25

3.7K 119 19
                                    

J

"Hi, I'm Dr. Lauren Rimes.." bati sa amin ng doctor.

Napaaga ata kami ni Deanna ng dating. Kanina pa kami dito sa receiving area ng office ni Dr. Rimes..

Medyo bata pa pala siya.. Parang nasa early o mid 30's pa lang siya, ineexpect ko medyo matanda na.

Si Deanna kasi ang nag asikaso ng appointment namin dito at kumausap sa kanya on the phone kaya wala akong idea na bata pa pala tong magiging attending doctor namin.

Tumayo na kami ni Deanna..

"Good morning, doc.. I was the one who called you for this appointment. I'm Deanna Wong and this is my wife, Jema.." pagpapakilala ni Deanna samin.

Nagkamayan lang kami at saka umupo.

Umupo na din si Dr. Rimes. Nasa harap kami ng table niya nakaupo.

"Ohh.. I see.. You look the same the last time I saw you, Deanna.."

Ha? Magkakilala ba sila ni Deanna?

Tinignan ko si Deanna. Parang nagtataka din siya sa sinabi ni Dr. Rimes eh..

"Ohh, sorry.. The first time I saw you kasi was at my mom's office here too, matagal na yun.. I was just 15 or 16, I guess.."

"Wait... Ohhh! Ikaw yung makulit na anak ni doc Louie non.. Sabi na eh! Kaya pala familiar yung surname mo.. How's doc Louie? Dito pa ba siya nagwowork?"

Ah, okay... Kilala nga ata siya ni Deanna..

Nakikinig na lang ako sa kanilang dalawa. Maganda din tong si Dr. Rimes eh. Maputi, matangkad, sexy at ang ganda ng mga mata niya, mamula mula pa yung pisngi niya. Halatang may lahi siya, di siya pure pinoy.

"Nasa US na sila mommy.. Ako na lang dito. Practicing my profession.."

"Regards kay doc Louie ah.."

"Sure.. All right.. So, how can I help you, guys?"

"Hmmm.. We want to have a child, doc.." si Deanna na ang sumagot.

"Di ba you have a child na? Ang alam ko successful ang procedure niyo before under my mom's supervision?"

"Yes.. It was successful. I have a son, he's name is Dealan. Gusto ko kasi magka anak din kami ng wife ko eh.. The same procedure as before."

Parang nagets ata ng doctor yung ibig sabihin ni Deanna, napatango na lang kasi siya eh..

"I see.. But, before the actual procedure, we will have several tests muna, so we could see if able pa ba kayong dalawa na magka anak, lalo na with your age now. Alam mo naman na lahat yun, Deanna, right?"

"Right.. Gusto ko din malaman ng wife ko yung mga test na pagdadaanan namin with your explanations."

"Okay.. Jema, first, ready ka ba to undergo several tests? It will include ultrasound and insertion of scope into your uterus."

"I'm ready doc.. Matagal po naming pinag isipan to ni Deanna."

"Okay.. Sige, ipapa schedule ko na ngayon yung ultrasound for Jema. Then, sayo naman blood sample testing, Deanna, since sayo ireretrieve ang egg."

"Okay, doc.. Ready naman kami ng wife ko."

Kinakabahan ako sa totoo lang.. Lalo na sa sinabi ni Dr. Rimes about our age.

Lumabas na si Dr. Rimes.. Pinag antay niya muna kami sa receiving area ng office niya.. Aayusin lang daw niya yung request para sa gagawing mga test samin ngayon.

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon