J
Mag sisimula na ang last semester for this year, halos tapos na lahat mag enroll, yung iba nagpapa add or delete na lang ng mga subjects. Ilang araw na lang din kasi pasukan na..
And this is Dealan's last semester.. After this semester ga-graduate na siya. Excited na nga si Deanna eh.. Syempre, sino ba namang magulang ang di maeexcite na makakapagpagraduate na sila ng anak. Kahit ako excited na for Dealan, anak na din ang turing ko sa kanya kahit di man siya sakin nanggaling.
"Ma'am Jema, eto na po yung schedule niyo for this sem, nandyan na din po yung class list per subject po.."
"Thank you, Jelah.. Nakapag enroll ka na din ba?"
"Opo, ma'am. Tapos na po, gagraduate na din po sa wakas.." oo nga pala, kasabayan lang ni Dealan to si Jelah..
Tignan mo nga naman dati first year lang sila tapos ngayon gagraduate na.. Ang bilis talaga ng panahon, kahit yung kambal namin ni Deanna, dati ang liit liit lang ngayon, kayang kaya ng gumapang at tumayo..
Nag stay na muna ako dito sa faculty room, wala pa namang message si Deanna na nandito na siya sa Adamson eh, dun kami magkikita sa coffee shop, sabay kaming mag la-lunch..
Tinignan ko na isa isa yung schedule ko at class list.. Higher subjects lang ang hawak ko, ayoko talaga sa mga freshmen at sophomore makukulit at maiingay kasi..
Sa kulit at iyak pa nga lang ng mga anak ko puno na ko, baka tuluyan na kong matuyuan nito pag pati mga students ko dadagdag pa, kawawa naman ang asawa ko di ba, wala ng matitira sa kanya..
MWF pa din ang schedule ko sa school.. Ayoko pa mag full time sa pagtuturo, maliit pa ang mga anak ko.. Umiiyak pa nga pag aalis na ko para pumasok eh.
Kaya pag may pasok ako, si Deanna ang half day sa trabaho. Siya muna ang nagbabantay sa umaga hanggang sa dumating yung kinuha naming yaya para sa kambal.
Yung kinuha naming yaya ng kambal stay out naman, MWF ang schedule niya samin, tapos uuwi na siya pagdating ko o ni Deanna..
Down to my last schedule and class list... Managerial economics..
Inisa isa ko yung mga nasa class list ko, halos kilala ko naman lahat, mga naging students ko karamihan..
Hold on... Parang may mali sa class list ko.
Tama ba pagkakaprint nito?
Bakit nandito si Dealan sa klase na to?
Bumaba ako ng faculty room, pinuntahan ko si Jelah..
"Jelah? Tama ba tong class list ko ng ME?"
"Yes, ma'am.. Bakit po? Pinrint ko lang po yung nasa system natin.. Yan po lahat ng naka enroll.."
Naguluhan ako lalo.. This can't be.. Last sem pa kinuha ni Dealan tong subject na to eh..
"Wait, di ba classmates kayo ni Dealan last sem sa ME?"
"Yes po, ma'am.."
"Then, bakit nandito ulit siya?" pinakita ko pa kay Jelah yung class list ko sa ME.
"Ahh, ma'am, tanong niyo na lang po si Wong.."
Ha? Ano bang meron?
"Jelah, ano nga? May problema ba? Sino ba prof niyo last sem dito?"
"Ma'am Jema, ayoko po mag salita.. Si sir Jay-ar po yung prof namin.."
Umakyat ulit ako sa taas nandun si sir Jay-ar eh.. Magkausap pa nga kami kanina..