J
"Love, what are you thinking?" parang ang lalim kasi ng iniisip ng asawa ko eh.
Iniwan ko lang siya saglit dito malapit sa tabing dagat, pagbalik ko, naabutan ko na siyang nakatingala sa kalangitan na punung puno ng mga bituin..
"I'm just thankful, love.." tumingin na siya sa akin..
Dahan dahan akong umupo sa tabi niya at payakap na kumapit sa kanang braso niya..
"Thankful of what, love?"
"I'm thankful of you, of our kids.. Of our family.."
Lalo akong yumakap sa braso niya..
"Naku, ang asawa ko nagsesenti ngayon.."
"I'm serious, love.. Hindi ko na kasi maalala kung kailan ba ako last na nag thank you sa'yo.."
"No need to thank me, love.. We are in this together.."
"No, love.." humarap na siya sakin at seryosong tumingin sa mga mata ko.
"Love, Jema.. I want to thank you for everything.." okay, ang seryoso ni Deanna..
Umayos ako ng upo para lalo ko siyang makita.. Medyo madilim kasi dito..
"Imagine, Jema.. I never thought na magkikita pa tayo after 18 years."
"Para ka talaga sakin, love.. Hihihi.. Kilig siya.." I'm trying to make the mood light.. Ang seryoso kasi ni Deanna.
"But, seriously, Jema.. Ang swerte ko talaga, kasi nakita kita ulit.. You gave us a chance.. And here we are now, you made my dream come true, binigay mo sakin ang pinapangarap kong pamilya."
"Lahat para sa'yo, Deanna.."
"Mahal na mahal mo talaga ako no?"
"Sobra, Deanna.. Sobra.. Ikaw ang una at huli.. Ikaw lang ang minahal at mamahalin ko ng ganito."
"I love you, Jema! Always and forever. I promise to take care of you and our kids.."
"I love you too, Deanna.. Kahit hindi mo sabihin yan, kitang kita naman namin kung paano mo kami inaalagaan."
"Haaay, Jema.. Mahal na mahal talaga kita.." yumakap na siya sa bewang ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.
"Anong meron sayo ngayon, love? Bakit bigla kang naging senti?"
"Di lang ako makapaniwala na yung babaeng naencounter ko lang by chance non sa Paris while I was trying to cope up with my broken heart, yung masungit na babae na yun, siya pala yung bubuo sakin, magpaparamdam ng tunay na pagmamahal at take note, inantay niya ko ng 18 years, ganon siya kapatay na patay sakin.. Grabe, Jema ahhh.. Hehe.."
Ayan na siya, mukhang okay na si Deanna.. Nang aasar na eh.. Gustung gusto talaga niyang balik balikan yung 18 years ko siyang inantay.. Laki ulo na naman tong dambuhala na to.
Hinampas ko siya ng mahina sa braso..
"Ayan ka na naman, love ah.. Gustung gusto mo talagang binabalikan yun.."
"Bakit nga ba, love di ka nag asawa na lang non? Ang tagal kaya ng 18 years. Ni di mo nga alam kung magkikita pa tayo non.."
"Sa totoo lang, masyado ko talagang minahal ang pagtuturo non.. Di ko napansin yung panahon, tumanda na ko sa pagtuturo.."
"Sabi mo madaming nanligaw sayo non, you even tried dating, di ba? Wala ka man lang nagustuhan sa kanila."
"Hindi naman sila ikaw.." sagot ko.
Parang nagulat pa si Deanna sa sagot ko tapos unti unti siyang ngumiti.
Totoo naman eh.. Madami nanligaw sakin non, may mga itsura at mga professional din. May doctor, engineer, architect at yung huli yung bago kami magkita ulit ni Deanna, yung piloto.