24

3.5K 129 24
                                    

J

Di na kami natuloy ni Deanna sa St. Luke's dumiretso uwi na kami.

Si Deanna halos paliparin yung kotse pauwi. Di siya nagsasalita buong byahe pero ramdam na ramdam ko yung tensyon sa loob ng kotse.

Hindi ko alam paano kami nakarating agad dito sa bahay kahit medyo traffic na sa expressway kanina.

"Where are you going, Dealan?" tanong ni Deanna.

Dire-diretso kasi si Dealan hanggang hagdan paakyat pag pasok namin.

"I'll go to my room muna, dada."

"No! You stay here! Mag uusap tayo."

"Love, please calm down.. Upo ka muna, please.. I'll get you a glass of water.."

Mabilis lang akong kumuha ng tubig sa kusina. Bumalik agad ako sa living room.

Nadatnan ko si Deanna nakatayo pa din. Si Dealan nakaupo na siya.

"What are you thinking, Dealan?! Ano yun? Ha?"

"Dada, I'm sorry. I've been calling Arianne kasi tapos makikita ko kasama lang pala niya yun."

"Di ka man lang nag isip! Sa mall ka talaga nakipagsuntukan?!"

"Please, Deanna, kumalma ka muna. Inumin mo muna to?"

"Later, Jema.. Mag uusap muna kami.."

Sinusubukan kong pakalmahin si Deanna, pero galit na galit talaga siya.

"Dada, kung ikaw ba, anong gagawin mo? Matutuwa ka ba?" napatayo na si Dealan.

Di ko na alam ang gagawin ko.. Ang taas taas na ng tensyon.

"Mag iisip ako, Dealan.. Di ko papairalin yang ego! Ano ka na ba ngayon ha? Basagulero?! Ha? Yan ba tinuro namin sayo?! Babae lang yan! Ang dami dami dyan!" nakahawak na si Deanna sa batok niya.

"Love, are you okay? Inumin mo na to, please." pero di pa din uminom si Deanna.

"She's not just a random girl! She's my girlfriend! Can't you see, dada? Nasaktan ako!"

"Alam ko! Nakita ko.. Pero sana naman, nag isip ka muna! Hindi yung basta ka na lang nanuntok sa---"

Napahinto bigla si Deanna..

Napayuko na siya. Hawak hawak niya ang batok niya.

"Love, are you okay? Love?"

"Ahhhh!" iniinda na niya yung batok niya.

Napabagsak na siya sakin...

At bigla siyang nagsuka..

"Dada..." lumapit na si Dealan..

"Deanna?! Love?..."

Nawalan na siya ng malay...

"Get the car, Dealan.. Dalhin natin sa hospital ang dada mo." natataranta na ko..

Bumalik agad si Dealan..

Binuhat na namin si Deanna papasok ng kotse. Nasa backseat kami ni Deanna.

"Dealan, bilisan mo please.."

"Yes po, ma. What's happening to dada?"

"I don't know, Dealan. Nag aalala ako.."

"I'm sorry po.. Its my fault."

"No, Dealan.. Hindi mo kasalanan. Don't blame yourself."

Sinusubukan kong gisingin si Deanna pero unconscious pa din siya.

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon