41

3.8K 146 15
                                    

J

Hapon na ng makaalis kami ni Deanna sa Adamson. Ang dami pa niyang inasikaso sa coffee shop na mga inventory at kung anu ano..

Habang nag aasikaso siya dun, ako nakaupo lang, iniisip kung paano ko ba makakausap si Dealan mamaya ng wala si Deanna o ng kahit saglit ng di mapapansin ni Deanna..

"Jema?" bigla akong natigil sa pag iisip ko.

"May problema ba, love?" sumulyap saglit sa akin si Deanna at ibinalik agad ang atensyon sa daan.

"Ha? Wala naman, love.. Bakit?"

"Kanina pa kita tinatanong, di ka sumasagot.. Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa ganyan sa coffee shop ah."

Naku.. Sa lalim ng iniisip ko ni di ko narinig na tinatanong na pala ako ng asawa ko..

"Wala, love.. Napagod lang ako kanina. Ano ngang tanong mo ulit, love?"

"Never mind, Jema.. Uwi na lang tayo para makapagpahinga ka na."

"Eh ano nga muna yung tanong mo, love?"

Hay, baka magtampo na sakin tong si Deanna. Hindi ko na nga siya masyadong naaasikaso tapos ganito pa ko ngayon..

"It's okay, love.. I'm not mad naman, nag woworry lang ako baka may problema ka. You can share it to me, I'm a good listener, wife.." hinimas himas pa niya ang baba ko to reassure me na hindi siya galit o nagtatampo.

Alam ko naman na good listener talaga si Deanna, ni di nga kami nag aaway eh.. Lahat kasi iniintindi niya. At yung isa sa mga nagustuhan ko talaga sa kanya hindi siya demanding sa kahit anong bagay.

Kaya minsan nagi-guilty ako pag lagi na lang ako sa mga anak namin at sa pagtuturo ko, kahit kasi part time lang ako sa school ang laki pa din talaga ng oras na kinakain nito sakin. Lalo pag exam week na..

Pero never siyang nag demand na siya naman, ganito ganyan. Tatanungin pa niya ko kung kaya ko pa ba o kailangan ko ng tulong. Lagi lang siyang nakaalalay sakin.

"I'm sorry, love.. Wala naman akong problema, napagod lang ako."

"Okay, then, love.. Uwi na ba tayo o gusto mong may puntahan muna o bilhin?"

Hmmmm.. Weekend naman, susulitin ko na tong araw na to na kasama si Deanna, tutal may yaya naman sila baby, ang galing nga mag alaga ng yaya nila eh, napapatulog sila at napapakain ng walang kahirap hirap.

"Love, date mo ko?" lambing ko kay Deanna..

Nasa daan lang ang tingin niya habang nagmamaneho..

"You want me to date you, wifey?" nakangiting sabi niya.

"Yes, love.. Namiss ko yung mga dates natin. Kahit man lang bago mag start ulit yung 2nd sem."

"All right, wife.. Date tayo.. Message mo si yaya, sabihin mo medyo male-late tayo ng uwi, message Dealan too.."

Haaaay... Naalala ko na naman yung kay Dealan. Pero mamaya na yun.. Ang asawa ko muna ang iintindihin ko minsan lang naman to.
.
.
.
.
.
-----------

D

Nag aalala ako sa asawa ko, kanina pa siya sa Adamson ganon, wala sa sarili at ang lalim ng iniisip.

Sana naman wala talagang problema, nakailang tanong na ko kay Jema, puro wala ang sagot niya. Pero kilala ko ang asawa ko, alam kong meron siyang di sinasabi sakin..

"Love, eto na yung tickets natin.." ang bilis naman..

Nakapila pa ko dito sa bilihan ng popcorn eh.. Pag tingin ko sa tickets namin..

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon