D
"Love, did you see my toothbrush and deo spray?" tawag ko kay Jema.
Nasa loob pa kasi siya ng bathroom eh. Ang tagal naman kasi maligo, kanina pa siya nasa loob..
Kanina ko pa hinahanap sa mga gamit ko yun. Eh dito ko lang naman nilagay yun.
Kaninang madaling araw kami dumating ni Jema dito sa Paris. Si Dealan naiwan muna kay Julia, magbabakasyon sila sa Cebu..
Today is our first morning here in Paris.. Si Jema nag asikaso ng itinerary namin dito eh.
"It's on my yellow backpack, love.." sagot niya..
Yellow backpack? Nasaan na yun?
Pumunta ako sa kabilang side ng bed..
Aha! There you go!
Pinaglalabas ko lahat ng nasa loob ng backpack ni Jema. Punong puno naman kasi pala to..
Ano ba tong mga dala niya? Ang daming damit? 1 week lang naman kami dito ah? May mga towel pa. May towel naman dito sa hotel.
Nasaan ba? Wala naman dito.. Naalis ko na lahat ng laman ng backpack.
"Oh my goodness, love! Ano to?"
Napalingon ako sa likod ko. Si Jema. Nakalabas na siya ng bathroom. Naka towel lang siya sa katawan.
Hmmmmm... Ang hot naman ng wifey ko! Wag na kaya kaming lumabas ng hotel..
Tumayo na ako at lumapit sa kanya..
"Love, you're so sexy naman.. Wag na kaya tayong lumabas ng hotel? Gawa na tayo baby dito.. Hihihi.." yumakap pa ako sa bewang niya..
Hahalikan ko na sana siya kaso pinigilan niya ako ng kamay niya..
"Hep! Bawal ang kiss, Deanna.. Ano to, love? Bat ang kalat kalat naman?"
"Eh love, hinahanap ko nga yung toothbrush at deo ko."
"Nasa backpack ko nga na yellow."
"Wala, love.."
Pumunta siya kabilang side ng bed..
Gulat na gulat pa yung itsura niya pagkuha niya ng empty backpack niya..
"God, Deanna! Nasa pocket lang, nilabas mo talaga lahat ng laman nito. Nakakalat lang dito sa floor."
Kinuha na niya sa pocket yung toothbrush at deo. Malay ko bang nasa pocket..
"Eh malay ko ba, love. Akala ko nasa loob eh. Bat napunta sayo yan? Nasa bag ko kaya yan."
"FYI, Deanna. Naiwan mo yan sa bathroom sa Balesin. Buti chineck ko yung bathroom bago tayo mag check out, kaya napunta sakin yan. Nakalock na kaya yung luggage mo non."
Naiwan ko pala to.. Oppssyyy..
Napatingin na ko kay Jema.. Nakasimangot na siya.. Ako pala may kasalanan.. Waaaahhh..
Nakaupo na siya sa bed.. Tinabihan ko na siya..
"Wifey, sorry na.. Di ko alam na naiwan ko eh. Bati na tayo, first morning kaya natin dito sa Paris. Love you po!" niyakap ko pa siya at hinalikan sa pisngi.
"Ayusin mo yang kalat mo muna. Love naman eh, naligo lang ako pag labas ko parang binagyo na tong kwarto natin."
"Eh love, nahirapan kaya ako maghanap."
"Pwede ka naman maghanap ng maayos ah? Pati gamit ko sa backpack ang kalat na." nakasimangot pa din siya.
"Aayusin ko, wifey.. Smile na please, love.. Bihis ka na, ako bahala mag ayos." tumayo na ko.
Sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit namin. Si Jema nagsimula ng mag ayos at mag bihis..
"Love, di ganyan mag ayos, pinagbabalik mo lang sa luggage eh, tiklupin mo ng maayos, malulukot yung mga damit mo.. Saka sa closet mo na ilagay yan."
Ha? Maayos naman ah? Tiniklop ko naman ng maayos sa abot ng makakaya ko..
"Maayos naman, love ah?"
Tinigil niya ang pagpapatuyo ng buhok niya at lumapit sakin.
"Di ganyan magtiklop, love.. Ganito oh." pinakita niya pa sakin paano itiklop yung tshirt ko.
"Ganyan naman ginawa ko, love ah?"
"Hindi kaya, basta mo lang tiniklop di mo inayos, lukot lukot. Saka tignan mo di pa pantay yung pag patong mo ng mga damit mo."
"Okay.. Sige na, love. Mag ayos ka na ulit dun.. Ako na bahala.."
Nakaka stress naman.. Ang big deal naman pati pag patong ng damit..
Di naman kasi ako sanay sa ganito. May naglalaba at nag aayos lang samin every week eh. For more than two weeks lagi yung mga gamit namin ni Dealan.
Kaya malay ko ba sa tiklop tiklop na yan.. Eh dati kasi sa US non, si Julia naman gumagawa lahat sa bahay eh.
"Love, bitiwan mo na yan. Ako na mag aayos. Bihis lang ako saglit." napahinto ako sa ginagawa ko.
What? May mali na naman ba akong ginawa? Mali ba pagkakatupi ko ng long sleeves ko?
"Tapusin ko na to, love.. Bihis ka na. Pata makapag breakfast na tayo."
Nagbihis na si Jema agad at lumapit sakin.. Kinuha niya ang hawak kong long sleeves.
"Love, dapat dito naka hang. Para di malukot. Ang cute mo pa naman, di bagay sayo mag suot ng lukot na long sleeves." pinisil pa niya ang pisngi ko.
"Sorry na, wifey.. Di ako marunong sa mga ganyang bagay."
"I know. Halata nga, love eh. Hehe.. Upo ka muna dyan. Ayusin ko lang gamit natin. Mabilis lang to."
"Love, gutom na koooo.. Mamaya na lang tayo mag ayos pag balik natin."
"Ehhh, upo ka na muna. Mabilis lang to. Para mamaya pag balik natin dito, rest na tayo agad."
Umupo na ko sa bed. May point naman si Jema.
Nag simula na siya ayusin ang mga gamit namin..
"Rest agad, love? Honeymoon kaya natin dito."
"Ano ba gusto mo gawin later?"
"Ano pa nga ba, wifey? Hihihi.. Alam mo na yun.."
"Hay naku.. Sabihin mo kaya para alam ko hehe.."
Ang bilis naman nito ni Jema mag tiklop at mag ayos ng gamit namin? Patapos na agad siya. Tinatabi na niya yung mga luggage namin sa likod ng couch.
"Basta, love.. Be ready later.. Gagawa na tayo ng baby number one natin hehe.." yumakap na ko sa likod niya..
"Hmmmm.. Ikaw talaga! Masyadong excited. Oo na, sige na.. Mamaya, hubby! Love you!" humarap na siya sakin at yumakap.
"I love you too, wifey! Can't wait for our babies."
"Babies talaga, love? More than one?"
"Ayaw mo ba, wifey?"
"Hmmmm... Gusto, kung kaya pa why not. I'm just scared. Mahirap na daw at my age eh."
"We will see about that, love.. Malay mo naman, wifey di ba? Kaya pa yan.. I'll be with you naman all the way eh.."
"Love you, hubby! Sige, lahat para sayo.. Let's go na, I'm excited to see Paris again with you, love.."
"All right, let's go.. Excited na din ako, wifey ko!"