D
"Look, Deans ohh.. Ang ganda ni Jema sa unahan." turo ni Bea sa pwesto nila Jema sa stage.
Today is Dealan's graduation. Isa isa na silang tinatawag. Si Jema nasa unahan din ng stage. Isa siya sa mga mag aabot ng diploma ng mga gagraduate. She got promoted, assistant director na siya ng department nila.
Dalawa yung ticket na binigay ni Dealan sakin, si Jema naman di ko naman makakasama sa upuan.
Dapat si mommy o ate Nicole ang isasama ko para naman may kasama ako sa upuan pero ayaw nila, sila kasi yung mag aasikaso sa bahay para sa graduation celebration ni Dealan.
Ang dami nga nila ngayon sa bahay eh, abala sa pag aasikaso. Nagulat pa nga ako na kagabi nagsidatingan din sila Bea, Maddie at Pongs.
Ininvite pala sila ni Jema at mommy for the celebration. Si Julia din dapat uuwi for the graduation kaso she can't travel, she's pregnant kasi pero nakausap na niya at na-congratulate si Dealan kagabi at kanina bago kami pumunta dito sa venue.
At sa dami ng sasama sakin dito sa venue, si Bea ang nakasama ko. Wala naman kasi siyang matutulong sa paghahanda sa bahay. Kanina pa nga ako kinukulit nito na gutom na siya..
Kahit ako gutom na din, kanina pa yung ceremony per cluster kasi ang tawag.
Mula dito sa pagkakaupo namin ni Bea, I can see Jema. Sobrang ganda talaga ng asawa ko.. Sobrang proud ko din sa kanya.. Assistant director na ang asawa ko.
"Maganda talaga asawa ko hihihi.. Sobrang swerte ko nga dyan eh." sagot ko.
"Ang galing ni Jema, promoted na siya. Sa susunod, siya na yung director. Pero nagugutom na talaga ako, Deans. Matagal pa ba? Hehe.."
"Ay naku, Bei.. Magtiis ka, graduation to ng inaanak mo. Dapat kasi di ka na sumama eh.."
"Pinagtatabuyan din kaya nila ako dun sa inyo.. Haha.."
"Pano kasi wala ka namang alam sa pagluluto.. Wala ka talagang silbi hahaha.."
"Nakakahurt ka naman, Deans.. Pero okay lang haha.. Madami namang food pag uwi natin.."
"Anong food ka dyan? Grad gift mo muna kay Dealan bago ka kumain.."
"Meron akong gift! Ang sigurista naman neto.."
"Dapat lang.. Sa lamon mo palang lugi na ko eh hahaha.."
"Whatever, Deans!"
"Wong, Julio Dealan Isaac..." dinig kong tawag sa pangalan ng anak ko.
Napatayo agad ako para mas makita ko lalo ang stage..
"Deans! Look! Ang gwapo ng inaanak ko!" pati si Bea napatayo na din at nagpapapalakpak.
"Kanino pa ba magmamana, syempre sakin!"
Sobrang proud ko kay Dealan. Napakasaya ng pakiramdam ko habang tinitignan ko siyang naglalakad sa stage..
Isa isa siyang nakipagkamay sa mga professor na nasa itaas..
At ang huli ay si Jema, kinamayan niya ito at niyakap naman siya ni Jema.. My familyyyy! Nakakataba ng puso. Sa wakas... Nakatapos na din si Dealan..
Eto lang naman ang gusto ko eh, ang makatapos ang mga anak ko at matupad nila anuman ang mga pangarap nila sa buhay. Masaya na ako dun at lagi lang akong susuporta sa kanila.
Pag baba ni Dealan sa stage, umupo na din kami ni Bea..
Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod ko.. Napalingon ako sa likod ko.