko."
"Hmmm... I can wait, para surprise.."
"How about yung name?" dapat may name na kami para kung boy o girl man, ready kami..
"Isip na ba tayo? Isang pang baby boy at isa for baby girl.. Wala pa naman sila ate Jia eh." mukhang good idea nga to..
"Sige, love.. Ikaw mag isip for baby boy ako sa baby girl.."
"Okay, love.." nag labas si Deanna ng pen at paper.
"Ano yan, love?"
"Here, love.. Sulat mo dyan yung mga maiisip mo. Isusulat ko din yung akin. Para pareho tayong pipili."
Well, may point. Madami din akong naiisip eh.. Pili na lang kami pareho.
Dumating na yung food namin ni Deanna. Nagsusulat kami habang kumakain.
Ang seryoso naman netong asawa ko.. Ang cute lang.. Ano kayang mga naisulat na niya? Pati ako naexcite para sa name ng baby namin.
...
...
...
"I'm done, wifey!"
"Nice! Sabay tayo, love! Tapos na din ako."
Nagpalit kami saglit ni Deanna ng papel to check the names we listed.
And here are the names Deanna listed:
Dean Jeremy
Deacon James
Daniel JosephAng konti lang ng kay Deanna.. 3 names lang.
"Tatlo lang talaga sayo, love?"
"Yes, love.. Wala ka bang nagustuhan sa mga naisip ko?
"I like Deacon James, para if ever boy si baby, magkarhyme sila ng name ni Kuya Dealan niya.."
"Okay, Deacon James if baby boy.."
"How about you, love? Pili ka na sa mga sinulat ko.." tinignan mabuti ni Deanna yung list ko..
"Hmmm.. Deavon Jezreel is cute, so unique, love.. Ang galing mo naman mag coin out ng names, love.."
Well, same din kami ng gusto ni Deanna, sa lahat ng nasulat ko, yun din yung pinakagusto ko..
"Same tayo, love.. Gusto ko din yung napili mo."
"So, we're done, love. We have names na for our baby.. I can't wait to meet you, baby. Behave ka lang dyan sa tummy ni mommy ah.." hinalikan pa niya ang tyan ko.
Sobrang sweet at maalaga talaga ng asawa ko. Sana tuloy tuloy lang na ganito kami. Masaya lang lagi.
Napatingin kami sa pinto ng coffee shop ng bumukas ito.. Tinuro ni Lei ang table namin.
"Hi, Deans.. Sorry, ang traffic.." napatayo na si Deanna.
"Ate Jia! Okay lang, do you want something to eat?"
Napatingin na ako sa kanila..
"Oh my god, Jema! Is that you?! It's been a long time.." lumapit sakin si Jia, niyakap at nagbeso pa siya sakin.
"Hello, Jia.. Long time, no see. How are you?"
"I'm good. Grabe, Jema.. You're so pretty pa din, lalo ngayon."
"Syempre, pretty talaga ang wifey ko ate Jia!" inakbayan pa ko ni Deanna.
"Ilang months na yan, Jema?"
Sino kaya tong kasama ni Jia? Nakangiti lang siya samin.
"Mag 6 months na, Jia.."
"Ohhh? I thought, malapit na.. Ang laki na ng tyan mo, twins ba yan?"
"No, ate Jia.. Last check up ni Jema, hindi naman daw twins. Come on, upo muna tayo, kain muna kayo."
"Naku, better check it again, meron kasi late na nakikita na twins eh, lalo ka na Jema, ang laki ng tyan mo talaga."
"Yes, Jia.. May check up naman ako."
"Ay, by the way, this is Tin Patrimonio pala, Jema. Business partner ko."
"Hi, Jema.. Nice meeting you."
"Hello, Ms. Tin.. Nice meeting you too."
Umupo na sila sa tabi namin. Nag order muna ulit si Deanna para makakain sila Jia.
Parang familiar yung kasama ni Jia.. Di ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Basta sigurado ako nakita ko na siya dati, di ko lang maalala saan.