33

3.4K 124 14
                                    

D

"Hey, wait, is there something wrong ba?" napahinto si ate Jia sa pag sasalita

We're in the middle of a discussion na. Si ate Jia yung nagsasalita ng biglang magsalita si Tin.

"Why, Tin? Any problem?"

"Ano kasi eh, naiilang ako.. Kanina pa nakatitig sakin si Deanna at Jema.. May dumi ba ko sa mukha?" naku napansin na pala ni Tin.

Pero ano daw? Pati si Jema?

"Ah, hindi.. I'm sorry, Ms. Tin, you look familiar kasi talaga. Inaalala ko kung saan kita nakita." sagot ni Jema.

Pati pala kay Jema familiar si Tin.

"Ikaw din, love? Sorry, Tin.. Same kami ng wife ko, inaalala ko din saan kita nakita eh.." pagpapasensya ko.

"Dismiss it, Deanna and Jema, baka kaya she looks familiar sa inyo kasi siya yung host and organizer nung surprise birthday party natin non Deanna kay Julia, nandun ka din Jema di ba?" pagpapaliwanag ni ate Jia.

Tumango lang si Jema.

"Owww... Kaya pala familiar. Matagal na pala kayong magkakilala ate Jia." sabi ko.

"Yes, matagal na kaming magkakilala ni Jia, Deanna. Sorry, yun pala yung iniisip niyo. Ako nga yung host non. So, okay na tayo, Deanna? Jema? Proceed na tayo? Hehe.."

"Ohh, yes, Ms. Tin. Sorry sa kanina, proceed na tayo." si Jema na ang sumagot.

Para akong sira, dun ko pala siya nakita sa surprise birthday party namin non kay Julia. And right, nandun nga din pala si Jema..

Wooohhh! That night.. Who would have thought na after that night, kami pa rin pala ni Jema ang magkakatuluyan.

Naramdaman ko na lang na may tumapik sa hita ko, si Jema pala.

"Love, nakatulala ka dyan? Listen to your ate Jia." bulong niya sakin.

"Yes, love.." umayos na ko ng upo.

Ang daming diniscuss ni ate Jia sa amin. Kanina nakapag food tasting na din kami. Okay lahat ng dala nilang cakes and pastries. Desidido na ako, sila na ang kukunin kong bagong supplier.

"So, what do you think, Deanna and Jema?" Tin asked.

"Love, ano sa tingin mo?" baling ko kay Jema.

"Its a done deal, love.. Gusto ko yung cakes and pastries nila."

"So, its a done deal, ate Jia and Tin.."

"Wow, really, Deanna?" ate Jia exclaimed.

"Yes, the best yung cakes and pastries."

"I'll prepare the necessary papers tomorrow, Deanna. Ako na magdadaan dito bukas." nakangiting sabi ni Tin.

"Okay, Tin. Nandito naman yung secretary ko bukas, si Lei. Iwan mo na lang sa kanya pag wala pa ko."

"Sure, Deanna."

"Thank you, Deanna, Jema.." tumayo na si ate Jia at nakipagkamay saming dalawa ni Jema. Ganon na din ang ginawa ni Tin.

"Bonding tayo soon, ate Jia pag labas ng baby namin ni Jema. Gustung gusto ka na makita ni Dealan, ate."

"Sure, pagkapanganak ni Jema bonding tayo.. Namimiss ko na nga ang inaanak ko, gwapong lumaki eh.."

"Kanino pa ba nagmana, ate Jia?"

"Ay naku, Deanna.. Ang hangin.." Jema naman eh..

"Oo nga, Deanna ang hangin hehe.. Oh siya, una na kami, balik pa kami sa store." pagpapaalam ni ate Jia.

"Oh sige, ingat ate Jia, Tin, ingat kayo."

"Nice doing business sa inyo, Deanna and Jema.."

"Thank you, Ms. Tin. Ingat kayo." sagot ni Jema.

Pag alis nila ate Jia, umupo ulit kami ni Jema. Nagpakuha ulit ako ng food, nakakagutom yung mga pinagusapan namin kanina.

"Love, familiar din pala sayo si Tin?" tanong ko kay Jema.

"Oo, love.. Dun ko pala siya nakita sa birthday party non ni Julia, natatawa na lang ako kanina. Sobrang curious ko nabother na siya sa titig ko.."

"Ako nga din, love eh."

"Eh bat ka ba nakatulala kanina pala, love? Ano yang iniisip mo ha? Naku, pag yan babae lagot ka sakin!"

"Love naman... Naisip ko lang yung gabi na yun, tayo pa din ang nagkatuluyan sa huli, wifey and now, malapit ng lumabas ang baby natin.. I love you, Jema! Hihi.."

"Ikaw talaga, love, nagrereminisce pa.. True love waits. I love you too! Love ka po namin ni baby, dada!"

"Kilig naman ako, I love you mommy and baby! Love kayo ni dada!" hinalikan ko si Jema at ang tyan niya.

Pagkatapos namin kumain ni Jema, umalis na kami ng coffee shop. Mag gogrocery muna kami bago umuwi.

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon