J
"Love..." tawag ko kay Deanna, pero parang di niya ko narinig.
Sobrang busy kasi niya sa laptop.. Kanina pa siya nakaharap sa laptop niya.
Natapos na ko lahat lahat sa ginagawa ko, nandun pa din siya. Nakapag shower at nakapagbihis na ko ng pantulog di pa din siya tapos sa ginagawa niya.
Di nga ata niya napapansin na kanina pa ko daan ng daan sa likod niya eh..
"Love...." tawag ko ulit sa kanya..
Hay naku tong asawa ko.. Lumapit na ko sa likod niya at niyakap siya.
"Love naman... Ano ba yan? Magseselos na ko nyan sa laptop mo, kanina ka pa dyan eh.."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan..
"I'm sorry, love.. May tinatapos lang ako. Para to sa itatayo kong bagong branch ng coffee shop natin.."
Wow! May itatayo palang bagong branch ang asawa ko, so, it means, successful ang coffee shop business namin.
Simula nung kunin naming supplier ng cakes and pastries sila Jia, mas lalong dumami ang pumupunta sa coffee shop namin. Iba pa din talaga ang tandem nilang dalawa sa business.
"Talaga, love? Wow! Congrats, love.. Saan naman yung bagong branch?"
Humarap siya sakin at pinakita ang laptop niya..
"Surprise, love!!!"
"Oh myyy! Seryoso ba yan, love?"
"Yes, love! Matagal ko na tong inaasikaso at sure na sure na to!"
Sa loob ng Adamson lang naman ang bagong branch ng coffee shop..
"Wow! I can't wait to be back at work and see our new coffee shop."
"Gusto mo na ba bumalik sa work, love?"
"Sana.. Okay lang ba, love?"
"Oo naman, love.. Okay lang.. Tutal, mag 1 year naman na sila baby eh.. Pwedeng pwede ko naman na sila isama kahit saan. Pwede na din naman tayo kumuha ng yaya for them.."
"Talaga, love? Payag ka na bumalik ako sa work?"
"Oo naman, wifey.. Nung makita kita ulit successful ka na sa pagtuturo mo, ayoko naman alisin sayo yun.. Magkasama naman tayong magtutulungan at mag aalaga kina baby plus nandyan din ang kuya Dealan nila para sakanila."
"Thank you, love! Thank you! I love you!" sobrang saya ko, hinalik halikan ko si Deanna sa pisngi.
"Oh, sige na, love.. I know you love me, enough na.. Tulog na ba babies natin?"
"Yes, love.. Tulog na tulog na, I checked Dealan too, tulog na din siya.."
"Napagod yun kakalaro sa mga kapatid niya, grabe ang bilis lumaki ng kambal natin, ang kukulit na.."
"Kaya nga eh.. Ang lakas na din kumain, love.."
"Napansin ko nga din yan pag pinapakain ko sila.. Anyway, Jema.. Kung babalik ka na sa work, ano ng magiging set up natin kina baby?"
Tumayo na si Deanna at hinubad ang salamin niya.. Humiga na kami pareho sa kama, yumakap ako kay Deanna.
"Hindi naman ako mag fufull time, love.. Siguro, MWF lang yung sched na kukunin ko o TTH para mas madami pa din akong oras sa mga anak natin. Ayoko naman na i-asa lang sa yaya yung pag aalaga kina baby.."
"Okay, love.. Tignan na lang natin yung schedule mo pagbalik mo ng school."
"Sino pala, love yung mag mamanage ng bagong branch?"