D
"Dude! I miss you talaga! Saan na wifey mo? I wanna meet her na.. Ano ba nakita sayo non? At inantay ka ng 18 years!"
Salubong sakin ni Bea pag pasok ko dito sa room nilang tatlo ni Maddie at Pongs.. Mamaya pa nila mamemeet sila Jema.. Nauna kasi kami kanina dito sa island.
Best friends na kaming apat since college.. After college, nagkahiwa hiwalay na kami at bihira na makumpleto non.
Ngayon na lang talaga ulit. Buti nga nakumpleto kaming apat eh. Binantaan ko silang friendship over na sa di pupunta sa kanila sa wedding ko.
Dumating naman silang tatlo. So, I guess, we will be best friends forever.. I'm stuck with these three morons forever haha..
"Ganon talaga pag pogi, Bei.. Haha.." sagot ko kay Bea.
"Huwow, Deanna! Nasaan ang pogi dyan?" lumapit pa sakin si Pongs at inalog alog ako sa balikat.
"Whatever, Deans! Di ako aangal dahil dito naman sa Balesin ang wedding mo! Wooohhh!" sarap pa ng higa ni Maddie sa kama ah..
"Sinasabi ko na nga ba eh, kaya lang kayo pumunta dahil sa accommodation at hindi dahil sa wedding ko.." pagtatampo ko kunwari.. Haha..
Umupo na ko sa couch dito.. Sumunod naman silang tatlo. Katabi ko si Pongs, sa harap naman namin si Maddie at Bea.
"Eto naman nagtampo pa.. Labyu, Deans! Nakakamiss kaya yung kumpleto tayo.." Bea.
"But seriously, Deans.. 18 years? Naantay ka ni Jema? Wala man lang siyang inentertain na iba o naka relasyon man lang na iba?" manghang sabi ni Pongs.
"Shit, 18 years.. Grabe.. Parang di ko kaya, Deans.." Maddie.
"Yeah, 18 years and its still me sabi ni Jema.. Ganon din naman ako ah? Siya pa din ang mahal ko.. Destiny na talaga yung nagkita kami ulit dahil sa kalokohan ng inaanak niyo.. Makipag suntukan ba naman sa kaklase niya.." sagot ko..
"That's destiny at its finest, Deans! Imagine of all schools sa Adamson napili ng anak mo, of all professors at sa lahat ng time na pwedeng makipagsuntukan yan si Dealan, sa subject pa mismo ni Jema.." Bea.
"Parang gusto ko na din maniwala sa destiny.. Kala ko sa movie lang yun. May ganon pala talaga.." Pong.
"Destiny or not, whatever they call it.. We're very happy for you, Deans.. Finally, here we are, we will witness tomorrow kung paano ka makukumpleto ulit.." Maddie.
"Kinakabahan nga ako eh.. Kasi ngayon, totoo na talaga to. Makakasama ko na si Jema.. Magiging asawa ko na siya bukas. May tutorial ba para maging mabuting asawa?" nasanay na kasi akong si Dealan lang ang inaasikaso eh.
"Just be yourself, Deans.. Mahalin mo lang siya araw araw. Unconsciously, magagawa mo yung mga bagay na para kay Jema.." paliwanag ni Bea.
"Bea is right.. Hindi mo kailangang pilitin, Deans. Alam ko namang magiging mabuti kang asawa for Jema. Look at Dealan. Napalaki niyo siya ng maayos." Maddie.
"And Deans, natural na sayo na mapagmahal ka. Gagawin mo lahat para sa mga taong importante sayo. Tulad ng ginawa mo non for Dealan. Pinili mo sila ni Julia kasi yun ang tama at makakabuti, pinili mo ang pamilya mo non. That's unconditional and unselfish love, Deans.. Binabalik lang sayo ng tadhana yung dapat sayo naman talaga, at si Jema yun.." Pongs.
For a moment, I was speechless..
Mukha lang gago tong mga kaibigan ko at ang kukulit namin lagi pag magkakasama. But, here they are giving me advices and praises..
"Thank you, morons! Nakaka speechless ah.. Wag nga kayo magpa iyak.. Di pala bagay sa inyo mag seryoso haha.."
Nagpatawa na lang ako.. Nakakaiyak kasi yung mga sinabi nila eh.. Thank you, Lord for these morons!