J
"Hi, love.. Good morning. Ganda mo naman. Are you ready?" bati sakin ni Deanna at saka humalik sa pisngi ko..
"Good morning din, love.. I'm born ready. Cute mo naman po." pinisil ko ang dalawang pisngi niya.
Ang cute kasi sobra parang di tumatanda talaga tong love ko..
We're going to Bora! Nag yaya si Deanna na mag vacation daw kami since sembreak ngayon. Bonding na din daw namin with Dealan.
Well, sabagay dapat makasundo ko din yung anak niya. Sa school ko lang kasi to nakikita eh.. Mabait naman kahit ang kulit talaga niya sa klase..
Bago ako sumakay sa kotse, bumaba si Dealan sa harap..
"Good morning po, ma'am.. Tabi na po kayo ni dada. I'll sit at the back.." bati niya sakin..
"Good morning din, Dealan. Thank you.."
Pag sakay namin ng kotse. Nag drive na agad si Deanna papuntang airport..
Tahimik lang kaming tatlo sa kotse.. Yung music lang sa kotse ang tanging ingay..
"Hmmm, love.. Nag breakfast na kayo?" tanong ko kay Deanna.
"Not yet, love.. Pero sa airport breakfast tayo.."
"Nag prepare ako ng breakfast natin dito.."
"Talaga, ma'am? Ayos! I'm really starving na eh.." nauna pa sumagot si Dealan sa dada niya.
Lumapit pa siya sa likod ng inuupuan ko..
"Excited, Dealan?" sagot ni Deanna.
"Da, I'm starving na! Di kaya tayo nakapag dinner ng maayos last night.."
"Di kayo nag dinner, love?" tanong ko kay Deanna.
"Yes, ma'am.. So, can I have na po ba yung food? Hehe.. Please?" ayy, oo nga pala.. Inabot ko na kay Dealan yung paper bag.
"Oo, love.. Di ko na check, wala na pala kaming stock eh. Usually kasi sa labas lang kami kumakain ni Dealan eh or papadeliver lang."
"Okay, love.. Next time check mo ah? Subuan na lang kita ng sandwich."
"Thank you, love.."
Halatang gutom na gutom si Dealan. Pag abot ko palang ng food kinain na agad niya eh..
Ham and bacon grilled sandwich at orange juice yung pinprepare ko. Apat na sandwich yung ginawa ko.
Mabilis kaming nakarating ng airport.. Walang gaanong traffic..
"Love, ako na kukuha ng bag mo sa likod.."
"Okay, love.."
"Ma'am, akin na lang tong sobrang sandwich po ah.. Hehe.." kinuha niya sa paper bag yung natirang sandwich.
"Sure, Dealan.. No problem.."
.
.
.
.
Habang nag aantay kami dito sa waiting area para sa boarding time namin si Deanna halos di maalis yung atensyon niya sa phone niya.Sino ba tinetext nito??? Tapos maya maya pa siyang umaalis kasi may tumatawag sa kanyan..
Kala ko ba magvavacation kami? Tapos busy naman siya sa phone. 😒
"Love, wait, I need to answer this.." tumayo ulit siya at lumakad palayo sa inuupuan namin..
Di na niya ko inantay sumagot. Naiwan na naman ako dito. Si Dealan nasa upuan sa harap ko, busy naman sa phone niya din, nag lalaro ata..
Kinuha ko na din yung phone ko.. Wala namang magawa eh.. Maya maya pa boarding time namin..
Tinext ko sila mama, kinamusta ko lang. Pati si Mafe tinext ko din, yung kapatid ko. Siya yung kasama nila mama sa bahay eh..