Chapter 1 : The Sad New King

269 9 0
                                    

Si Prince Dongmin ang pinakamasayahing bata sa kaharian nila. Masaya niyang binabati ang mga tao sa palasyo tuwing umaga, na siya namang nagbibigay rin ng saya sa iba. Gaya nga ng palaging sinasabi ng mga tao sa palasyo, kasama na roon ang mga magulang niya, mayroon siyang magandang ngiti na para bang maaari itong maging lunas sa kahit anong karamdaman. Nagbibigay rin ito ng saya sa mga tao sa palasyo. At malamang ay sa 'yo rin.

"Dongmin, come here! I have something to tell you." utos ng kaniyang Inang Reyna at kaagad naman siyang sumunod.

"What is it, mother?" Tinignan niya ang ina niya na may ngiti sa labi. Ngunit napawi ito nang makitang seryoso ang mukha ng reyna.

"Dongmin baby, I'm sorry to tell you but your father is dying. He runs out of time." Nabigla siya sa anunsyo na 'yon ng kaniyang ina. Halos hindi nag-proseso sa utak niya ang narinig na pahayag.

"W-what do you mean he's dying?" nanginginig ang boses niya at halos gusto na niyang maiyak.

"Minnie, the King is going to die soon. When he's gone, you'll be the next king." hinawakan siya ng reyna sa magkabilang balikat.

"B-but, I'm not yet ready to be a king. I-I don't know how to manage a kingdom. Please tell father to be strong. I don't want him to die."

Bumuhos na ang mga luha ng reyna at niyakap ang anak, "I-I know, baby, me too, I don't want him to leave us yet, but I'm sorry, Minnie."

Niyakap niya ang kaniyang ina at sinabayan ito sa pag-iyak dahil hindi niya na rin mapigilan ang nagbabadyang mga luha.

Makalipas ang dalawang araw ay namaalam na nga ang kaniyang ama. Halos mawasak ang kaniyang mundo.

Sa edad na labinlima ay naging hari na nga siya ng kanilang kaharian. Napipilitan man ay kailangan niyang gawin ito para sa napayapang ama at para na rin sa buong kaharian.

Ngunit hindi na siya katulad ng dating Dongmin na kilala ng lahat. Naging matamlay, masungit at malungkutin na ang bagong hari. Pakiramdam niya ay nawalan na ng saysay ang kaniyang buhay. Sa murang edad ay nawalan na agad siya ng ama.

Isang araw, siya ay nasa kaniyang kwarto, tinititigan ang sarili sa salamin. Ang maliwanag niyang ngiti ay napawi. Ang makinis niyang balat ay hindi na niya naaalagaan. Pumapayat na rin ang kaniyang katawan. Ang dating masayahing mata ay puno na ng lungkot at pighati. Halos hindi na niya kilala ang sarili niya. Sino na nga ba siya? Sino nga ba ang lalaking nasa salamin na kaharap niya? Hindi niya na kilala.
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon