J
"Love, are you okay?" naramdaman ko na lang si Deanna sa likod ko..
This morning sickness again. Halos every morning na kong ganito.. Its been a month since it was announced that I'm pregnant. Normal daw to sa first trimester of pregnancy.
Kaso grabe.. Normal pa pala to.. Wala pa kong kinakain pero nagsusuka na agad ako..
"Sige na, love.. Labas ka na.. Kaya ko na to." hinahagod hagod pa niya ang likod ko.
"Nag aalala ako, love.."
Di na ko sumusuka pero nakayuko pa din ako dito sa sink. Yung feeling na parang nasusuka pa din ako ulit.
"Okay lang ako, normal lang to sabi ni doc. Sige na love, gisingin mo na lang si Dealan, pasok kami maaga coding pa naman yung kotse niya." hinahagod hagod niya pa din ang likod ko.
"Okay, love. I'll cook breakfast, what do you want?"
"Ikaw ng bahala, love.. Alam mo naman yung pwede sakin."
"All right, love.. Labas na ako. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka."
Di na ko sumagot.. Naduduwal talaga ako..
Ilang minuto pa, nawala na din ang pakiramdam kong nasusuka.
Nag shower ako saglit at nag prepare na. Kailangan naming umalis ng maaga. Baka abutan kami sa daan ng coding.
"Love, ready ka na?" nakapasok na pala si Deanna dito sa kwarto.
"Ah, yes, love.. Wait." ano ba to, ang sikip na ng slacks ko.
Lumapit na si Deanna sakin..
"Need help?"
"Kaya ko na to, love.." hay! Sa wakas nasara ko din.
"Love, wag ka na magsusuot ng masisikip na pants. Bili tayo sa weekend ng mga damit mo.. Baka umiyak si baby, naiipit siya." hinawakan pa niya ang tyan ko.
"Okay, love. Di ko naman alam na mag gagain ako agad ng weight ng ganito kabilis."
"Lika na, breakfast is ready."
"Nagising mo na si Dealan?"
"Kakagising lang niya. Natulog pala ulit nung ginising ko kanina."
"Male-late na kami, baka mahuli na kami sa daan."
"Don't worry, love.. Hatid ko na kayo."
"Hassle, love tapos babalik ako ulit dito?"
"Ano naman, love? Pamilya ko naman ang ihahatid at susunduin ko. Sige na love, wag mo ng problemahin yun. Baba na tayo, para makapag breakfast na, gutom na si baby.."
Simula ng pregnancy ko, mas lalong naging maalaga si Deanna.
Nabawasan na din konti yung pagiging makalat niya. Hindi na din niya iniiwan ng basang basa yung flooring ng bathroom after niya mag shower. Pero minsan nakakalimutan niya pa din.
"Dealan, sabi ko naman sayo matulog ka ng maaga ng di ka napupuyat eh.."
Nandito na kami sa dining table. Nakaprepare na lahat. Pati yung packed lunch ko at snack.
"I did, dada.. Di ko lang narinig yung alarm ko po."
"Madaling araw na naririnig ko pa kaya sa labas ng room mo yung tv.."
"I just forgot to turn it off po."
"Hay naku, palagi na lang.. Mamaya mag overheat yan, next time ah."