J
After 3 days nakalabas din si Deanna sa ospital. Madaming binilin yung doctor at lahat mabuti kong pinakinggan para wala akong makakaligtaan.
"Love, saan ka pupunta?" tanong ko kay Deanna pagdaan niya sa living room.
Abala akong nagliligpit ng mga laruan ng kambal. Ang dami nilang kalat..
"Sa garahe lang, love.. Lilinisin ko lang yung kotse ko, isasabay ko na din yung service niyo ni Dealan.."
"Ako na maglilinis, love.. Tapusin ko lang tong ligpitin."
"Ako na, Jema.. Kaya ko naman.. Sige na..." at naglakad na siya palabas.
"Deanna, wait...." hinabol ko siya sa labas..
"Oh? What, love?"
"Ako na maglilinis, sige na... Pasok ka na dun.."
"Ano bang problema, Jema? Kaya ko naman, di ko to ikamamatay.."
"Di ka pwedeng mapagod masyado.. Ayoko.. Ako na gagawa nyan.. Dun ka na lang kina Dealan, laruin mo dun yung kambal.."
"Para naman akong walang silbi dito. Para eto lang eh, lilinisin ko lang yung kotse, Jema. Di naman ako magpapakapagod.."
"Nag aalala lang ako.. Ayokong maging kampante. Ayoko ng maulit yung nangyari sayo, Deanna. Kahit di na para sakin. Para na lang sa mga anak mo..."
"Okay, okay.. Kumukunot na yang noo mo, love.. Pacarwash na lang natin.. Dun na tayo sa loob.." kinurot kurot pa niya ang pisngi ko.
"Basta, wag ka magpakagod masyado, love.. Nag aalala ako eh. Alam mo naman yung bilin ng doctor di ba.."
"Opo, love.. I'll take care of myself."
"Good to hear that, love.."
Naglakad na kami papasok sa loob.. Pinaupo ko na muna siya sa sofa at pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng mga laruan ng kambal.
Hinayaan ko lang sila maglaro dito kasama ang kuya Dealan nila, ganito na kadami ang kalat nila.. Kumain pa ata sila dito kanina, ang dami ding kalat ng cereal eh.
"Love, bukas pala mag reresume na ako sa work ah.. Kaya ko naman na eh."
Napahinto ako sa ginagawa ko..
"Kakalabas mo lang sa ospital. Di ba pwedeng next week ka na bumalik?" sagot ko.
"Okay na ko, love.. Limang araw naman na akong nandito lang sa bahay.. Please..."
Haaaay... Gusto ko pang magpahinga si Deanna pero alam ko namang magpupumilit pa din siya pag hindi ako pumayag.
"Sige, papayag ako, Deanna. Pero may kundisyon."
Umupo muna ako sa tabi niya..
"Don't overwork yourself, please.. Para sa mga anak natin.."
Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko..
"Don't worry, love.. Uuwi ako sa inyo ng maayos lagi. Di ko papabayaan ang sarili ko. Ayoko din maulit yung nangyari.."
Tapos niyakap niya ko..
"Pwede ba kaming sumali dyan?" its Dealan..
Karga niya ang mga kapatid niya..
"Of course... Come here..." sagot ko..
Kinuha ni Deanna si Deacon at sakin naman si bunso.. At niyakap namin ang mga anak namin..
"Dada, please don't overwork yourself. Di ba tuturuan pa natin mag basketball sila baby.. Di ba, baby bunsooo.. Gusto mo mag basketball di ba?" pinisil pisil pa ni Dealan ang mukha ni bunso..
Tuwang tuwa naman ang bunso namin at nagtatatalon.. Sumabay na din si Deacon..
"See, dada... Gusto nila mag basketball.. Kaya dada, magpagaling ka dapat.. Lalaro pa tayo nun.."
"Promise, maglalaro tayo non.."
"Narinig niyo ba yun babies? Lalaro daw tayo sabi ni dad.. Yeheeeey!"
Lalong nagtatatalon si Deacon at bunso.. Ang sarap naman tignan ng mga anak ko. Tuwang tuwa sila makasama si Deanna.
"Gusto ba talaga mag basketball ng bunso ko? Ha?" baling ni Deanna kay bunso.
"D-dada!" sagot ni bunso at tumango.
"Aba, gusto talaga ng bunso ko ahhh.."
"D-dada...." inaabot ni Deacon si Deanna..
"Oh? Selos ang baby Deacon koooo? Syempre lalaro tayong lahat.. Tuturuan ko kayo.."
Masaya ko lang silang pinagmamasdan.. Sana lagi na lang ganito..
"Eh si mommy Jema, payag ba? Hihihi.. Ano, love? Payag ka ba? Turuan ko sila mag basketball?" baling sakin ni Deanna..
"Sige, payag ako.. Basta ba ako manager niyo eh hehe.." pabirong sagot ko..
"Ayun! Yehey! Pumayag si mommy! Dahil dyan, kakain tayo ng pizza sa labas..." Deanna.
"Treat mo dada?" tanong ni Dealan.
"Of course.. So, tara at magbihis na.. Idadate kayo ni dada lahat.."
"Yes! Bihis na koooo!" at ayun, patakbo ng umakyat sa taas si Dealan..
"Bihis ka na, love.. Ako na bahala kina baby.." sabi ko kay Deanna.
"Tara na, love.. Sabay na nating asikasuhin sila baby.." binuhat na ni Deanna sila Deacon..
"Let's go, asawa koooo.. Nakakamiss naman yang treat mo.."
"Don't worry, love.. Lagi na nating gagawin to.. Namiss ko kayo sobra.."
"Namiss ka din namin, sobra.... I love you!"
"I love you too, my wife!" at hinalikan niya ako sa noo.