D
After ko idaan si Jema sa Adamson, dito ako dumiretso sa condo unit ng pamangkin kong si Nico..
Dito ko na aantayin si Jema at Dealan. Magkasunod naman sila ng labas.. 5pm si Dealan, 6pm naman si Jema..
Si Nico naman pagdating ko dito kanina, paalis na. May lakad daw siya.. So, I'm all alone here.
Hmmmm.. What to do? Saan ba kami mag didinner mamaya? Parang ang sarap ng seafood tapos may band na tumutugtog..
Yeah, tama.. Sa Seascape Village na lang kami mag didinner.. Sakto malapit lang yun, pag lagpas lang ng Sofitel..
Kinuha ko na lang muna yung psp ni Nico.. Maglalaro na lang muna ako habang hinihintay sila..
.
.
.
.
.
Narinig ko ng nag alarm yung phone ko.. Sinet ko to kanina sa time ng out ni Dealan.. 5pm na pala..And on cue, pag kuha ko ng phone ko, saktong tumatawag si Dealan..
"Da, are you going to pick me up here sa school or punta ako dyan?"
"Hmmmm.. 6pm pa out ni Prof. Sunget mo eh.."
"Alright, da.. Pick me up na lang here at 6pm.. Yiiieee, dada!"
"Nang asar ka pa.. Punta ka na dito kung wala ka ng gagawin.."
"I'm okay, dada.. I'm with my classmate, Arianne.. Can she come with us, da? Sa dinner natin? She lives in Alabang din.."
Aba, aba tong anak ko dumidiskarte na ata ah..
"Hmmmm.. At sino yang Arianne na yan, Dealan?"
"Da, no more question na hehe.. I'm with her right now.."
"Okay, she can come with us.. Ipaalam mo sa parents ah? Okay, Dealan?"
"Yes, dada.. I will. Bye, I'll see you later..."
Binaba na niya ang phone..
Aba tong anak ko may hindi ata nakukwento sakin.. Mamaya to sakin pag uwi namin..
After an hour...
Sakto din tumawag sakin si Jema..
"Hi, Deanna.. Out ko na po.." ang lambing talaga ng boses ni Jema.
"Okay po, baby.. Sunduin kita dun sa gate na binabaan mo kanina. Ano ngang tawag dun?"
"ST Gate, Deanna.. Sige dun na kita hintayin. Ingat ka sa pag ddrive.."
"Yes, baby.. Hihi.. Kasama pala natin si Dealan ah? And yung friend niya. Okay lang ba, Jema?"
"Of course, Deanna.. No problem.."
"Okay, alis na ako.. See you, Jema.. Bye.."
Tinawagan ko si Dealan after ng call ni Jema.. Sinabi ko na dun ko sila susunduin sa tapat ng ST Gate..
Inayos ko muna yung ginamit ko na psp at yung pinagkainan ko at saka ako umalis..
This is it, Deanna Wong! Dinner with Jema naman..
.
.
.
.
.
----------J
Pag dating ko dito sa may ST Gate nakita ko na agad si Wong. Yung younger Wong..
Kamukhang kamukha kasi ni Deanna.. Parang photocopy lang. Kuhang kuha lahat..
Pag kakita niya sakin binati niya naman ako agad. Kasama niya yung isang student ko din na kaklase niya.. Eto si Elizalde eh.. Maganda, maputi at matangkad. Para ngang may lahi to eh.. Di siya mukhang pure pinoy.
Nakaupo sila sa bench dito sa waiting area.. Ako nakatayo, malapit sa kanila.. Ayoko umupo eh. Para makita ko agad si Deanna dumating..
Kaso medyo ang tagal ni Deanna. Chineck ko yung phone ko.. Nagtext siya.. Medyo traffic daw sa intersection.. Nag reply na lang ako ng okay.. Baka kasi madistract pa siya sa pag ddrive..