D
"Baby Deacon! Ang gwapo gwapo naman ng inaanak ko ohh.."
"Hoy, Pongs! Dahan dahan naman.. Lagot ka sakin pag umiyak si baby Deacon.." saway ko kay Pongs. Pano ba naman sinasayaw sayaw at iniikot ikot ang anak ko..
Nandito na kami sa garden dito sa bahay.. Jema and I decided na pag isahin na lang ang binyag at welcome party ng kambal namin. Pili na nga lang ang ininvite namin pero ang dami pa rin pala. At lahat sila nagkakagulo sa mga anak namin.
"Grabe ka naman, Deans.. Napaka protective.."
"Syempre, anak ko yan eh.. Teka nga, asan na ba sila Bea at Mads.."
Nasaan na ba yung mga yun? Hawak hawak nila si baby Deavon kanina ehhh..
Pag lingon ko sa kaliwa ko nakita ko na si Bea at Mads na papalapit sakin.
"Deans! Umiiyak si baby Deavon.." sabi ni Bea habang karga si baby..
"Sinasabi ko na nga ba eh, pinaiyak niyo na si baby... Akin na nga.." kinuha ko na kay Bea si baby Deavon..
"Uy, bigla lang umiyak si baby, nilalaro nga namin siya eh.." sabi naman ni Maddie.
"Oh, bakit umiiyak ang bunso ko? Anong gusto ng baby bunso ko ha?" iyak ng iyak pa din ang bunso ko, naku naman..
Nasaan na ba si Jema? Baka nagugutom na to..
"Baby Deacon, kiss mo nga twinny mo para di na umiyak.." langhiya to si Pongs, nilapit pa si baby Deacon kay bunso..
"Pongs, umayos ka! Baka umiyak din si baby Deacon.." instantly, pagkasabi ko non, umiyak na din si baby Deacon..
Kinuha ko na kay Pongs si baby Deacon..
"Ayan, Pongs! Pinaiyak mo si baby Deacon.." pang aasar ni Bea.
"Lagot ka, Pongs! Patahanin mo yan!" dagdag pa ni Maddie.
Nalintikan na! Sabay ng umiiyak ang mga anak ko. Ginawa na nilang hobby umiyak ng sabay..
Jemaaaaaaa...
Lingon ako ng lingon di ko makita si Jema.. Siya kasi nag aasikaso sa mga bisita eh.. Baka nasa kitchen yun nag aayos ng food..
"Alam niyo kesa mag asaran kayo dyan, hanapin niyo si Jema, dali na.. Di titigil tong mga to pag di nakita si Jema.." utos ko kina Bea at Maddie.
Dali dali silang umalis at pumasok sa loob ng bahay..
"Oh, ate Deanna, anong meron dito? Mukhang may duet mga pamangkin ko dito ah.."
"Hay naku, Mafe.. Sinabi mo pa, nasaan na ate Jema mo? Baka nagugutom tong kambal eh.."
"Nasa loob, busy sila nila mama mag prepare ng food. Akin na si bunso, ako na bubuhat." ibinigay ko na kay Mafe si bunso, nakakangalay, ang bigat na nitong mga anak ko.
"Naku, Deans, araw araw bang ganyan? Sabay silang umiiyak?"
"Oo, Pongs.. Everyday yan, pag umiyak yung isang asahan mo susunod yung isa.."
"Grabe naman pala, ate Deanna. Nakakapagtrabaho ka pa ba nyan?" tanong naman ni Mafe.
"Sa ngayon, yung assistant ko muna yung hinahayaan kong mag manage ng coffee shop, si Lei, nandyan din siya sa loob."
"Eh di sabay din yung kambal magmilk kay Jema?"
"Yes, Pongs! Sabay sila. Naaawa na nga ako kay Jema eh."
"Ang payat na nga ni ate, ang takaw takaw siguro nitong mga pamangkin ko mag milk. Tahan na kayo, baby.. Tama na ang iyak.."
Natanaw ko na si Jema papalapit sa amin..
"Love, umiiyak sila baby..."
"Ohhh, bakit umiiyak ang babies ko? Gutom na ang mga anak ko.. Akin na love si baby Deacon, gutom na yan.."
Kinuha na sakin ni Jema si baby Deacon.. At tama nga si Jema, gutom na si baby..
"Gutom na pala ang baby Deacon eh, kaya pala iyak ng iyak ehhh." nilaro laro ko pa ang kamay ni baby Deacon habang pinapadede ni Jema..
"Ate, si bunso din gutom..." nilapit ni Mafe si baby Deavon sa amin..
"Come to dada nga baby Deavon, ako naman ang kakarga sayo.. Tahan na baby, ikaw naman next kay Kuya Deacon mo.."
"Akin na Deanna, gutom na din yan, sabay na sila ni baby Deacon, alalayan mo lang dito.."
"Naku, Jema.. Kaya pa ba? Dalawang baby pinapakain mo? Ang payat payat mo na.."
"Kakayanin, Pongs.. Ako lang naman pwede magpakain sa mga anak ko.."
"Kumain ka ng madami, ate Jema.. At vitamins.."
"Akong bahala sa asawa ko, papakainin ko ng madami to hehe.."
"Sus, Deanna! Mamaya kung anong pagkain yang sinasabi mo.. Lalo pang mangayayat to si Jema."
"Bunganga mo, Pongs! Naririnig ka ng mga anak namin.."
"Sabi ko nga shut up na lang ako.."
"Jema, Deanna, halina kayo sa loob, okay na ang pagkain, kakain na tayo.." tawag ni mommy sa amin..
"Yiieeehhh! Food! Tara na sa loob."
"Ikaw talaga, Pongs. Basta pagkain talaga.. Let's go na sa loob."
Huminto na sa pag iyak ang mga anak namin. Ako na ang humawak kay baby Deacon, si Jema naman sa bunso namin.
Mahaba pa ang araw, madami pa ang bisita. Sana naman di na magwala tong mga anak namin. Pansin ko ang bilis nila mairita pag sobrang daming tao eh..