J
"Hello, my babies! Ang pogi at ang ganda naman ng mga anak ko ohhh.."
"Dada, they're so cute! Can I carry them dada?"
"Hmmm, sure, pero isa lang muna baka mabitawan mo eh.."
"Yehey... I want baby Deacon, dada!"
"Sure, Dealan.." dahan dahang kinuha ni Deanna si baby Deacon sa braso ko..
Nakakatuwa naman.. Kung dati kaming tatlo lang ang nandito sa bahay at sobrang tahimik lang lagi, ngayon lima na kami at biglang sumigla tong bahay namin..
This weekend nag set kami ng small party para sa mga anak namin, families and close friends lang namin ang invited.
"Hello, baby Deacon.. I'm your kuya Dealan. Pag malaki ka na, tuturuan kita mag basketball, lalaro tayo baby Deacon.."
"Dealan, dahan dahan lang ang hawak kay baby Deacon ah.." paalala ni Deanna kay Dealan.
"Love, hayaan mo na si Dealan, alam naman niya yan.."
Umupo na sa tabi ko si Deanna dito sa kama, hawak ko si baby Deavon, ang baby girl at bunso namin..
"Hi, baby Deavon.. Ang ganda naman ng bunso namin.. Mana sa mommy niya.."
"Ang ganda niya talaga, love.. Pero parang di ko naman siya kamukha."
"Kamukha mo kaya siya, love.. Look ohhh pareho kayong maganda.."
"Binola mo pa ko... Natawagan mo na ba sila mommy para sa party this weekend."
"Yes, wifey.. Sobrang excited nga nila eh. Pati sila mama tinawagan ko ulit."
"Di ko inexpect to, Deanna.. Dalawa agad ang anak natin. Kaya ba natin? First time ko to.."
Sobrang naoverwhelm talaga ako, all this time, ang akala namin ni Deanna isa lang ang laman ng tyan ko. Pero heto at kambal pala.
Wala akong idea kung paano maging isang magulang, first time ko to tapos dalawa agad yung anak namin.
"Kaya natin to, Jema.. Nandito ako, magkasama tayong aalagaan at papalakihin ang mga anak natin. Akong bahala, sa ngayon, magpahinga ka muna at magpalakas."
"Thank you, Deanna.. I love you!"
"I love you more, Jema!" and Deanna kissed me on my forehead.
"Dada, baby Deacon is crying na..." ayan na nagsimula ng umiyak ang isa.
Kinuha na ni Deanna si baby Deacon kay Dealan..
"Ohhh, baby Deacon, bakit umiiyak ang baby namin ni mommy? Stop crying na baby... Gutom na ba ang baby Deacon namin?"
Kahit anong karga at kausap ni Deanna kay baby Deacon iyak pa din to ng iyak..
"Love, ayaw niya tumahan, baka nagugutom si baby Deacon.."
"Akin na si baby Deacon, baka nagugutom nga, padedehin ko muna. Ikaw muna humawak kay baby Deavon.."
Nang maibigay ko na si baby Deavon kay Deanna, umiyak din to..
"Baby Deavon, bat umiiyak ka din? I'm your dada, baby.. Anong gusto ng bunso ko ah?"
Naku, nag duet na tong mga anak namin sa pag iyak.. Ang lakas pa naman nila umiyak..
"Jema, gutom din ata si bunso?"
Mukhang sabay na naman ang kambal namin.
"Sige wait lang, akin na.." inayos ni Deanna sa kabilang side ko si baby Deavon, inalalayan niya to habang dumedede sa akin..
"Dada, I'll prepare food muna.." paalam ni Dealan.
"Sige, Dealan.. Dalhan mo na din kami dito ng mama mo ah.."
"Yes po, dada.." lumabas na ng kwarto namin si Dealan.
"Love, I think need mo talaga mag milk din, kumain ng madami. Kasi dalawang baby din yung pinapakain mo eh. Sabay pa lagi sila.."
"Duet lagi umiyak yung mga anak natin. Nagmana ata sayo ng topak yung mga anak natin, Deanna ah.."
"Uy, sobra ka, Jema.. Ang bait ko kaya.."
"Topakin ka kaya minsan.. Tignan mo to si baby Deacon, mana talaga sayo to, nakahawak pa sa dibdib ko ohh.."
"Ganyan naman yung mga baby ah.." palusot pa tong si Deanna. Nakakatuwa asarin.
"Eh bat si baby Deavon, ang behave lang niya.. Tong si baby Deacon, nangangagat pa ng dibdib, nagmana talaga sayo to, pasaway! Siya pa nagsimula ng iyak.."
"Uy, sobra ka naman, love.. Di naman ako nangangagat ah.."
"Mukha mo, Deanna.. Pag ikaw nambabae, subukan mo lang.. Lagot ka samin ng mga anak mo.. Apat kaming sasabunot sa mga babae mo, kasama kuya Dealan nila.."
"Oa naman, Jema.. Di ko magagawa yun, mahal ko kaya kayo.."
"Sus, napaupo ka nga lang dun sa klase ko non, pati student ko, nahulog agad panty sayo eh.."
"Uy, love.. Di ko kaya pinansin yun.. Lumalayo nga ako non eh.."
"Well, very good ka nga dun.. Pero naku lagot ka sakin pag nalaman kong nambabae ka talaga.."
"Di mangyayari yan, love.. Loyal ako sa inyo ng mga anak natin.."
Nakakatuwa talaga asarin to si Deanna. Haha.. Inaasar ko lang naman siya pero sobrang defensive niya. Alam ko namang di niya magagawa yun. Lalo na ngayon, halos buong atensyon niya nasa mga anak na namin. Ni ayaw nga niya bitawan yung kambal eh..