D
"Love, paalis na ako dito sa coffee shop. Tapos na ba kayo mag enroll ni Dealan? May gagawin ka pa ba?"
"Patapos naman na kami. Pagdating mo siguro tapos na kami."
"Okay, park na lang ako mamaya. Dyan tayo sa loob ng Adamson magkita ah. Please tell Dealan mag lunch muna tayo kamo."
"Sige sasabihin ko sa kanya pag balik niya."
"Wait, nasaan si Dealan, love?"
"Umalis siya eh. Pero babalik naman siya, love. Sige na mag ingat ka sa pag ddrive."
"Teka, Jema.. Nasaan ka ngayon?"
"Nandito sa office ng rotc.. Need kasi ienroll dito manually yung nstp pala niya."
"Teka nga, nasaan na naman yang si Dealan? Bakit iniiwan ka niya dyan. Dapat nga siya nag aasikaso nyan eh."
"Love, nagsasalubong na naman kilay mo. Ako ng bahala dito. Tawag ka na lang pag nandito ka na. Sige na, drive ka na. I love you."
"Okay, love.. I'll see you later. I love you too."
Binaba ko na ang tawag ko kay Jema.
Nasaan na naman tong si Dealan. Ang linaw ng bilin ko kanina bago sila umalis, siya ang mag eenroll sa sarili niya, sasamahan lang siya ni Jema.
Tapos malaman laman ko iniwan si Jema mag isa. May paglalagyan talaga sakin tong bata na to mamaya.
I dialed Dealan's number while I'm on my way..
On the first ring, sinagot niya agad to.
"Hey, Dealan.. I told you na ikaw mag aasikaso ng enrollment mo ah? Where are you now? Balikan mo na mama Jema mo dun!"
"Dada, yes po. I'm sorry.. Pabalik na po ako ngayon."
"Bilisan mo na. Mag uusap tayo mamaya."
At binaba ko na ang tawag..
Sa expressway na ako dumaan papuntang Adamson. Gusto ko na agad makarating. Naiinis na naman ako kay Dealan. Eto na naman siya...
In no time, nakarating agad ako sa Adamson. Buti na lang at maluwag pa ang daan.
Tinawagan ko na si Jema habang naglalakad ako papasok sa gate..
"Hello, love.. Nandito na ako." bungad ko pag sagot niya ng tawag ko.
"Nandito pa kami sa cashier, love.. Magbabayad pa lang."
"Sige, diretso na lang ako dyan, love. Bye.."
Pumunta muna ako sa may guard..
"Ateng guard, nasa loob na yung anak ko, pupuntahan ko sana sa cashier."
"Okay po, magiwan lang po kayo ng ID---" napahinto siya bigla at tumitig sakin.
"Ahh, ate? Bakit po?"
"Kayo po yung laging sumusundo kay ma'am Jema? Tama po?"
"Ayy tama po kayo, ate.."
"Congrats po.. Pasok na po, wag na kayo mag iwan ng ID."
Owww okay.. Kilala niya ko.. Alam naman siguro ng karamahinan na kinasal kami. We shared some photos on social media eh.
Sobrang proud kasi talaga namin sa isa't isa ni Jema. Even our families and friends shared photos online.
"Thank you po, ate. Pasok na ako.."
Dumiretso na ko sa cashiers' office.. Grabe ang daming tao. Ang haba ng pila. Nasaan na kaya sila Jema.