D
Kakatapos lang ng program dito sa reception. Nag eenjoy na ang lahat.
Grupo grupo na sa bawat table.. May music na tumutugtog, chill and relax music ang napili namin ni Jema for the reception.
Kasama nila mom and dad yung parents ni Jema at sila Ninong Arth..
Tapos sila Bea kasama yung mga kaibigan ni Jema at si Mafe.
Dealan is with her mom and Rob, I can see them enjoying. Kasama nila si ate Nicole at Nico.
Namiss sigurado ni Dealan ang mommy niya. Ang tagal nilang di nagkita eh.
Magkasama kami Jema dito sa table namin. Kakatapos lang namin kumain.
Ineenjoy muna namin ni Jema ang isa't isa. Nakakapagod kasi yung program kanina. Ang daming pakulo ni ate Nicole at Mafe..
"Wifey, ready ka na ba later? Hehe.."
"Hmmmm.. Anong later, love?" humarap sakin si Jema at sinubuan ako ng cake..
"Later... Ano bang ginagawa ng bagong kasal after ng wedding?"
Parang nag isip pa siya.. Jema naman eh... Parang hindi alam eh..
"Nagpapahinga? Nakakapagod kaya, love.." sige lang ang kain ni Jema ng cake..
"Love naman ehhhh.. Basta, be ready later, wifey.. We will start our baby number one tonight!" at ninakawan ko siya ng halik hehe..
"Sa Paris pa yun, not tonight, love.. You have to wait.."
"Love naman eh, I thought the long wait is over?"
"Its final, love.. Sa Paris pa ang honeymoon natin.. Bawal na mag dahilan, sige ka..."
"Right, Deanna! Your wife is always right.." bwiset na Bea to bigla bigla na lang sumusulpot.
"Bat nandito ka? Balik ka na dun kina Pongs.. Iniistorbo mo kami ng wifey ko eh..."
Di ako sinagot ni Bea. Tumingin siya kay Jema..
"Jema, hiramin lang namin si Deanna ah?" parang alam ko na tong balak ni Bea..
"Yeah, sure, Bea.. Go na, love.. Sama ka na muna sa kanila. Puntahan ko na din sila Kyla.."
Hay kainis tong si Bea eh.. Naudlot pa yung paglalambing ko kay Jema..
Napilitan na kong sumama kay Bea. Si Jema kasi tumayo na din eh. Pumunta na siya kina Kyla, nasa ibang table na sila.
"Hoy, Deanna! Umayos ka.. Ngayon na nga lang tayo kumpletong apat ulit eh.. Lubusin mo na dude.. You have the rest of your life with Jema naman eh.."
Well, may point naman si Bea. Sige na nga.. Bonding na din naming magkakaibigan. Bukas mag uuwian na kami eh.
"Oo na.. Kinunsensya mo pa ko eh.."
Paga lapit namin sa table nila Bea.. Shoot! Ano to? Ang dami ng alak sa table nila. Ang daming shot glass at bote ng beer..
"Deans, tara na upo.. Umpisahan na natin to! Namiss ko inuman natin!" aya ni Pongs.
Hinila pa ni Pongs yung upuan sa tabi niya para sakin..
"Woohhh! Tara na! Shot na! Congrats, Deanna! Official ka ng sakal este kasal! Hahaha.." hayup to si Maddie!
"Arte mo, Deanna! Tara na inom! Eto oh.." inilagay na ni Bea ang isang shot glass sa harap ko.
"Mga gago kayo, lalasingin niyo pa ata ako ngayon pano pa ko makaka-score mamaya nyan?!"
"Bukas ka na umiscore, Deans.. Kami muna hahaha! Unang shot para kay Deanna, sabay sabay!" Pongs..