14

3.7K 140 22
                                    

D

"Hey, D.. Congrats in advance.." bati sakin ni Julia at nag beso sakin.

"Congrats, D.. You're the man!" nag high five pa kami ni Rob..

Kakarating lang nila dito sa island.. Sila yung pinaka huling dumating..

"Let's go to your room.. Para maka rest muna kayo.. Later at 12 lunch tayo.." aya ko sa kanila..

Tomorrow before sunset na ang wedding namin ni Jema..

Konti lang ang invited namin. Family and close friends lang talaga. We want an intimate wedding.

Dumating na din sila Jema kanina. Nasa kabilang village sila sa Mykonos. Kami naman ng family and friends ko nandito sa Bali..

Dumating kaming lahat kaninang umaga. Pero hiwalay yung flight namin papunta dito sa island. Nauna kami, then, sila Jema..

"Where's Dealan?" tanong ni Julia.

Naglalakad na kami dito papasok sa reception..

"Nasa room niya.. Tinawagan ko kanina but he's not answering. Baka nakatulog.."

"Still the same Dealan.. Antukin. Manang mana sayo.."

"Yeah, pati sa pag pasok niya hirap gisingin.."

Kinuha lang namin yung keycards nila tapos hinatid ko na sila sa room nila.. Magkakalapit lang naman yung rooms namin..

"Rob, Julia.. Rest muna kayo.. Then, at 12 let's have a lunch at the Taverna."

"All right, D.. We'll see you all later.." Rob..

"See you later, D. I'm excited to meet Jema again.."

Nagpaalam na ako sa kanila at saka umalis.

I need to rest too.. Pero puntahan ko muna sila dad sa room nila then sa room naman ng mga kaibigan ko..
.
.
.
.
.
----------

J

"Wow, ate! Shocks! Ang ganda naman dito!" manghang sabi ni Mafe..

Nag iikot ikot na kami dito nila mama sa Mykonos. Sila Deanna nandun sa kabilang village, sa Bali.

"Anak, mahal dito di ba?" tanong naman ni mama.

"Jema, magkano ba ang budget niyo ni Deanna dito? Halatang ang mahal dito eh."

"Actually, free po yung accommodation nating lahat. Member po kasi yung ninong ni Deanna dito.. Later mameet po natin sa lunch yung side ni Deanna."

Magkakahiwalay kasi yung flight namin kanina papunta dito sa island. Nauna sila Deanna.

Tapos pagdating namin kanina si Deanna na lang ang sumalubong samin.

Nag message din sakin si Deanna kanina. Nandito na daw si Julia, yung mom ni Dealan..

Kinakabahan ako na ewan para sa lunch namin mamaya. First time ko kasi mamemeet yung mga friends ni Deanna eh.

Ang nameet ko palang naman eh yung mismong family niya..

Konti lang yung invited naming guests.. Gusto kasi namin intimate wedding, family and close friends lang namin.

Sa side ko, family ko lang, ibang co-faculty ko at yung best friend ko lang na si Kyla.

Si Deanna yung medyo may maraming guests.. Kasama niya yung family niya, mga kaibigan nila ni Julia nung college sila, at piling relatives nila..

"Anak, balik na kami sa loob ni mama mo ah, papahinga muna kami." pagpapaalam ni papa.

"Sige po pa.. Ingat kayo ni mama pabalik.."

Kami na lang ni Mafe ang naglalakad lakad dito sa village..

"Ate, excited ka na ba?"

"Sa totoo lang, kinakabahan at excited.."

"Bakit ka naman kinakabahan, ate?"

"Syempre bukas after sunset, mag asawa na kami ni Deanna.. Makakasama ko na talaga siya sa iisang bahay. Kasama yung anak niya, si Dealan. Nakakakaba kaya yun.."

"Ate may instant anak ka na agad hehe.."

"Oo nga eh. Pero mabait naman yun si Dealan. Kinakabahan lang ako kasi baka di ko mameet yung expectation niya at ni Deanna sakin, kung paano ko sila aalagaan.. Halatang alagang alaga kaya sila ni Julia non."

"Ano ka ba, ate.. slsure, beyond expectation pa ang magiging pag aalaga mo sa kanila..Wag mo nga isipin yan. Mahal na mahal ka kaya ni ate Deanna. Helloooo.. Nasa Balesin lang naman tayo."

"Hay nakuuu.. Walang wala yung share ko sa gastos ni Deanna sa wedding na to, nakakaloka.. Pinipigilan ko siya pero wala ayaw niya. Minsan lang daw kami ikakasal, bat daw niya ko titipirin.."

"Ang haba ng hair mo ate! Sayo na ang korona! Eto naaa..." lokang Mafe to..

Kunwaring may nilagay pang korona sakin..

"Ah basta.. Masaya ako ngayon! Sobra.. Kahit pa kinakabahan ako mas lamang yung saya ko.. Finally diba.. Akala ko tatandang dalaga na lang ako eh.."

"Yieeehhh! Pero pinagtagpo ulit kayo hihihi.. Keleg ako ate! Sana all! Hahaha..."

"Mahahanap mo din yung sayo no.. Tignan mo nga ako. Ikakasal na ko bukas kahit late na.. Pero at least with my one and only great love."

"Mag anak agad kayo, ate Jema! Naku! Kambal agad agad!"

"Gaga! Kambal talaga?! Natatakot ako.. Keri pa ba yun? I mean sa age ko? At ni Deanna.."

"Walang ng imposible sa technology ngayon, ate. Mas magandang may anak kayo.. Excited na ko sa mga future pamangkin ko.."

"Nakakaloka ka, Mafe! 'Mga pamangkin' talaga? Di ba pwedeng isa lang?"

"Damihan niyo! Mas nakakaloka ka ate! Sayang genes! Ganda ng lahi ng mapapangasawa mo kaya, kay Dealan palang proven na! Lubus lubusin mo na! Hahaha.."

"Kayanin ko sana yang pinagsasabi mo. Tara na nga, balik na tayo.. Pahinga muna tayo. Para maganda tayo mamayang lunch. Hehe.."

Naglakad na kami pabalik sa loob..

Si Mafe kasama niya sa room sila mama at papa. Ako naman si Kyla ang kasama ko sa room. Magkakasama naman sa iisang room lahat ng invited kong co-faculty ko..

Meron pa kaming dalawang oras bago mag lunch. Enough na siguro yun for short beauty rest..

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon