D
"There's nothing I can do about that, Dealan. So, you're taking the subject again?"
"Maybe I can make a way, so, he can take his intership too.. Para on time pa din siya makakagraduate."
Si Dealan ang tinatanong ko pero si Jema ang sumagot.
Pagkatapos kong mag shower kanina, tinawag ako ni Jema. Nag usap kaming tatlo dito sa kwarto ni Dealan. Ipinaliwanag nila lahat sakin.
Dapat madisappoint ako sa anak ko pero hindi yun ang naramdaman ko. Somehow, naawa ako kay Dealan.. Tiniis niya lahat yun mag isa kasi ayaw niyang mamroblema pa kami.
I can't imagine how hard it was for Dealan.. And I can still see the pain in his eyes.
"I know that, love.. But, I'm talking to you Dealan. Anong plano mo?"
"I'll take the subject again, dada.. Aayusin ko din po yung sa internship ko baka pwede ako payagan."
"Sige. Ayusin mo na agad bukas.. Ikaw ang mag aayos, okay?"
"Yes po, dada."
"Ako na kakausap sa dean ng department namin, ako bahala." sagot ni Jema.
"No, love.. Hayaan mong si Dealan ang mag ayos at kumausap. Para matuto siyang umayos ng problema niya."
"Okay, okay, love.. Let's go, matulog na tayo. Maaga pa kami sa school bukas ni Dealan."
Bumalik na kami sa kwarto ni Jema at humiga..
"Love, wag mong tutulungan si Dealan bukas ah.. Nasasanay yung batang yun, gagraduate na lang ng ganyan, laging nakaasa sayo."
"Kaya nga nandito tayo para tulungan siya. Bata pa si Dealan, kailangan niya tayo, love.. Lalo na ngayon, alam kong naiintindihan mo yung pinagdadaanan niya ngayon." paliwanang ni Jema, lalo siyang yumakap sa akin habang nakaulo sa braso ko.
"I understand him, love. Kung pwede nga lang ako na lang masaktan eh. Pero he needs that to grow. Hindi lang yun ang mararanasan niya sa totoong buhay."
"Poprotektahan natin ang mga anak natin, Deanna.. Kasama mo ko.. Akong bahala, makakagraduate on time si Dealan.."
"Okay, love.. Naku, bantayan mo yan, estudyante mo na naman yan. Baka makipagsuntukan na naman yun, naku.."
"Grabe, love ahhh.. Yun talaga naisip mo.. Kaw talaga, di na first year ang anak mo, graduating na.. I'm sure, he's matured enough naman na.."
"Well, sa nakikita ko naman ang laki nga ng pinagbago ni Dealan. Saka nandun din naman ako sa Adamson lagi. Ang gusto ko lang naman makatapos siya."
"Makakatapos siya, Deanna. Don't worry.."
Hindi na ako sumagot, yumakap na lang ako kay Jema ng mahigpit. Alam ko naman na magiging maayos din ang lahat.
Lahat naman ng bagay pinapadali ni Jema eh.. Kaya alam kong kahit anong mangyari kaya ko kasi nandyan lang lagi si Jema.
.
.
.
.
.
----------J
"Love, punta na kami sa department ni Dealan ah?"
"Sige, love.. Balik kayo dito ng lunch, sabay tayong tatlo mag lunch.."
"Okay, love.."
"Bye po, dada.."
Naglakad na kami ni Dealan papuntang department.
Sabay sabay kaming nagbreakfast sa coffee shop namin dito sa Adamson. Akala ko magagalit si Deanna sa nangyari pero buti na lang naintindihan naman niya agad ang sitwasyon ni Dealan. Alam ko namang maiintindihan ni Deanna si Dealan.
Kinausap namin yung department head at yung dean, na-approve naman agad yung request ni Dealan na mag-simul ng subject.. Makakapag internship na siya.
"Dealan, ayan, okay na ah.. Galingan mo sa internship mo. Maghanap ka na agad ng company mo after orientation para makapag start ka agad."
"May nahanap na po ako, ma.. Dun po ako sa shipping company ng friend ni mommy po.."
"Wow! Okay yan, Dealan. Magandang experience. Ano? Balik na tayo kay dada mo? O may pupuntahan ka pa? Maaga pa naman, 12 pa naman tayo magkikita dun."
"Let's go, ma.. Balik na tayo kay dada.. Parang gusto ko ng frap at waffle.. Hehehe.."
"Pati appetite mo namana mo sa dada mo, ang bilis magutom. Let's go, anak.. Balik na tayo dun.."
Nagkukwentuhan lang kami ng kung ano ano habang naglalakad pabalik sa coffee shop.
"Dealan, anong balak mo after graduation mo?"
"I want to have a vacation sana, ma.. Tayo nila dada at ng twins po.. Sobrang naging busy po kasi ako, namiss ko na po kayong lahat kasama.."
"Sige, sasabihin ko yan sa dada mo.. Magbabakasyon tayo after graduation mo."
"Talaga po, thank you po, ma.. Excited na po ako!"
Pag tawid namin sa bridge, nasalubong namin si Arianne. Huminto siya sa tapat namin.
"Dealan, can we talk? Please, Dealan.."
Tumingin sakin si Dealan..
"Sige na, Dealan.. Sunod ka nalang sa shop.. Una na ako dun." pagpapaalam ko.
"Wait, ma.. Sabay na po tayo.. Ah, Arianne. I'm sorry pero inaantay kasi kami ni dada. Saka wala naman na tayong pag uusapan."
"Dealan, please.. I'm sorry, di ko sinasadya. I know, it's my fault. Nagsisisi na ko.. Please, come back to me, Dealan.."
"No, Arianne.. I'm sorry. Let's go po, ma.."
Tumalikod na si Dealan kay Arianne at lumakad..
Ayoko ng magtanong pa. Alam kong may malalim na dahilan kung bakit ayaw na ni Dealan.
Pag pasok namin sa loob ng shop parang nagulat pa samin si Deanna. Ang aga kasi namin nakabalik.
"Ohh, ang aga niyo naman? Tapos na agad?" tanong ni Deanna.
"Yes po, dada.. Approved na po yung request ko! Promise, dada, gagalingan ko.. Gagraduate po ako this sem!"
"Wow! Salamat naman.. Promise yan anak ha?"
"Opo, dada! Promise po!"
"Oh siya, early lunch na tayo.. Tapos uwi na tayo labas tayo kasama yung kambal.. Upo na kayo dyan, love.. Prepare ko lang lunch natin.."
"Okay, love.."
Yung saya ni Deanna kitang kita eh. Nag aya pa siyang lumabas kami kasama yung kambal. Well, family time na muna bago pa man magsimula ang semester at maging busy kaming lahat ulit.. Ngayon na lang ulit kami makakalabas ng kumpleto.