45

3.7K 147 35
                                    

J

"Hello, babies.." mahinang bati ko sa mga anak ko pag pasok ko ng kwarto nila.

Hinaplos ko ang pisngi nila, mahimbing pa silang natutulog..

"Good morning, mama.." napalingon ako sa likod ko, si Dealan pala, nakatayo sa may pintuan.

Halatang kakagising lang, mapungay pa ang mga mata niya. Habang tumatanda si Dealan lalo niyang nagiging kamukha si Deanna.

Lumapit na siya sakin..

"Good morning, Dealan.. What do you want for breakfast? Magluluto na ako."

"Kahit ano po, lahat naman po ng niluluto niyo masarap. I saw dada po pala in the guest room, still sleeping.."

Yeah, nagising ako na wala akong katabi.. Pag labas ko ng bathroom kagabi, humiga agad ako at nakatulog. Akala ko naman after ni Deanna mag shower sa guest room eh tatabi siya sakin, but surprise, hindi.

Hindi ko alam ang isasagot kay Dealan, ibinalik ko na lang ang tingin ko sa kambal..

"Something wrong, ma?" tanong ni Dealan.

"Ah, no.. Baka dun lang nakatulog na ang dada mo. Dun kasi siya nag shower. Pagod na pagod kami pareho kagabi."

"Okay po.. Balik na po ako sa room.. I'll shower first."

"Sige anak.. I'll prepare our breakfast na.."

Pag alis ni Dealan, bumaba na din ako sa kitchen.. Kailangan ko ng magluto, maya maya magigising na din yun si Deanna.

Hindi na kami nakapag usap kagabi pagkauwi. Baka nagtatampo sakin ang asawa ko kaya dun sa guest room natulog.

Kasi naman eh, pagod na pagod ako kagabi tapos naalala ko pa yung napakaharot na babae na dikit ng dikit sa kanya the whole night nung event. Di man lang niya ako naipakilala.

Di ko alam kung nakalimutan niya lang ba talaga sa dami ng kumakausap sa kanila o ano..

Haaaayyy.. Jemaaaaa.. Ano ba to.. Naiinis ako sa sarili ko... Bakit ba ko nagkakaganito kay Deanna..

This past few months sobrang naging busy niya sa business niyang coffee shop. Namimiss ko na siya. Uuwi siya ng bahay madalas gabi na, tulog na kami ng mga bata. Tapos sa umaga ang aga aga pa niya aalis.

Kaya ganon na lang din ang nasabi ko sa kanya kagabi eh. Wala na siyang alam sa mga nangyayari sa loob ng bahay, sa akin at sa mga anak namin..

Saka sino ba kasi yung Pia na yun? Ni wala namang nabanggit sakin si Deanna.. Eh dati rati naman, pag uwi niya, ikukwento niya sakin yung nangyari sa buong araw niya, ngayon wala na..

Tulog na agad siya pag uwi o kaya naman pag medyo maaga siya, laptop naman agad ang kaharap niya hanggang sa makatulog na siya.

Bihirang bihira na niya macheck man lang o malaro kahit saglit yung mga anak namin. Even si Dealan, na sobrang strikto niya dati don, minsan na lang niya kamustahin.

Mabilis lang akong nagprepare ng breakfast namin, inaayos ko na ito sa table ng marinig kong may bumaba sa hagdan..

Napalingon ako at nakita ko si Deanna na bihis na bihis.. Saan naman kaya pupunta to? Eh Sunday ngayon..

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi..

"Good morning, love.. Wow! Ang sarap naman ng breakfast.."

"Saan ka pupunta, love? Bihis na bihis ka ah?"

"Puntahan ko lang, love yung location na sinabi ni ate Jia sakin, tignan ko daw kung strategic yung location para tayuan ng coffee shop.." paliwanag niya at umupo na para kumain.

"Ngayon ba dapat talaga? Sunday ngayon, love.. Ilabas naman natin yung mga bata.."

"Ah love, kasi.. Naka-oo na ko eh. A friend is expecting me. Sa kanila kasi yung building.. Nakakahiya naman kung di ako sisipot."

What? Di man lang siya nagsabi na may lakad pala siya ngayon. Family day namin lagi ang Sunday, sa araw na lang na to kami nakukumpleto dito sa bahay tapos aalis pa siya.

"Pag sa ibang tao nahihiya ka, samin hindi. Deanna, lagi ka na lang wala dito. Di ka na namin nakakasama. Di mo na nakakamusta ang mga anak natin."

Ibinaba niya ang hawak niya kubyertos at huminto sa pagkain.

"Jema, ano bang sinasabi mo? To be continued ba ngayon yung drama mo kagabi?"

"Drama para sayo to, Deanna?"

"Eh anong gusto mong itawag ko sa inaarte mo? Nagtatrabaho ako para sa pamilya natin."

"Puro ka na lang trabaho..." naiinis na naman ako.

Bakit ba ganito si Deanna? Dati naman nilalambing niya ko agad pag ganito. Di niya hinahayaang umabot pa sa ganito yung misunderstanding namin.

"Anong gusto mo, Jema? Dito lang ako sa bahay? Manunuod lang maghapon ng tv at lalamon? Sige, fine.. Dito na lang ako.. Di na ko magtatrabaho..."

Tumayo na siya at akmang papunta sa hagdan paakyat ng tawagin ko siya..

"Deanna! Hindi pa tayo tapos mag usap, wag mo kong tatalikuran!"

Huminto siya at humarap sakin..

"Go on, Jema.. Ano pang gusto mong sabihin?"

Magsasalita na sana ako ng marinig kong umiiyak ang isa sa kambal..

"See.. Wala ka ng masabi..." umiiling niyang sabi.

"Umiiyak ang anak natin. Di mo ba naririnig? Gusto mo pa dumaldal ako dito?"

"Its your fault, ang dami mo kasing drama.. Narinig ng kambal yung sigaw mo, umiyak tuloy."

Nakakainis na talaga to si Deanna.. Gusto ko pa talaga sumagot pero kailangan na ko ng mga anak namin. Narinig ko ng dalawa na silang umiiyak..

"Mag uusap pa tayo, Deanna.. Hindi pa tayo tapos. Wag kang aalis dyan.." yun lang at umakyat na ako..

Naabutan ko si Dealan na buhat pareho ang mga kapatid niya at pinapatahan...

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang isa..

"Mama, I think they're hungry na.. Where's dada po pala? May ipapasign po ako sa kanya eh.."

"Nasa baba siya. Tara baba na tayo ng makapag breakfast na tayo." aya ko kay Dealan. Para mapakain na din ang kambal, gutom na siguro ito.

Pag baba namin sa dining area, wala na si Deanna.. Tinignan ko pa siya sa kusina at sala habang buhat si Deacon pero wala talaga siya.

Wala na din sa garahe ang sasakyan niya. Umalis siya ng di man lang nagpapaalam, knowing na umiiyak ang mga anak namin..

Haaayyyyy...

Hinayaan ko na lang muna. Aasikasuhin ko muna si Dealan at ang kambal. Anong oras na din di pa kami nakakapagbreakfast.

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon