39

3.9K 151 20
                                    

D

"Dealan! Nakikinig ka ba sakin?!"

Kanina pa ko salita ng salita dito, nagtataka ako bakit di sumasagot tong si Dealan, pag lingon ko sa kanya sobrang busy pala sa phone..

On the way na kami ng ospital, susunduin na namin si Jema at ang kambal.

Kaninang umaga bago ako pumunta sa Adamson, sa coffee shop namin, hinatid ko ang mag-iina ko sa ospital para sa check up ng kambal namin.

Tas etong si Dealan, sinundo ko na sa condo ni Nico after ko sa shop. Every Saturday ang uwi ni Dealan sa bahay..

"Yes, dada. I'm sorry. Ano po ulit yun?" napatingin na siya sakin at ibinaba ang phone niya.

"Ang dami ko ng sinabi wala ka man lang narinig ni isa don?"

"I'm sorry po..." napayuko na lang siya.

"Ano ba kasi yan? Sobrang busy mo naman dyan? Minsan ka na nga lang namin makasama puro ka pa phone.."

"Wala po, dada.." itinago pa niya sa bulsa niya yung phone niya..

"May problema ka ba? Napapansin ko parang wala ka lagi sa sarili mo.. Tell me, makikinig ako.."

"Wala po talaga, dada.. May minessage lang po ako."

"Kamusta na kayo ni Arianne?" halatang nagulat siya sa tanong ko..

Well, sila pa din ni Arianne.. Akala ko nga mag bbreak na sila nung makipagsuntukan tong si Dealan sa mall eh, pero nagkaayos pa din sila.

"Ah, ano po.. Okay naman po kami, dada."

"Sure ka, Dealan?" parang kasing hindi convincing ang sagot niya eh, nag alangan pa siya bago sumagot.

"Opo, dada. Okay po kaming dalawa."

"Basta, Dealan, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo basta hindi makasasama sayo. At ang gusto ko di mo mapabayaan ang pag aaral mo."

"Salamat po, da.."

"Kamusta pala ang pag aaral mo? Kamusta kayo ni Nico don sa condo?"

"Okay naman mga subjects ko, da.. Sa condo, ayos lang din.."

"Mabuti naman.."

Its good to hear na ayos naman ang panganay ko. Alam ko madalas sobrang higpit ko talaga kay Dealan, anong magagawa ko? Unang anak ko siya, ang dami kong pinagdaanan at sinakripisyo para kay Dealan kaya di ko maiwasang maging ingat na ingat sa kanya.

Ayokong pagdaanan niya yung mga paghihirap ko non, kung pwede lang ako na lang masaktan wag lang ang anak ko..

Nakarating na kami sa ospital.. Pag pasok namin sa lobby, nandun na si Jema, nakaupo, nakaharap sa kanya yung stroller ng kambal..

"Love... Tapos na check up nila?" bati ko kay Jema pag lapit ko, hinalikan ko siya sa pisngi at ibinaling ang atensyon ko sa mga anak namin..

Yumuko ako para i-check ang babies namin.. Ang unusual kasi eh, ang tahimik nila. Usually, ang kukulit ng mga to o ang iingay..

Pero ngayon, ang tahimik nilang dalawa at parang ang tamlay..

"Hello, babies... Bakit nakasimangot ang kambal koooo? Sino umaway sa babies ko?" pinisil pisil ko pa silang dalawa sa pisngi pero dedma.. Wala silang reaction..

"Let's go na, love... Matamlay lang sila.. Ookay din yan." tumayo na si Jema.

Kinuha na din ni Dealan yung dalang bag ni Jema na lalagyan ng mga gamit ng kambal.

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon