46

3.3K 135 9
                                    

D

Ayoko ng makipagsagutan pa kay Jema kaya pag akyat niya sa taas, umalis na agad ako para di na niya ko maabutan pag baba niya..

I'm not in the mood right now, pag gising ko palang kanina parang ang bigat na ng pakiramdam ko.. Init na init ako..

Kahit nga ang lamig lamig na ng pinaligo ko, ang init pa din ng pakiramdam ko at para akong uhaw na uhaw..

Kaya kanina nung parang sisimulan na naman niya ko, di ko na napigilan ang sarili ko.. Ayoko munang makipag away..

Nitong mga nakaraan aminado naman ako na sobrang naging busy ako sa trabaho, ang dami kasi naming itatayong branch ni ate Jia, and knowing ate Jia napaka workaholic talaga niya, gusto niya laging ahead of time, ayaw niya ng delays.

Kaya kahit nasa bahay na ako, dala dala ko pa din ang trabaho dun. Hindi ko na gaano nakakasama ang mga anak ko, di ko na gaano naa-update si Jema sa nangyayari sa akin buong araw dahil sa sobrang pagod.

Pero lahat naman kasi to ginagawa ko para sa pamilya namin. Gusto ko lang naman bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak namin.

Alam ko naman kasi di pababayaan ni Jema ang mga anak namin, very hands on talaga siya kahit pa nagtuturo pa din siya. Kaya tiwala ako na naiintindihan niya ako pero di ko alam na ganito na pala ang nararamdaman ng asawa ko.

Di ko naman sinasadya na ganon ang mangyari sa sobrang abala ko sa trabaho. Babawi ako sa kanila pagkatapos ng malaking project namin na to, nahirapan kasi talaga kaming makahanap ng mga strategic location para sa cafe namin.

Pagkapark ko sa harap ng building, diretso akong pumasok sa loob.. Di ko na chineck kung maayos ba ang pagkakapark ko, ang init kasi sa labas.

Kakalabas ko lang ng kotse pero pawis na pawis na agad ako. Ewan ko ba, di ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon...

"Hey, Deanna.. Kala ko di ka na dadating eh.."

"Sorry, Pia.. Sobrang traffic.." umupo na ako sa upuan sa harap ni Pia.

Dito sa commercial building niya yung prospect namin na location. Dito sa second floor, ang ganda kasi ng buong second floor, may napakalaking veranda pa na pwedeng gawing area for outside seating.

"Here, food and drinks nagpaserve na ako.. Aga aga salubong na yang mga kilay mo hahaha.." inilagay niya sa harap ko yung orange juice.

May food na nga sa table clubhouse and orange juice for us.

"Hay, ang init init kasi.. But, I'm okay.." sagot ko at ininom yung juice.

Whew... Kahit papaano guminhawa ang pakiramdam ko. Ang lamig ng sinerve na juice.

"So, what do you think, Deanna? Okay na ba sayo tong location? Ikaw daw may last say sabi ni Jia eh.."

Tinignan ko ulit ang buong paligid.. Okay na okay talaga tong location.. Saka may malaking parking pa sa baba pwedeng pwede sa mga customers na may kotse and this is in Katipunan, malapit sa mga schools.

Balak kasi namin ni ate Jia, hanggang 2am ang operating hours ng branch na to since malapit to sa mga school at condo.

"Well, its perfect.. Its a go for me.." ang ganda kasi talaga ng location.

"So, its a yes?"

"Its a yes, Pia! I'll tell, ate Jia later after ko dito.."

"Yey! Finally, may cafe na din dito..."

Pinirmahan ko na din yung contract namin sa building ni Pia para good to go na kami.. Then, kumain lang kami saglit at umalis na din agad ako.

Uuwi na ako, saglit lang naman talaga ako dito.. Dadaan na muna siguro ako sa mall para bumili ng peace offering para kay Jema. For sure inis na inis sakin yun dahil bigla akong umalis kanina.

Pagdating ko sa mall malapit sa amin, nag ikot ikot muna ako para maghanap ng bibilhing food.. Then, I found myself in a cheesecake store..

I heard masarap daw ang cheesecake dito.. Masubukan nga baka magustuhan din namin to, eto na ang iuuwi ko for my family..

Umorder na agad ako at umupo.. 5 minutes pa daw before I get my order..

Kinuha ko muna ang phone ko sa bulsa at minessage si ate Jia about the location. Para alam na agad niya na good to go na kami.

"Excuse me po, here's your order na po.." napaangat ako ng tingin..

Nandito na pala yung order ko. Inabot ko ito at nagpasalamat..

Pag tayo ko.. Bigla akong nahilo..

"Shit!" napahawak ako sa noo ko.

"Are you okay po, ma'am?" tanong sakin ng crew.

"Ah, yes.. Medyo nahilo lang ako.. Anyway, thank you.."

Ngumiti lang ako at inayos na ang sarili ko..

Ano ba tong pakiramdam ko? Kanina wala na to eh tapos eto na naman.

Kulang ata ako sa tulog..

Di na ko nagikot pa sa mall, umalis na agad ako para naman maaga aga pa akong makauwi..

Malapit lang naman dito ang village namin pero medyo traffic kasi sa daan.. Ang bagal ng takbo ng mga sasakyan.

Habang nasa loob ako ng kotse, ramdam na ramdam ko yung likod ko na pawis na pawis, nanlalamig din ang mga kamay ko tapos yung batok ko parang ang kapal ng pakiramdam..

Naka full blast na nga yung aircon pero pawis na pawis pa din ako.. Badtrip naman.. Uhaw na uhaw na din ako, bakit ba di ako bumili man lang ng maiinom habang nasa byahe..

Haaaayyyy... Bakit ngayon pa nag trapik.. Kung kailan gustung gusto ko na umuwi..

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon