9

4.2K 139 24
                                    

J

"Good morning, class.." bati ko sa mga students ko pagpasok ko ng room..

"Ibabalik ko lang yung exam papers niyo, then you can go, to those who want to see their final grades, I can show you the computation here on my laptop."

"Ma'am do we have a meeting pa ba on Friday?" tanong ng isang student ko..

"Wala na tayo meeting sa Friday. This is our last meeting.. I hope you will all pass sa lahat ng subjects niyo and enjoy the semestral break."

"Class picture tayo ma'am mamaya!" sigaw naman ng isang student ko sa likod..

"Yown! Oo nga ma'am!"

Well, ganito naman talaga pag freshmen.. Mahilig mag class picture pag end of semester..

"Okay okay, sige after ko ibigay yung papers niyo.."

Isa isa ko na silang tinawag para ibalik yung final exam papers nila.

Tapos, ayun nga, nag class picture kami.. Ang gugulo nila pero masaya. Meron pa silang nalalaman na seryoso muna na pose, tapos wacky naman..

Tuwang tuwa ako sa kanila.. Eto ang pinaka magulong klase ko pero masaya naman.. Eto lang kasi yung klase ko ng freshmen. Puro higher subjects na kasi ang hawak ko..

End of semester na, this will also mean na makakapag vacation na din kaming mga professor kahit papano..

Kaya tinapos ko na din agad yung mga exams ko, para makapag compute at makapag encode na agad ako ng grades nila.

After ko ibigay yung papel nila yung iba nag alisan na. Yung iba naman lumapit na sakin isa isa to see their grades..

I looked around the classroom to see kung sino yung mga nandito pa. Nakita ko si Dealan kasama niya si Arianne Elizalde.

Oww, that Elizalde.. Hmmmm..

Ubos na yung mga students kong nakapila para sa grades nila..

Then, I saw, Dealan and Arianne.. Tumayo na sila at lumakad palapit sakin dito sa harap..

"Ma'am, can I see my grades po?" sabi ni Elizalde..

Nakatayo lang sa gilid niya si Dealan..

"Yes, sure, young lady.."

Hinanap ko na yung name niya at saka ko hinarap sa kanya yung laptop ko..

Medyo matagal niya tinignan yung laptop ko. Inisa isa niya ata yung scores niya..

"Ma'am, we have a maintaining grades po kasi sa varsity.." malungkot na sabi niya.

Ang baba kasi ng naging final grade niya sakin.. Pasado naman kaso halos pasang awa na talaga..

Ang dami niyang absent, missed quizzes at madami pang iba..

Iniexcuse ko naman siya dahil nga varsity player siya, may memo naman samin about dun.

Ang kaso sa mga binibigay kong special quizzes and exams sa kanya, ang baba din ng mga scores niya. Sa totoo lang, inadjust ko na yung grades niya eh.

Sayang to si Elizalde masipag pa siya nung una tapos biglang ganito..

"Yes, I'm aware naman. Kaso, I have adjusted your grades na eh. Yan na talaga yung pwede kong ibigay sayo.."

"Ma'am please, matatanggal po ako sa varsity pag di ko po na maintain yung grades ko.. Please po, ma'am kahit mag special project po ako.." naiiyak na siya..

Awwww... Naawa ako bigla sa kanya.. Hinahagod hagod lang ni Dealan yung likod niya..

Pero kasi naniniwala ako sa fairness sa lahat ng students ko. Kaya nga nung inadjust ko grades niya, ganun din ang ginawa ko sa lahat.

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon