D
Ano ba naman to si Jema, di ko alam kung inaantok na ba siya o ano, buong event akong di pinapansin. Pag kakausapin ko, ang tipid sumagot.
Buti na lang nandito si Tin, siya ang nag eentertain kay Jema. Ang dami kasing kumakausap samin ni ate Jia buong event eh.
Tapos nagkataon pang nandito si Pia sa event, kung kani-kanino niya kami pinakilala. Kabatch ko nung college si Pia, lagi nga siyang sabit sa tropa namin non kaya close talaga kami.
"Love, are you okay?" tanong ko kay Jema. Ang unusual kasi, ang tahimik niya.
We're on our way home. Anong oras na din natapos ang event. Nahirapan pa kaming makatakas ni ate Jia kay Pia. Ang kulit kasi at ang daming kwento.
Pero okay lang naman, namiss din namin siya kaso nag aalala na ko para sa mga anak namin eh, gabing gabi na din.
Lumingon siya saglit sakin at ibinalik din ang tingin sa labas ng bintana ng kotse.
"Yes, love.. Napagod lang ako.." tipid niyang sagot.
"May masakit ba sayo, love?" nag aalala na ko, di kasi ganito si Jema eh..
"Wala po, love. Bakit mo naman natanong?"
"Kanina ka pa kasi tahimik, love. Nag aalala lang ako."
"I'm okay, love. Nag aalala lang ako sa mga anak natin. Anong oras na din. Di pa sumasagot si Dealan sa mga tawag ko."
"Baka nakatulog na si Dealan, don't worry, love.. Malapit lapit na tayo. Try to sleep muna, gisingin kita pagdating natin."
"Sige lang.. Drive ka na muna dyan.." tapos binuksan na niya yung radio ng kotse..
Malapit na sana kami pero sobrang traffic pag pasok namin ng expressway..
Hinayaan ko na lang si Jema baka pagod lang talaga siya. Nag drive na lang ako..
Kalahating oras na ata ang lumilipas pero nandito pa din kami sa expressway, sobrang bagal ng galaw ng mga sasakyan.
"Bakit ang traffic naman..." komento ni Jema.
Halata sa tono ng boses niya ang pagkainip...
"Hindi ko din alam, love eh. Pareho lang naman tayong nandito sa loob ng kotse.."
"Haaaayyy... Nakakainis naman. Madaling araw na trapik pa din..."
"Relax, love.. Makakauwi din tayo. Try to sleep muna.." pagpapakalma ko sa asawa ko.
"Relax? Pano ako mag rerelax walang kasama yung mga anak natin sa bahay, tapos gusto mo pa kong matulog." medyo tumaas na ang boses niya.
Ano ba naman to si Jema ang init ng ulo pareho lang naman kaming natatrapik dito. Kaya nga pinapatulog ko na lang siya para di siya mainip eh.
"Bakit ba ang init ng ulo mo, Jema? Pareho lang naman tayong natatrapik dito. Buti nga ikaw nakaupo lang dyan eh."
"Nag aalala lang ako sa mga anak natin."
"Nag aalala din ako, di lang naman ikaw. Magrelax ka lang kasi dyan ang init agad ng ulo mo."
"Mag drive ka na lang, Deanna.."
"May problema ba, Jema? Bat ka ba nagkakaganyan?" unang beses kasi to na ganito si Jema. Ang unusual lang. Di naman mainitin ang ulo niya.
Dapat nga ako ang kanina pa nag rereklamo dito eh kasi ako ang nag ddrive.
"Wala. Sige na, mag drive ka na lang ng makauwi na tayo. Mamaya napano na ang mga bata dun."
"Ganyan kasi iniisip mo kaya napapraning ka eh.."
"Nanay ako, Deanna. Natural mag aalala ako ng ganito. Di mo ako maintindihan kasi wala ka naman lagi sa bahay. Di mo alam ang nangyayari maghapon sa bahay."
"Nagtatrabaho ako para sa pamilya natin, Jema... Wag mo isumbat sakin yan.." medyo sumama ang loob ko.
Bakit ganito mga pinagsasabi sakin ni Jema eh ang tagal tagal na naming ganito ang set up, ngayon ko lang siya narinig na magkomento ng ganito.
Lumuwag na ang daan. Sinara pala yung kabilang lane kaya ang bagal ng daloy kanina..
"Pagod na ko, Deanna.. Ayoko makipag away." yun lang at tumalikod na siya sakin. Ibinaling na lang niya ang tingin sa labas ng bintana.
Haaaay.. Bat ganito naging usapan namin ni Jema, dahil lang sa traffic nag away pa kami at kung saan saan napunta ang pag uusap namin.
Ano bang ginawa ko?
Di na ko kinausap ni Jema hanggang sa makarating kami sa bahay.
Tama nga ako, tulog na si Dealan kaya di na sumasagot sa tawag namin. Yung kambal din mahimbing ng natutulog..
Pag pasok namin sa kwarto si Jema dire-diretso lang sa bathroom. Di man lang ako kinausap o ano..
Di ko na siya inantay matapos sa bathroom, sa guest room ako nag shower.. Gusto ko magbabad sa bathtub muna.. Nakakapagod ang maghapon..
Kumuha ako ng pampalit ko bago ako dumiretso sa guest room. Dun na din ako mag bibihis.
Warm bath ang napili ko.. Nang mawala naman ang pagod ko kahit papaano..
Bukas ko na lang siguro kakausapin si Jema. Baka mainit pa ang ulo niya eh.. Ayoko naman mag away kami..