47

3.6K 138 12
                                    

J

I'm busy preparing for our dinner nang marinig kong may pumasok na kotse sa garahe.. Tanaw kasi dito sa dirty kitchen yung garahe ng bahay.

It's Deanna's car..

Napatingin ako sa sa phone ko, past 6pm na. She's just on time for our dinner. Akala ko gagabihin na naman siya ng uwi.

Ipinagpatuloy ko na ulit ang ginagawa ko, malapit na din akong matapos.

Nakailang ikot na ako dito sa kusina pero hindi ko pa din nakikitang bumaba ng sasakyan si Deanna, rinig ko pa din na bukas pa ang makina ng kotse niya..

Ano pang ginagawa nito sa kotse? Bakit di pa bumaba agad?

Di ko siya matanaw sa loob, sobrang tinted kasi ng kotse niya..

Tinapos ko muna ang niluluto ko at pinuntahan ko na siya sa garahe..

Kinatok ko na ito.. Nakailang katok din ako bago niya ibaba ang salamin..

"Love, bakit di ka pa bumababa ng kotse? Kanina ka pa dyan ah.."

Tinignan lang niya ko..

Napansin kong pawis na pawis siya pero ang lakas naman ng aircon sa kotse niya, dinig na dinig ko yung aircon eh, naka full blast.

Hinawakan ko na siya sa noo at leeg.. Bigla akong nag alala sa kanya, ang tamlay ng itsura niya. Para siyang pagod na pagod at namumutla pa siya.

"Are you okay, love? Masama ba ang pakiramdam mo?" ang lamig ng pawis niya.

Lalo tuloy akong nag alala..

"Baba ka na dyan, love.. Lika na dito, I cook for us.." malambing kong sabi pero nag aalala na talaga ako.

Maayos naman si Deanna kaninang umaga pero bakit ganito na siya pag uwi.. Ano bang nangyari sa asawa ko?

May kinuha siya sa likod ng kotse at pinatay na niya ang makina nito bago bumaba..

"I have something for you, love and for the kids too.." may iba sa boses ni Deanna.

"Thank you, love.. Mag dinner muna tayo ah. Napagod ka ata ng sobra.."

Pag pasok namin sa dining area, pinaupo ko na agad siya. Umakyat muna ako sa kwarto namin para kumuha ng pamalit niya, basang basa yung suot niyang damit.

Tinawag ko na din si Dealan para magdinner.. Naabutan ko siyang nilalaro ang mga kapatid niya..

"Nandyan na po si dada?" tanong niya sakin habang pababa kami.

Hawak ko si Deacon at sa kanya naman si bunso..

"Yes, nasa dining area na siya..."

"Yey! Finally, makakasabay na natin ulit si dada kumain.. Did you hear that baby, nandyan si dada!" kinurot kurot pa niya ang pisngi ni bunso.

Sabay pang ngumiti si bunso at si Deacon. Pati sila miss na miss talaga si Deanna..

Pagbaba namin, si Deanna nasa living room na, nakaupo. Nakaboxer shorts na lang siya at nakataas na hanggang sa dibdib niya yung shirt niya. Pawis na pawis na naman siya.

"Love, what happened to you?" tanong ko.

Tumayo siya at lumapit sa amin. Tumutulo ang pawis sa mukha niya at ulo.. Kala mo naligo siya ng pawis.

"Hello, babies! Miss dada?" baling niya sa kambal.

Instant naman ang reaction ng dalawa, tumawa ito at naglililikot, parehong gustong yumakap sa dada nila.

"Oh, later na, babies. Papalit muna si dada.." pigil ko kay Deacon at bunso.. Inaabot abot na kasi nila si Deanna.

"Love, sira ba aircon natin? Ang init eh.." tanong ni Deanna.

Ha? Hindi naman sira ahhh.. Ang lamig nga eh.

"Dada, anong sira? Malamig naman ah.." si Dealan na ang sumagot.

"Palit ka muna, love please.. Basang basa na yang damit mo."

Nagbihis na agad si Deanna at saka kami pumunta sa dining area para kumain.

May dala pala siyang cheesecake, yun ang kinain namin as dessert pagkatapos naming mag dinner.

Mukhang okay naman na si Deanna, siya pa ang nagpakain sa kambal..

Pagkatapos namin mag dinner, si Deanna na ang nagdala sa kambal sa kwarto nila, siya na daw ang magpapatulog. Tinulungan naman ako ni Dealan sa kusina..

Medyo natagalan din kami, nagprepare na din kasi kami para sa breakfast namin bukas para lulutuin ko na lang. May pasok na naman kasi.

Pag akyat ko, tulog na yung kambal. Ang bilis naman nila makatulog ngayon..

Pag pasok ko sa kwarto si Deanna nakahiga na sa kama. Nakatulog na ata siya.

Nagshower muna ako saglit.. Its been a long day for me. Ang daming nangyari sa maghapon ko..

Chineck ko si Deanna bago ako tuluyang humiga sa tabi niya. Medyo basa pa ang buhok niya. Pagod na pagod siguro talaga to hindi na niya nagawang magpatuyo ng buhok after mag shower.

Niyakap ko siya... Namiss ko siya sobra..

Naramdaman kong kumilos siya at yumakap din sakin..

"I'm sorry, love.. I just don't feel well kanina. Ang pangit ng gising ko ata.." she said in her sleepy voice.

"Forgiven, love. I'm sorry din.. Okay na ba ang pakiramdam mo?" hinaplos haplos ko ang pisngi niya.

"I love you, my wife.. I feel okay na po.. Lets sleep na, love.." then, she kissed me on my forehead.

"I love you too.. Good night my love.."

Finally, all is well..

Makakatulog na ako ng mahimbing...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakakatulog pero bigla akong nagising dahil sa ingay sa tabi ko...

Sobrang dilim ng kwarto.. Di ko maaninag si Deanna pero alam ko na siya yung naririnig ko..

Kinapa ko yung lampshade sa gilid ng kama namin.. Pag bukas ko nito, nakita ko si Deanna na nakahawak sa dibdib niya..

Siya nga ang naririnig ko..

"L-loveee..." habol habol niya ang bawat paghinga niya.

"Love! What's happening?" nataranta ako bigla.

Ang higpit ng hawak niya sa dibdib niya at hirap na hirap na siyang huminga..

"Ahhhhh!!!" bigla siyang sumigaw, hawak ang dibdib niya..

No! No! No!

Anong nangyayari?!

Wala na kong inaksayang panahon pa, bumangon ako at kinuha ang susi ng kotse..

Binuhat ko agad siya pababa ng hagdan..

Si Dealan nakita ko pang lumabas ng kwarto at patakbong sumunod samin..

"What's happening mama?" nag aalalang tanong niya..

"Look after your siblings.. Pupunta kaming ospital.. I'll update you, Dealan.."

Pinasok ko agad si Deanna sa kotse at nilagyan ng seatbelt. Nawalan na siya ng malay.

Hindi ko rin alam kung paano ko siya nabuhat hanggang dito. I need to take her to the hospital now!

Nakapantulog pa ako, buti na lang may jacket si Deanna dito sa kotse.

Pinalipad ko ang kotse papuntang ospital...

Habang nasa daan nagdadasal ako na sana walang mangyaring masama kay Deanna.. Di ko kakayanin.. Maliliit pa ang mga anak namin...

Please... Please... Pleaseeeee...

Please po, wag si Deanna...

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon