13

3.8K 136 40
                                    

J

"Dealan, saan ka ba galing kanina?"

Naku, mukhang inis pa din to si Deanna.. Buong byahe namin kanina tahimik lang din siya eh pati si Dealan.

Nandito na kami sa Landers. Mag gogrocery muna si Deanna, then, didiretso na kami sa coffee shop niya malapit lang din dito.

"Da, I'm sorry.. Sinamahan ko si Arianne kanina.."

"Ano ba priority mo? Pag eenroll mo o ibang tao?"

Hindi ko ata gusto kung saan papunta tong usapan ng dalawang to..

Paikot ikot lang kami dito sa loob, wala pa ding nalalagay si Deanna sa cart na tulak niya.

"Dada, sorry na.. It won't happen again po."

"Dapat lang.. Kung hind dahil kay Jema di ka pa siguro nakakapag enroll ngayon."

"Thank you po, ma'am.."

"Its okay, Dealan.."

"Saka Dealan, ano yung nalaman kong lagi kang late at absent sa isang subject mo last sem? Anong subject nga yun, love? Yung sinabi ng isang prof kanina."

Si Dealan napayuko na lang eh..

Shocks.. Naalala pa ni Deanna yun. Kaya nga niyaya ko na agad siya umalis kanina non eh, baka kung ano ano pa masabi kay Deanna ng co-faculty ko, ang daldal pa naman non..

"Love, alam mo mamaya na yan. Mag grocery ka na. Saka nagugutom ako ulit, love.. Kain tayo after dito.. Tara na.. Tulungan na kita mag grocery.."

"Mabuti pa nga love, tulungan mo na ako. Wala naman akong kaalam alam sa mga brand na yan."

"Let's go, love.. Dun muna tayo sa mga meat.."

"Dealan, kumuha ka na ng sariling cart mo. Umikot ka na para sa mga needs mo.."

"Yes po, dada.. Dun na po ako.."

"Be at the countet after 30 minutes, okay?"

"Okay po, dada.." humiwalay na ng way si Dealan samin..

Success! Palamigin muna ang ulo ng love ko.. Umiinit na naman kasi eh..

"Love, wag mo na pagalitan si Dealan.. Pumasa naman siya sa lahat ng subjects niya eh. Ang tataas nga ng grades niya eh.."

"Ayoko lang na masanay siya na ganon. Saka gusto kong malaman bakit late at absent siya lagi. Pati priority niya di na niya alam. Nakakainis kanina talaga eh. Pano kung wala ka dun di ba.."

"Love naman eh, salubong na naman yang kilay mo.. Ako ng bahala kay Dealan sa school, okay? Para di ka na mag alala. Update kita lagi, love.."

"Haay, sige na nga.. Galing mo manlambing eh. Wag mong ini-spoil yun si Dealan naku.."

"Tama na yan, love.. Mag grocery na tayo. Mag pa-plan pa tayo ng wedding natin di ba? Dapat good mood ka, bebe ko.. Please? For me, love?" humarap na ako sa kanya.

"Para sa love ko, sige, good mood na ako. Love you!" and she gave me a quick smack on my lips.

Namili na kami ng mga needs nila ni Dealan sa bahay. Si Deanna, kung ano ano lang yung pinagkukuha.

Di man lang chinecheck kung okay ba yung mga food na kinukuha niya lalo na yung meat. Kuha lang siya ng kuha.

Kaya, it ended up na ako na ang namili, si Deanna na lang ang nag tulak ng cart. Practice na din hehe..

Pagdating namin sa counter nandun na si Dealan. Punong puno yung cart niya. Puro chips, soda at cereal.

Ano ba tong dalawang to? Ang unhealthy ng mga pinagkukuhang food.

Dumiretso na agad kami sa kotse after magbayad ni Deanna..

"Dealan, pupunta kaming coffee shop, sasama ka pa samin o uuwi ka na?" tanong ni Deanna kay Dealan..

Nandito na kami sa loob ng kotse..

"Sasama ako, da.. I'll meet my friends near the coffee shop. Okay lang po ba, dada?"

"Sige.. Saan ba kayo pupunta?"

"Mall, dada.. Stroll po. Sembreak naman po.."

"All right, just be home before 9pm.."

"Okay po, dada.."

Nakarating agad kami sa coffee shop. Si Dealan nagpaalam na agad pag baba ng sasakyan..
.
.
.
.
"Love, what do you want? Kukuha ako ng food natin sa counter.."

"Hmmm.. Chocolate milkshake lang sakin, love and french toast.."

"Okay, love.. I'll be quick." tumayo na siya papuntang counter.

Inopen ko na yung laptop ni Deanna.. Nag search lang ako ng mga wedding destination..

"Love, gusto mo ba dyan?"

Nandito na pala si Deanna.. Masyado akong nahook dito sa mga beach destination..

Inayos na niya yung mga food sa table saka siya umupo sa tabi ko. Sa couch kami nakapwesto..

"Parang ang romantic ng beach wedding, love no.. Yung tipong pa sunset na.. Then, dun din yung reception sa tabing dagat.."

"Kung anong gusto mo, love okay din sakin. Ang gusto ko lang naman eh pakasalan ka kahit saan pa yan.." hihihi.. Tamang kilig lang..

"I want a beach wedding, Deanna. Is it possible ba?"

"Of course, love.. Lahat para sayo.. We will have a beach wedding. Pero saang beach, love?"

"Hmmmm... Ikaw ba, love? May alam ka bang magandang beach o ano?"

"Naku, love.. Wala.. Sa Cebu lang at yung Bora. Kung saan ako nagpropose sayo. Alam mo namang ang tagal kong nag stay sa US di ba.."

Oo nga pala.. Ang tagal palang nasa US ni Deanna..

"Pero love, you know.. I want an intimate wedding eh, yung exclusive lang satin and sa mga guests natin.." dagdag pa ni Deanna..

Halatang nag iisip siyang mabuti..

"Saan naman kaya, love? Mostly ng alam ko kasi puro tourist spot na beach eh.."

"I know a place, love.. Kung okay lang sayo.."

Hmmm.. Saan naman kaya tong place na alam ni Deanna?

"Sige, love.. Saan?"

"Nakapunta na ako before dun, we were invited by a family friend.. Actually, best friend ni dad yung nag invite samin non. Balesin Island, love. What do you think?"

What??? Balesin?!

Eh hindi lang exclusive dun eh.. Sobrang mahal pa.. Saka ang alam ko members lang non ang pwede gumamit ng accommodation dun.

"Balesin, love? Pano? Member ka ba dun? Pano ba?"

"I'll take care of it, love.. I'll talk to dad.. Let me take care of it. So, deal? Balesin for our wedding destination and reception?"

"Love, wala akong budget for that. Pano yung mga guest natin?"

Simple beach wedding lang yung nasa isip ko eh..

"Ako ng bahala, love sa gagastusin natin.. Wag mo ng isipin yun.. We're getting married. You'll be my wife soon. What's mine is yours, Jema.. I love you!" niyakap niya ko at hinalikan sa noo..

"I love you, Deanna.. Pero let me have my share pa din sa lahat, okay.. Done deal.. I love you.."

"Okay, wifey.. Ikaw po masusunod.. I love you too!"

Haaaay... I can't wait for the day of our wedding..

Sana laging ganito.. Masaya lang kami at walang problema..

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon