5

5.1K 158 81
                                    

J

Oh my! Oh my! Oh my! I just can't still believe na si Deanna yung parent ng Wong na yun! Na si Deanna Wong yung makikita ko...

Ilang araw na pero di pa din ako makapaniwala.. Sobrang nagulat ako pag kakita sa kanya..

Parang di naman siya tumanda ng 18 years... Parang yung Deanna Wong lang na nameet ko 18 years ago sa Paris..

Naka eyeglasses na nga lang siya pero ang--- Haaaay... Ang cute pa din niya! Ang papi pa din niya! Yung mga ngiti niya grabe yun pa din yung dati... Haaaaayyy.. Deanna..

At ang bilis bilis pa din.. Di pa din nagbago sa mga pambobola at banat..

Tapos walang paligoy ligoy kinuha agad yung number ko... At ako etong si marupok binigay naman agad...

Naku, Jema! Yan ka na naman! 18 years na, marupok ka pa din!

Haaaay! Sa kanya lang naman!

Medyo nalito ako sa sinabi niyang di daw magagalit si Julia.

Ayoko namang mag tanong kasi syempre di naman yun yung tamang lugar para itanong yun, saka nandun yung anak nila, who happens to be my student..

What a small world!

Anyway, kamusta na kaya yung anak non? Buong week hindi pumasok eh.. Si Martinez pumasok na after 2 days eh.. MWF ang schedule ng klase ko sa kanila..

Hindi na rin siya nakapag quiz kanina.. Hmmmm.. Imessage ko kaya?

Ayyy wag na.. Papasok naman yun pag okay na.. Medyo mas malala kasi yung tama nun ni Wong compare sa kaklase niya..

Hay naku.. Naalala ko na naman yung away na yan! Grabe kala mo di mga college kung mag away...

Haaaayyy... Makauwi na nga, rush hour na.. Commute pa naman ako now, coding kasi kotse ko.. Pahirapan na naman makasakay..

Naglalakad na ko palabas ng department namin ng biglang mag ring ang phone ko..

Unknown number...

Sino to???

Ayoko sagutin.. Di naman ako mahilig sumagot ng unknown caller..

Pinatay ko na yung call..

Takte! Tumawag ulit agad!

Grrrr... Sino ka ba? Istorbo.. Uuwi na ko ehhhh...

Pinatay ko ulit..

Pero pusa! Tumawag na naman! Grrrrrr... Naiirita na ko! Gusto ko na matulog, napuyat ako kakagawa ng quiz ng mga students ko..

"Hello! Who are you ba?! Why not drop a message first.." iritang sagot ko..

Wala agad sumagot sa kabilang linya..

"Ahhhh.. Hi, Jema.." ayyy, wait.. Parang kilala ko yung boses neto..

"Jema, hi.. This is Deanna, sorry, tumawag agad ako.." dagdag pa niya.

Shet! Si Deanna nga! Ang saklap ng bungad ko sa kanya.. Kase nemen ehhhh..

"Oww.. Hi, Deanna.. I'm sorry ikaw pala.. Sorry talaga, inaantok na kasi ako eh, pauwi na.. Hehe.."

"Ay, ganon ba.. Sayang naman, yayayain sana kita mag merienda or early dinner eh.. Sige, Jema.. Next time na lang.. Hehe.."

Waahh... Wait, Deanna... Di na pala ako inaantok!

Pero seryoso nawala bigla antok ko! Hahaha..

"Wait, Deanna.."

"Oh, why, Jema?"

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon