29

3.5K 139 20
                                    

J

"Okay, class dismiss na.. Exam next meeting." umupo muna ako. Nakatayo ako buong lecture hours, nakakapagod.

Si Deanna nakaupo pa din sa likod. Nagphophone.

"Ma'am, pwede po kayo makausap?" oww, si Adriano pala to. Kasama pa yung kaklase niya.

"Yes, Ms. Adriano?"

"Sorry po, ma'am kanina. I didn't know na---" di ko na siya pinatapos. Alam ko naman ang sasabihin niya.

"It's okay, pero next time ah.. Ang bata bata mo pa, mag aral ka muna."

"Yes po, ma'am.. Thank you po."

"All right, sige na.. You can go na."

Hay naku.. Naman kasi, sa dami ng lalandiin ah, yung asawa ko pa, sa harap ko pa. Mga bata talaga ngayon, go lang ng go basta gusto nila.

"Hi, Love.. Lunch na tayo?" nakalapit na pala si Deanna. Kami na lang din ang nandito sa room.

"Yes, love. Ayusin ko lang gamit ko."

"Ako na, love.. Upo ka muna dyan, kanina ka pa nakatayo eh. Kawawa naman baby natin ohhh.."

"Okay, love.. Napagod din ako.."

Isa isa ng inayos ni Deanna ang mga gamit ko..

"Sabi ko naman sayo, love mag file ka na ng leave mo eh.. Nahihirapan ka na oh.."

"I will, love.. After this sem, please?"

"We will see.. Kung kaya mo pa, love.. Let's go na, wifey?" inalalayan na niya kong tumayo.

Ang bilis naman netong naayos ang mga gamit ko. Nagmamadali lang. Gutom na siguro to si Deanna. Ang bilis na din niya mag lakad eh.

"Sorry kanina, love.." anong sorry? Pinagsasabi nito ni Deanna..

"Anong sorry, love?"

"Kanina, yung sa student mo.." ahhh, wala naman siyang kasalanan dun ah?

"Grabe naman kasi yang mukha na yan.. Aba, eh nakakaloko pa ng college student hehe.." hmmm pinisil pisil ko ang pisngi niya.. Ang cute kasi!

"Loko talaga, love? Pogi ko kasi eh. Mukha pa din akong 22 lang, love. Swerte mo sakin hehe.."

"Ikaw kaya swerte sakin.."

"Yes! Swerte talaga ako sayo, wifey. Ikaw lang naman ang magiging mommy ni baby natin.." hinawakan niya pa ang tyan ko.

"Love you po hehe..."

"Love you too, wifey. Saan tayo maglalunch? Gutom na ko eh."

"Dito na lang tayo sa school, love ha? May class na ko na susunod agad eh."

"Okay, love. Kahit saan naman."

"Class ni Dealan yung katabi na room ng klase ko mamaya, love."

"Talaga, love.. Okay pala ah.. I can check him later."

"Message Dealan, love. Baka di pa naglalunch, isabay na natin. Tutal nandito ka din naman."

Dito kami sa may OZ building kakain. Medyo konti kasi ang tao dito. Pinaupo na ko ni Deanna at siya na daw ang bibili.

Nilabas ko muna ang phone ko. Matatagalan pa ata si Deanna. Ang haba ng pila eh.

Chineck ko ang phone ko. There's a message from Dealan. Almost 1 hour ago, tinatanong niya kung nasaan ako. Bakit kaya, bigla tuloy ako nag alala..

May problema kaya? Nandito pa naman si Deanna.. Ang strikto pa naman niya kay Dealan.

I dialed Dealan's number..

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon