D
Sinunod namin ni Jema lahat ng binilin ni Dr. Rimes sa amin. Nakailang balik din kami sa hospital para sa blood sample testing ko at sa iba pang test sa akin.
Kay Jema naman, okay naman siya eh. Healthy and able pa daw siya magbuntis sabi ni doc, kailangan lang talaga mag-ingat during pregnancy dahil nga late na for her age. Mahihirapan na daw siya.
Two weeks ago inimplant na kay Jema yung fertilized eggs. Okay naman siya after ng implantation.
Nothing unusual bukod dun sa biglang lagi niyang gusto akong makita kumain kahit nasa school siya. Lagi tuloy kaming nag vivideo call pag breaktime niya.
And today, nandito kami ulit sa St. Luke's.. Nagawa na yung blood test kanina ni Jema to know if she's pregnant na.
Naghihintay na lang kami dito sa receiving area sa loob ng office ni Dr. Rimes..
"Love, kinakabahan ako. Pano kung negative yung result?"
Inakbayan ko si Jema at niyakap.. Halatang tense na tense siya kanina pa.
"Wag mo isipin yan, love.. Stay positive lang tayo."
Hindi na siya nagsalita.. Yumakap lang siya lalo sakin.
"Hi again, your result is here na, Jema.. Come on, dun tayo sa office ko, Deanna and Jema.." nakangiting bati samin ni doc pag pasok niya.
Sana naman positive yung balita niya, nakangiti siya eh.. Please poooo..
Pag pasok namin sa loob, binasa muna ni Dr. Rimes yung hawak niyang papel..
Grabe ang tagaaaaal.. Gusto ko na malaman yung result ng asawa ko...
Pinagpapawisan na yung kamay ko sa kaba..
Si Jema di ko maintindihan yung reaction ng mukha niya. Nakaupo siya sa harap ko.. Hawak ko ang kamay niya.. Alam kong kinakabahan din siya di niya lang pinapahalata.
"All right.. I won't prolong your agony guys.. Alam ko namang kanina pa kayo natetense.."
Medyo huminto pa si doc..
Doc namaaaaaaan...
Pasuspense pa eh...
Wala akong makitang reaction kay Jema...
"What's the result, doc?" nagtanong na ko, ang tagal eh..
"It's positive, guys! You're pregnant, Jema!"
Whaaaaat? Ano ulit?!
Tama ba narinig ko? Jema is pregnant on the first try agad?
"Love.. Love... Are you okay?" medyo natauhan ako..
"Yes. Why?"
"Natulala ka na dyan.."
"Sobrang naoverwhelm ata si Deanna.."
"Doc, totoo ba talaga? My wife is really pregnant on our first try?" di kasi ako makapaniwala talaga eh.
Gusto ko marinig ulit for confirmation na tama ang dinig ko kanina.
"Yes, Deanna.. Jema is pregnant. You're lucky guys, yung iba nakakailang try pa eh.."
"Yes! Yes! I love you, wifey!" niyakap ko na si Jema.
Di ko mapigilan yung saya na nararamdaman ko eh..
"Easy, love.. Calm yourself hehe.." pagpapakalma sakin ni Jema..
Grabe, I can't help it.. Di ko mapigilan yung saya at excitement na nararamdaman ko.
Nag bilin pa si doc samin at pinakinggan ko namang mabuti lahat yun. I made sure na wala akong mamimiss na kahit ano for my wife's safety during her pregnancy.
.
.
.
"Love, saan mo gusto kumain?" tanong sakin ni Jema.